Chapter 10

103 46 27
                                    

Dumating ang araw ng birthday ko, July 24. Pagpasok ko sa school ay puro pagbati ang narinig ko at puro pasasalamat naman ang naging bukang bibig ko. Nakita ko si Cristof pero parang simpleng araw lang sa kaniya ang araw na 'to. Hindi niya ba alam na birthday ko? 

Pinabayaan ko na ang isiping iyon at nang nagsimula na ang mga klase, puro pagbati pa rin ang naririnig ko pero hindi galing kay Cristof. Siya pa naman ang unang taong inaasahan kong babatiin ako sa birthday ko dahil mangliligaw ko siya tapos ngayon ay wala man lang kahit ano, kahit simpleng pagbati, wala. Pero kahit gano'n ang nangyari ay naging masaya ang araw ko.

Mabilis na natapos ang araw na 'yun at sa pinakaunang beses simula ng manligaw sa akin si Cristof ay ngayon niya lang sinabing hindi niya muna ako mahahatid sa sakayan. Kailangan na raw niyang umuwi. 

Sa totoo lang, nakakatampo. Wala na ba siya agad pakielam sa akin? Gano'n gano'n na lang? Noong isang araw lang sabi niya na hihintayin niya ako, hindi sasaktan at hindi tatalikuran tapos ngayon ay ganito na? Sa mismong birthday ko pa?

Pinakalma ko muna ang sarili ko, nakipagkwentuhan kila Cherrie at Chuck. Umuwi na si Zia, Peter at Chanel. Napasarap ang kwentuhan namin kaya naman mahigit isang oras na rin ang lumipas. 

Tinignan ko ang cellphone ko para sana tignan kung nagtext or nagchat na ba si Cristof sa akin pero lowbat na pala ako. Ichacharge ko na lang agad kapag nakauwi na ako sa bahay. Nagpasya kaming magsiuwi na. Inaalala ko pa rin ang mga nangyari sa araw na 'to at si Cristof. Naiinis ako.

Nang makauwi ako ng bahay ay nagdoorbell agad ako at pinagbukasan ni Daddy.

"Ann!" mahabang sigaw ni Mommy mula sa sala. Pagpasok ko ay may kinakalikot si Mommy na bouquet ng blue roses. "May nagpadala! Para sa'yo raw!" Biglang bumilis ang tibok ng puso. Mukhang alam ko na kung kanino 'to galing.

"Kanino galing?" napapangiting tanong ko.

"Hindi namin alam eh. Bigla na lang may nagdeliver kanina," sabi ni Daddy.

"Wow naman. May paflowers," sabi ni Ate Felice.

"Haba ng hair mo ah. Kay Tristan ba galing 'yan, ha?" tanong naman ni Ate Camille. Si Tristan?Sus, asa naman tayo doon. Masaya na siya sa girlfriend niya pero hindi man lang ako binati? Walang kwenta talaga. Ugh.

Nakita kong may envelope na nakalagay sa taas ng bouquet na 'yun. Mukhang hindi naman nila binuksan kaya tinignan ko na kung kanino galing. "Hindi, sa classmate ko." Kay Cristof.

"Manliligaw mo?" tanong ni Mommy. Tango lang ang nasagot ko.

Tumayo na 'ko at kinuha ang bouquet at umakyat sa kwarto. Pagkaakyat ko sa kwarto ay nilapag ko 'yung bouquet sa kama ko at kinuha ang phone ko sa bag para sana imessage na siya para magpasalamat sa flowers at letter pero nakita kong lowbat nga pala 'yung phone ko kaya naman chinarge ko muna sa may study table ko. Muli akong bumalik sa kama ko at kinuha ang envelope, binuksan ito at binasa ang letter ni Cristof sakin.

It took me 16 years to find the right girl, now that I found you, I won't let you go. I may not have the courage to give this to you in person pero alam mo naman 'di ba na love kita, kahit alam kong medyo malabo na mahalin mo rin ako, pero 'di ko mapigilan 'yung sarili ko na i-express 'yung feelings ko para sa'yo. Whatever happens on August 31, I'll still be here for you whenever you need a listening ear and a crying shoulder. I love you, AFD!

Shit.

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses kong binasa 'yung letter niya at grabe ang epekto noon sa akin. Sa bawat pag-uulit ko sa letter niya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumayo ako para pumunta sa may study table para sana itext na si Cristof ng magulat ako sa labindalawang text messages mula sa kaniya at may dalawang missed call. Kanina pa siguro siya nagtetext at tumatawag bago malowbat ang phone ko. Inumpisahan kong basahin isa-isa ang mga messages niya.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon