CHAPTER 1

38 4 1
                                    

Hello..

Ipapakilala ko lang po muna ang sarili ko.

Ako po pala si Lovely Mae Agustin.

Simpleng babae lang ako,at simpleng tahanan lang ang tinitirahan ng pamilya ko.

May kaya naman kami,talagang minsan nakakapos lang kami sa pera.

Hindi na nakakapag trabaho ang aking mga magulang,hindi naman  sila matanda mga na 40+ palang naman ,hindi rin po mahina ang mga buto nila.

Talagang nag makaawa lang po ako sakanila na ayaw ko silang nakitang nahihirapan.

Na ayos lang saakin ang gumawa sila ng gawaing bahay,pero ang mag trabaho ay hindi ko kinakaya.

Ang pangako ko sakanila na ako ang mag tataguyod sa pamilya namin,ako ay kaisa isang anak lang ni Mama Lilia/ Lilia Marie Agustin at ni Papa Lucion/ Lucio Agustin.

Si Papa  ay may sakit sa puso pero naaagapan naman po,dahil sa hindi ko hinahayaang ma stress at kung ano pa ang mga bawal kay papa.

Si Mama naman ang nag aalaga saamin ni papa.

Kasalukuyan third year high school na ako sa pasukan.

Nag aaral ako sa Yhung Min University.

Mayayaman ang nandoon,at ako naman ay isang scholar lang..

Pero handa naman ako makisalamuha sakanila,palakaibigan naman ako,pero ang tangging hiling kolang ay sana ganoon din ang mga nag aaral doon.

Ang napapanood ko kase sa mga kdrama at nababasa ko sa wattpad ay binubully lang ang mga hindi mayayaman pag dating sa mga ganu-ong paaralan.

Pero ang pag kakaalam ko naman ay doon din mag aaral ang mga kaibigan ko na si Xia Montefalco at Maria Isabella.

Kaya kahit papaano may kakilala ako.

Sila ang kaibigan ko na makakasama sa bagong papasukan kong paaralan.

Nakilala ko sila sa dati naming paaralan nung second year high school kami.

Kaming tatlo ang napili sa scholarship kaya ngayun ay makakatung tong na kami sa pribadong paaralan.

Nga pala bukas na ang simula ng balik skwela namin.

Kasalukuyan nandito ako sa labas ng bahay namin para mag pahangin kadalasan ko talaga to ginagawa pag madami akong iniisip.

Hindi ko alam kung anong trabaho ang mapapasukan ko sa gantong sitwasyon.

Kahit ano basta malaki ang sahod para sa pamilya ko kahit mahirap pa yan titiisin ko.

"Oh,anak..mukang malalim nanaman ang iyong iniisip,maari mo bang ibahagi saamin ng iyong papa iyan?" Tanong ni Mama.

May dala siyang kape at tumabi saakin sa upuan,katamtaman lang ang laki ng bahay namin yung kasya kaming tatlo,hindi naman sa maliit kung i-imagine niyo,basta katamtaman..may kaya ganun.

Pag pasok mo ng gate ay garden namin ang bubungad saiyo,mahilig mag tanim si Mama at malalaki na din ang iba pang tanim niyang mga puno.

Ang sabe ni mama,ito din daw ang nag papasarap ng hangin kung kaya't lagi ko gustong lumabas at lumanghap ng sariwang hangin.

"Wala po ito Mama..iniisip kolang po kung anong trabaho ang mapapasukan ko sa gantong edad at sitwasyon ko." Ani ko.

"Naku anak,wag kang mag alala meron akong kaibigan mayaman sila,kaylangan nila ng mag babantay sa anak nila masyado daw kasing basag ulo at masama ang ugali,gusto nila ng may makakapag turo sa anak nila ng mabuting asal,at tingin ko kakayanin mo yun.." ani ni papa.

"Talaga po? Tatanggapin ko po yun,kahit gaano kahirap basta para sainyo po ni mama." Ani ko.

"Hindi pa ako sumagot doon anak,dahil ikaw ang dapat mag disisyon nun,kung disindido ka..sa sabado maari ka daw pumunta sakanilang mansion upang makilala ka nila" dugtong pa ni Papa.

"Opo namam,tatanggapin ko po yun.."ani ko.

"Anak,alam mo ba..nag papasalamat kami at napalaki ka namin ng maayos at mabait na anak." Ani ni Mama,ang sarap pakinggan ng pag puri nila saakin,niyakap ko sila Mama at Papa ng mahigpit.

Dahil ito na ang hinihintay ko! May trabaho na ako este mag kaka trabaho na ako!!

"Mae!" Kumalas na kami sa pag yayakapan ng marinig namin na may tumawag saakin sa gate.

Si Xia,at Maria.agad naman silang pumasok sa gate at huminto sa kinaroroonan namin.

"Magandang umaga po tita Lilia at Tito Lucio" sabay na bati nila at agad na nag mano kila mama at papa.

"Magandang umaga din" sagot ni Mama at Papa.

"Maari ho ba naming hiramin si Mae,para ho mamili ng mga gagamitin namin bukas." Si Xia.

"At para din po makapag handa na kami para bukas,nasasabik na din po kase ako pumasok.pero alam niyo tita, tito may kaba rin po saamin na baka hindi maganda ang maging pakikipag tungon nila saamin." Si Maria.

"Oo naman,maari niyo siyang hiramin..ayos lang iyan,basta ang tandaan ninyo..wag na wag kayong gaganti o mag sisimula ng kaguluhan." Si Mama.

"Dahil baka kayo pa ang mapa sama,tandaan scholarship lang ang meron kayo at sila ay pera,hindi natin matatalo ang pera pag dating sa ganu-ong sitwasyon,dahil ang kabaitan at pasensya ang kaylangang pairalin." Payo ni Papa.

"Opo naman p0" sagot naming tatlo.

Pag katapos nun ay nag ayos na ako at sabay sabay kaming kumain sa dito sa bahay.

"Papa,Mama..alis na po kami,uuwi po agad ako pag katapos namin mamili" ani ko.

"Sige lang anak,mag ingat kayo huh!" Ani ni mama.

"Uwi agad ha,baka kung mapaano kayo" ani ni Papa.

"Opo" ani naming tatlo.

Pag katapos namin mag paalam ay umalis na kami,sumakay kami sa jeep hanggang sa makarating sa Mall.

Namili kami ng mga kaylangan,notebook,ballpen,marker,pencil,colored materials,bag,at kung ano ano pang kailangan.

Pumunta kami sa KFC at doon kumain ng pananghalian.

Kumakain lang kami,sakto lang ang perang dala namin kaya sakto lang din ang mga pinamili namin binad-get lang namin ang pera para may pang kain din kami.

"Mae,nasasabik na talaga ako bukas!" Si Maria.

"Ako din,ngunit sana maging maayos ang pakikitungo nila saatin" ani ko.

"Mag tiwala lang tayo,mamaya dumaan tayo sa simbahan."ani ni Xia.

"Oo naman" ani namin ni Maria.

Hanggang sa natapos na kami kumain,gaya ng usapan namin pumunta kami sa simbahahan.

Nag dasal ako para sa mga susunod pang mga araw,buwan at taon,na sana panatilihing ligtas ang pamilya at mga kaibigan ko,sana bantayan niya lagi kami..mag karoon pa ng lakas para sumabak sa mga pag subok na darating sa pamilya at buhay ko,at marami pang iba.

Tulad ng sinabe ni Papa pag katapos namin dumeretso kami sa pag uwi,hapon narin kami naka uwi.

Pag uwi ko,tinulungan ko si Mama sa gawaing bahay,naligo,kumain at nag pahinga nag kwetuhan lang kami,lagi ako nag babahagi sa mga magulang ko.

Pag katapos nun ay pumasok na ako sa kwarto at nag handang matulog na,pina alarm ko ang aking telepono upang hindi ako ma late bukas.

_________________________
Thanks for reading guyz.

i hope you like it💜

Please continue reading✨

Kung may mga tanong po kayo o hindi maunawaan sa storya,i-comment niyo lang po.

Maraming salamat po‼️

SARANGHE💖



To be continue

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon