Mae P.O.V
Hayyss,kakagising kolang..
Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana sa harap ng study table ko,dun ko nilagay ang study table ko kase madalas mas makakarelax tsaka nakakapag focus ako pag nag papahangin at tumitingin sa langit..
Hindi ko pala kagabi nasara,sliding window kase yun..tsaka hindi parin mawala sa isip ko yung kagabi sumabay talaga aiya sakin kumain?! Ang saya ko bago ako matulog..
Tsaka yung ano di mawala sa isip ko..ang shonga ko kase may cr naman ako dito sa loob ng kwarto bakit sa baba pako nag cr? Sabagay wala kase bathtub dito sa kwarto shower lang ei gusto ko mag relax,eto naman si Ashton siguro tunamad na umakyat sa kwarto niya kaya dun sa baba naligo..hay naku..
Di mawala sa isip ko yung ano..yung ano..yung mahaba..ahh basta..
Pagkagising ko pumasok muna ako sa cr nag toothbrush at nag ayos ng higaan,pagkatapos nun bumaba na ako.
Agad naman hinanap ng mata ko si Ashton.
Ang sabi niya kase may sasabihin daw na importante si Mommy.
Alam kaya yun ni Mama at Papa na pupunta kami sa Mansion? Miss kona din kase sila eh.
"Nasan naba si Ashton?" Bulong kong ani sa sarili ko.
Nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng sala,ayun! Nasa kusina nakaupo,hinihintay niya ba ako?
Teka..bakit naka bihis agad siya?
Maaga ba alis namin? Hindi niyako nasabihan huh?
Agad naman ako lumapit sakanya,nakabistida lang ako na pantulog.
"A-ashton,b-bakit?" Tanong ko at tinuro ang soot niya pag lapit ko sakanya,tumayo ako sa harap niya ang pagitan namin ay ang Kitchen island,siya naman nakaupo sa stall,habang nainom ng gatas.
"Bakit hindi kapa nakabihis?" Aniya.
"Teka di mo naman sinabi na maaga alis natin..k-kakagising kolang.."ani ko.
"Tsk,maligo kana..aalis na tayo.."sagot niya sabay inom ng gatas.
"Pero hindi pa tayo nag aalmusal?"ani ko.
"Mag drive thru nalang tayo later,kain tayo habang nasa byahe.."aniya.
"Huh?o-okay.."ani ko.
Paalis na ako papunta sa taas dun ako maliligo sa cr ng kwarto ko..na trauma nako dito sa cr dahil sa kagabi hay naku.
Naglalakad na ako,napahinto naman ako ng bigla siyang magsalita kaya napatingin agad ako sakanya.
"Mag dala ka din ng gamit mo,sabi ni Mommy mag overnight daw tyo dun sa Mansion."aniya.
Hindi na ako sumagot,rumango nalamg ako..pero di niya yun nakita naka talikod siya sakin ei habang sinabi iyon.
Dumeretso na ako sa kwarto..
Nag ayos muna ako ng gamit ko ng mga kaylangan na damit.
Pagkatapos nun pumasok na ako sa banyo at naligo na.
Pag labas ko nag ayos ako ng sarili ko nag soot ako ng dress na binili sakin ni Mommy/si Maam Viana..kulay skyblue ito maganda above the knee,nag lagay lang ako ng lip gloss,mahaba na mga pilit mata ko kaya kahit wag na ako mag mascara..si Mommy bumili ng mga pang kolorete ko sa muka kung may mga pupuntahan daw kami ni Ashton,hindi ako marunong pero medyo na tututo nako nanonood nalang ako sa youtube ng mga tutorial.
Sinuklay ko ang buhok ko,hindi kona tinali medyo humaba na din buhok ko,tuwid ang buhok ko pero hindi ganun kapino at bagsak yung bangs ko din medyo humaba na,ginawa ko nalang one sided yung bangs ko kesa dati yung pa dora,maikli palang nun yung buhok ko kaya bagay yung padora pero ngayun parang hindi na kaya ginawa kong one sided nalang.
BINABASA MO ANG
IM ON YOU<3 [ON GOING]
RandomWHAT IF ONE DAY,THEY REVEALING THE TRUTH THAT YOUR ENEMY IS YOUR PARTNER IN LIFE?