CHAPTER 47

2 2 0
                                    

Mae P.O.V

Papasok na kami ni Ashton ngayun sa University,maaga dumating sila Ate Shi kaya maaga din kami nakaalis sa bahay.

"Ahhmm Ashton,pupunta muna ako ng locker,kukunin ko kase yung ibang gamit ko dun.." ani ko sakanya habang naglalakad.

"I'll come with you" sagot niya,natigilan naman ako at nanlaki mata ko,a-ano ban'g nangyayare dito?

"Wag na,kaya ko naman ei" Ani ko at iniwan na siya,lumihis nako ng daan papunta sa loker area.

Papasok na ako sa locker area,agad naman ako nag tungo sa locker ko at binuksan iyon para kunin ang mga gamit ko.

Maya maya pa,nakarinig naman ako na parang may papalapit saakin tunog ng sapatos na may takon'g, pero parang alam kona kung sino to..

"Well,well,well," ani ni Andy,kasama nanaman ang katulong niyan'g si Percy.

"May snake palan'g nakakapasok dito? Ha! Ha! Ha!" Sarkastikong ani niya,pero hindi ko sila pinansin patuloy lang ako sa ginagawa ko.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng bigla niyang hampasin ang pinto ng locker ko kaya natamaan ako sa muka,napahawak naman agad ako sa kabilang pisngi ko.

Parang nahihilo ako,bakal pa naman ito,masyadong masakit,baka magkapasa ako nito sa muka ei,lakas talaga ng topak ng babaen'g toh!

"Ha! Ha! Ha! Ha! Masyado ka kaseng feeling maganda,mas okay na yan..para kahit papaano matuto kan'g nipisan yan'g pag mumuka mo" sarkastikong ani ni Percy,hindi ko na sila tinignan st narinig ko nanaman ang nagtataasan'g taoong nila papaalis ng locker area.

Nakahawak lang ako sa pisngi ko napaks hapdi,parang nabali buto ko sa pisngi!

Napaupo nalang ako,nakahawak ang isang kamay sa pisngi at ang isang kamay ko ay yun ang ginagamit ko para maayos kona ang mga gamit at makaalis nako dito,late nako sa klase ko.

Wala akon'g balak makipag away sakanila,alam ko maman na wala akon'g laban sa mga yun.

Umalis na agad ako,nakahawak parin sa pisngi ang kamay ko,nakayuko lang ako dahil pinagtitinginan ako ng iba.

Nagmamadali na ako sa paglalakad dahil sobra na ang hiya ko,pinag uusapan nila ako ng patago,hindi kona naisipan pan'g pakinggan kundi takasan nalang ang mga hindi magagandan'g opinyon nila,lagi naman eh..basura tingin nila samin,

Maya maya pa malapit na ako sa room ng bigla akong nabangga sa nakatayo sa harap ko ngayun.

"S-sorry!" Kinakabahan'g ani ko..hindi ko alam kung haharap ba ako o ano.

Alam ko kung sino to,ayokong humarap dahil--

"What's that?" Aniya sabay buong pwersang tinusok kamay ko kaya mas lalo nadiin iyon sa sumasakit na pagkatamad ng letseng pinto ng locker!

"A-arayy!" Halos maiyak ako sa ginawa niya,sama talaga nito! Tinitiis ko na ngalang sakit at hapdi tapos gaganyanin niya pa,napaharap ako sakanya,ramdam kon'g nagsalubong ang kilay ko at nakita ko naman sa mga mata niya ang..

Pag aalala?

Sus! Jusko! Yan? Mag aalal--

"What happend? Tell me!" Nanlaki mata ko sa inasta niya,hindi na tulad kanina ng malamig na tono ang paraan ng pakikipag usap niya sakin..dahil ngayun,galit?

Galit at awa ang nakikita ko sakanya,salubong ang kilay,may nag aalalan'g mga mata,ang boses medyo pagalit,galit ba siya sakin? O dahil sa..dito--

Nagulat ako ng buong lakas niyan'g tinanggal ang kamay ko sa pisngi ko,tinitigan niya iyon ng isang minuto ata.

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon