CHAPTER 51

6 2 0
                                    

WARNING‼️

Hindi po talaga ako magaling sa ganto pero I'll try my best.

________________________________
__________________________
____________________
_______________
_____________
__________
_______
_____
___
__

Mae P.O.V

Nang makarating kami sa bahay,naabutan ko si Ate Shi,humingi ako ng pasensya sakanila dahil napuyat pa sila ng dahil samin napansin ko 12:52 am na pala.

Nakatulog na daw si Baby Scarllet kaka hintay samin nasa kwarto ko na siya na natutulog,pag dating namin.

Sa ngayun,nakahiga si Ashton ngayun sa sofa mukang pagod na pagod at tumalab na ata ang ininom nila kanina mukang lasing na lasing at parang wala sa sarili.

Wag ko nalang kaya siya papasukin bukas?
Haysss,kasalanan ko to ei.

Hindi pa kami nakakakain pero,anong oras na kaya siguro bumawi nalang kami bukas sa Almusal namin.

Lumapit na ako kay Ashton."Ashton" pag gising ko sakanya.

"Mmm" ungol niya.

"Hatid na kita sa kwarto mo.."ani ko.

Parang narinig niya naman ata ang sinabi ko kaya naman dahan dahan ko siyang inalalayan umupo,kinuha ko ang isang kamay niya at ini-akbay ko saakin,ang isang kamay ko naman ay pinulupot ko sa bewang niya,ang bigat pala nito.

Inalalayan ko siya hanggang sa maka akyat kami,napakabigat! Lahat ng lakas niya ako ang nag bubuhat dahil nawawala na siya sa sarili niya dahil din siguro sa pagkalasing,pagod at puyat.

Nang makarating kami sa kwarto niya agad kong biniksan ang pinto,sinara ko din ito at nag tungo na sa kama niya dahan dahan ko siya iniupo doon.

"Ashton..sorry talaga huh,kasalanan ko to ei.."ani ko sakanya habang nakatayo sa harap niya nakamulat naman ng kaunti ang mata niya na animong inaaninag ako.

Ang kyut niya parin tingnan kahit lasing jusko po! Bat may ganto? Ei baka nga kung ako nasa sitwasyon niya ngayun baka mag muka na akong dugyot na sabog sabog ang muka.

Hindi parin siya nasagot,"A-ahm,sige mag pahinga kana..m-matutulog na din ako." Ani ko.

Tatalikod na sana ako ng bigla niyang ipulupot ang kamay niya sa bewang at hinigit ako papalapit sakanya,napahawak naman ako sa magkabilang balikat niya upang pigilan ang pagngudngod ng muka ko sa muka niya,nakatingala siya sakin,seryoso ang muka at parang hindi maputol ang koneksyon ng mga mata naminang hirap umiwas ng tingin sakanya lalo na sa mata niyang color blue na ang ganda tingnan,Errrr!

Ang bilis ng tibok ng puso ko,waaah! Ano to Ashton? Para san to? Lasing na talaga siya!

Nakakailang lunok na ako sa scene namin ngayun,nangangatog na ng kamay ko na nakahawak sa magpabilang balikat niya para pigilan siya.

"A-ashton,l-lasing k-k-kana" nauutal na sambit ko,naninindig mga balahibo ko sa ginagawa niya ei..nananakot ba siya? May nagawa ba akong mali?

"Stay"mahinang tugon niya,mas lalo akong kinilabutan ng unti unting bumaba ang tingin niya paounta sa ilong at huminto sa labi ko.

"A-ashton"kinakabahang ani ko,unti unti niya namang nilapit ang muka niya sa muka ko na hindi na napigilan ng kamay ko dahil nanlalambot na ako simula nung huminto ang tingin niya sa labi ko.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko nag pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Hinahalikan niya ako ng parang wala nang bukas,marahan iyon ngunit masarap ang pag kakahalik nito,hindi ko namalayan na gumaganti na rin pala ako sa halik na ginagawa niya saakin.

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon