CHAPTER 38

6 2 0
                                    

Mae P.O.V

Nasa byahe kami ngayun ni Ashton para sunduin si Baby Scarllet,11:45 na sakto lang ang alis namin,kase saktong 12 din ang uwian nila baby..30 minutes kase ang byahe papunta sa school ni baby Scarllet.

Malapit na kami,walang kibuan..parang kahit anong oras gusto ko tumalon sa bintana ng kotse hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya Ashton kanina,kaylangan koba talaga pag isipan yun? Hindi nga namin maalagaan ng maayos si Baby Scarllet gusto niya pa mag kaanak sakin? Ganun ba yun? Naku Ashton,may tinatago ka din palang kabastusan..

Parang nakakapangilabot,ginagawa ni Ashton ang sinasabe niya,pano kung gawin niya talaga yun? Di naman maghilig mag biro tong asungot na to eh.

Naiilang ako ng sobra ni-hindi ko siya matingnan sa mata kahit nga sa kamay o kahit san parting katawan niya di ko magawa..ang bastos kase ng iniisip ko.

Ano ba kase tinutukoy niya sa sinabe niyang sa kwarto ang tuloy namin nakakapang ano huh,hay naku..Ashton bat kaylangan moko pahirapan ng ganto?

Makalipas ang ilang minuto nakadating na kami sa School ni Baby Scarllet private school siya malawak,ang ganda pam-batang pambata nakakaenganyo tingnan yung mga disenyo maganda din ang mga pagkakapita meron ding mga ipinintang akala mo simple lang pero may malalim na kahulugan,maraming matututunan ang mga bata sa gantong paaralan,ako kase dati simple lang ang pinapasukan ko public lang,ni -hindi ko nga akalain na makakapag aral ako sa private kahit malaki nako eh.

May napansin naman kaming tumatakbong bata pababa ng hagdan napatingin kami ni Ashton doon at nakita namin si Scarllet na natakbo ngunit hinahabol siya ng babae parang mukang teacher,agad naman ako tumakbo at sinalubong si Scarllet.

"Mommy!" Sigaw niya at yumakap sakin,agad din siyang kumalas sa yakap at binuhat ko siya.

"Ikaw talaga baby,paano kung nadapa ka..hay naku" pangaral ko kay Scarllet.

"Sorry pu.."naka panlabing ani niya na nakayuko,palihim naman akong napangiti ang cute talaga nito..ibinaling ko ang tingin ko sa teacher niya.

"Hello po..magandang tanghali po" ani ko.

"Magandang tanghali din po maam,kayo po ba ang magulang ni Scarllet?" Tanong ng guro.

"Kami nga po" ani ko,sinuyod niya naman ako ng tingin at bininaling din kay ashton parang sinusuri kami,ulo hanggang paa..ano bang meron?

"Mmm..muka pa kayong nga bata ahh,but good to know..napalaki niyo ng maayos si Scarllet,Mister ang Misis Ford" aniya..medyo natigilan naman ako,di parin ako makapaniwala na Ford pala ang gamit kong apelyedo..

"Salamat po"ani ko at ngumiti.

"Osiya,sige..mag ingat kayo"aniya at nag apir kay Scarllet,aba kahit teacher pala close nito ni Scarllet..sabagay sa cute nito sino ba hindi magkakagustong maging ka close to o makausap manlang.

Tumango naman kami at agad na nag tungo sa parking lot,si ashton naman ang may buhat kay Scarllet at ako na ang nag dala ng bag ni Scarllet.

Nasa byahe na kami para pumunta sa mall gumala at para mamili ng mga gamit ni Baby Scarllet.

Si Scarllet lang ang maingay samin,habang nasa byahe nakanta siya ng mga abcd,bahay kubo at kung ano ano pa..tingin ko tinuro yun sakanila,nakikinig lang kami ni Ashton di ko mapigilang mapangiti dahil si Ashton ay nakangiti din halatang nagugustuhan niya ang ginagawa ni Scarllet.

Nang makadating na kami sa mall,pina drive nalang ni Ashton sa guard ang kotse niya papuntang parking lot at pumasok na kami sa mall..

Gutom na din kami di pa kami nakakapag tanghalian pumasok kami sa mini resto para kumain.

Dumating ang waiter na may dala ng menu.

Pumili nmaan kami dun hanggang sa matapos iami lahat iyon ay inorder namin,masyadong madami pero keri naman ni Ashton,siya nag disisyon nun ei siya nag padoble ng ibang order.

Nag hihintay lang kami dito habang nakaupo si Ashton tutok sa cell phone niya parang may tini-text syempre sino paba edi si Andy.

Nasa harap namin si Ashton at kami naman ni Scarllet ang magkatabi.

"Mommy.."dinig kong tawag ni Scarllet.

"Bakit baby?" Nakangiting tanong ko,nagulat naman ako ng may bigla siyang tinuro na walang ka muamg muang.

"Mommy,ano po ginagawa nila? Kiss diba po?" Mabagal na ani niya inosenteng inosente.

Nagulat ako sa tinuro niya,ang babae at lalaki sa kabilang table ay nag hahalikan halos sakupan sila ng labi parang sabik na sabik sa halik ng isat isa.

Naku po! Bakit dito pa sila? May bata oh!
Agad ko naman tinakpan ang mata ni Scarllet at ibinaba ang kanyang kamay baka mahalatan kami..iniharap ko ang muka niya sakin.

"Baby,mag asawa sila.."tama naman diba? Mag asawa?  Kung mag nobyo at nobya grabe naman yata yun..hehe wala pa kase ako nagiging nobyo kaya tingin ko mag asawa yun ah basta.

"Asawa? Pareho niyo ni daddy?" Sagot niya.

"Oo baby.."simple kong sagot.

"Nagki-kiss din po kayo ni Daddy.."namamanghang tanong niya,luhh! Natigilan naman ako dun..p-parang hindi pa naman..Errr!

"No,baby.." iwas tingin'g ani ko,at ayun! Nagkasalubong ang tingin namin ni Ashton.

LUNOK

ibinaling ko nalang ulit kay Scarllet ang tingin ko,wala ako sa mood na makipag titigan sknya.

"Bakit po? Diba love mo naman po si Daddy?" Tanong ni Scarllet,huh? Love ko ba yun? Dati? Urgg! Ewan ko!

"Uhmmmm.." nag iisip akoo! Napatingin ako kay Ashton,nakatabingi ang ulo niya na nakatingin sakin halatang hinihintay niya rin ang isasagot ko.

"Maam,sir.." naagaw ng waiter ang atensyon namin ng biglang dumating at inilapag sa mesa namin ang mga order namin.

Hay salamat kuyaaa! Niligtas moko dun huh..nice nice.

"Kompleto na po yan.."nakangiting aniya pagkatapos ilapag ang order namin,"Sorry po sa istorbo,pwede niyo na po ituloy usapan niyo..pasensya po.."aniya at umalis na..

Epal ka kuyaa! Pahamak!

Napatingin naman ako kay Scarllrt at Ashton na nandun parin ang tingin nila sakin..parang di ako makahinga,kaylangan koba talaga sagutin yun?

"K-kain na tayo h-hehe" nauutal na ani ko at nilagyan ng pagkain ang plato ni Scarllet.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng sumunod naman agad sila, si Ashton nailing iling habang naglalagay ng pagkain sa plato niya..tss,gustong gusto malaman sagot ko,eto talaga..pinapakilig ako neto ahh! Love niya din kaya ako? Hehe..charot,tss ASA!

kumain na kami ng tahimik,si Scarllet nag kukwento kung ano napag aralan nila kung ano ang ginawa nila sa School ngayung araw,ngaun kolang din nalaman na madaldal pala to.









To be continue

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon