CHAPTER 8

16 3 0
                                    

Mae P.O.V

Napakain kona ng almusal si Sir Ashton.

Kanina kopa siya hinahanap hindi ko maoita napaka laki kase ng bahay!

Kakainis lagot ako nito mamaya baka tumakas yun,lagot ako kila Maam.

Nakita ko naman si Ate Shi na nag Va-vacuum,kaya naman agad akong lumapit.

"Ate Shi,pwede po bang mag tanong kung nakita mo po si Sir Ashton?" Ani ko.

"Ah,nandun sa siya sa garden.." aniya.

"Salamat po akala ko po kase tinakasan nako,ang laki naman po kase nitong mansion." Ani ko.

"Ang tambayan si Sir ay laging sa Garden dahil mahilig siyang magpahangin yung akala mo madaming problema,ganun lagi yun" aniya.

"Hahaha sige po,babantayan ko pa po alaga ko eh.salamat" ani ko,tumango naman siya at ngumiti.

Dumeretso ako sa Garden nandun siya naka upo sa bench.

Oo nga parang ang lalim ng iniisip ano nanaman kaya?

Baka may pinag utusan siya na may titigukin siyang tao naku.

Sindikato kaya to? Joke,hindi naman yata napaka gwapo nito eh.

Dahan dahan naman akong tumabi sakanya,naka ladlad ang buhok ko dahil basa pa naka bistida din ako dahil dito ako mas komportable,kaysa sa short.

Tumabi ako sakanya na ikinagulat niya,nginitian kolang siya.

"Alam mo,pareho tayo mahilig sa fresh air" ani ko,hindi naman siya sumagot.

"Mukang malalim iniisip mo..ano yan? Pwede mo bang ibahagi saakin?" Ani ko.

"Huy,hindi kaba mag sasalita? May saltik ka no? Kung hindi ka rereglahin,may sarili kang mundo tapos ngayun na pi-pipi ka? Sabihin mo nga sakin,bipolar kaba?" Tanong ko.

"Shut up!" Sigaw niya.

"Tingnan mo to,alam mo..pag madami akong iniisip hindi ko sinasarili,ibinabahagi ko kayla mama at papa o kung hindi kaya kay papa jesus" ani ko.

"Tsk! Hindi yun nasagot!" Aniya.

"Ano naman? Kahit hindi nasagot si papa jesus atleast pinapakinggan niya ang problema natin,hindi mo lang alam natutulungan tayo ni jesus no,nag bibigay rin siya ng sign" ani ko,hindi naman siya sumagot.

"Subukan mo kaya mag simba,baka. Sakaling mabawasan yang problema mo..sinasarili mo kase" ani ko.

"Ano ba ang gusto mong hiling?" Tanong ko.

"Na sana kaya kong tahiin yang bunganga mo,napaka daldal mo!" Sigaw niya,napaatras naman ako at ngiwi.

'Grabe siya'

"Ang sadista mo!" Ani ko.

"Yeah!" Kibitbaliktad niya.

"Hala,nadimunyo ka!" Ani ko.

"Tsk!" Singhal niya.

KATAHIMIKAN..

*

*

*

*

*

*

"Uy,sarap ng luto ko no?" Ani ko.

"Yuck!" Ani niya.

"Anong yuck? Ayaw pa aminin"

"Ano nama'ng aaminin ko eh,hindi naman talaga?!"

"Suss,pwede ba,wag mokong lokohin,kase kung hindi masarap edi dapat sa iba kana mag papaluto ng almusal mo diba?"

"Tsk!" Singhal niya.

"Yiieee aminin.." pang aasar ko sakanya.kaso parangwalang talab hindi manlang nag bago yung seryosong expression niya.

"Alam mo ba,maganda mag picture sa mga ganyang bulaklak" ani ko.

"What the hell i care?"aniya napangiwi naman ako.

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis!

"Ang hirap mo pakisamahan!ni hindi ka manlang natawa..puro ka nga sigaw tapos ang pangit lagi ng sagot mo sakin! Ang bait ni Maam Viana at Sir Iceton tapos ikaw?! Pinag lihi ka ata sa sama ng loob.sino pinag manahan mo? Ewan ko sayo!" Ani ko.

Hindi naman siya sumagot,tahimik na ulit kami na ninanamnam ang simoy ng hangin.

Ang gaganda ng bulaklak dito may red rose,white rose,sunflower at iba pa..

Ang sarap tingnan,sumasabay sila sa pag ihip ng hangin parang nasayaw.

Napapangiti nalang ako sa sarap ng hangin,sariwang sariwa,ramdam ko naman na tinignan ako ni Sir Ashton pero pinabayaan  nalang.

Kung may gusto siyang sabihin bakit ayaw niya pang sabihin,bahala siya kakainis siya.

Maya maya pa..

"Wala kang pag sasabihan ng kahit sino,pag  may makakita pa satin tommorow" aniya,napaharap naman ako sakanya.

"Eh ano sasabihin ko?" Tanong ko.

"Ikaw bahala,kung gusto mo pa magka sweldo"ani niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Ani ko.

"I mean,kaya kitang tanggalan ng trabaho once na may nakaalam na yaya kita." Ani niya naguluhan naman ako.

"Ayokong may makaalam na at this age may yaya ako..o kung ano man,teaching lesson how to be a good guy,tsk!" Dagdag niya pa.

"Sumunod kana kase sakin,para maging mabait kana at matapos nako sa trabaho ko sayo..alam mo naman at yung kasabihan." Ani ko,tumaas lang ang isang kilay niya.

"May kasabihan na walang sekreto ang hindi na bubunyag,kaya kahit pag takpan ko ang sarili ko na yaya moko,hindi parin dapat tayo makampante..kaya kung ano sayo,magpaka bait kana,para wala kana'ng yaya,para wlaang sekreto na mabubunyag" ani ko.

Tinignan niya lang ako at hindi na sumagot.

____________________
Keep reading!






To be continue

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon