CHAPTER 2

25 4 0
                                    

Mae P.O.V

"Anak,gumising kana diyan,at baka mahuli ka sa unang araw ng iyon klase.." nagising ako sa boses ni Mama,dahan dahan ko iminulat ang mata ko at nakita ko si Mama na nakaupo sa kama ko dito sa kwarto.

'Oo nga pala ngayun ang unang araw ng klase namin'

"Mabuti't nagising kana,kanina pa nakahanda ang iyon pagkain doon,lumamig na ata iyon..tara na't sasabayan kita kumain." Ani ni Mama.

"Salamat po Mama,tara na po..pasensya na po kung napag hintay ko po kayo" ani ko.

Bumaba na kami,dumeretso ako sa kusina nag hilamos,at nag sipilyo.pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa lamesa at gaya ng sinabe ni Mama sinabayan niya ako kumain,si Papa naman ay nag didilig daw ng halaman sa labas.

"Ang sarap po Mama" ani ko.

"Syempre naman anak,ako paba? Ang magaling mong mama kaya ang nag luto niyan" pag mamayabang  ni Mama.

"Yung luto mo po ang lagi kong hahanap hanapin!" Ani ko.

Tinapos na namin ang pag kain namin nag handa na ako ng gamit para sa pag pasok.

Maya maya pa ay dumating na sila Xia at Maria tinawag nila ako sa labas ng bahay.

Sabay kaming pumapasok dahil mag kakapit bahay lang kami.

Sumakay na kami sa jeep papunta sa university.

Gaya ng inaasahan ko madami na ang mga estudyante,na traffic kase kami sa jeep,hindi naman kami mayaman para magkaroon ng kotse.

Naka ponytail lang ang buhok ko naka maong pantalon na high waste, t-shirt na puti at naka rubber shoes na puti.

Ang sabe sakin nila Xia at Maria,maputi daw ako,maganda,matangos ang ilong ko,wala naman akong pimples o kung ako sa muka ko,mahaba ang pilikmata ko.

'Pero sana true! Hahaha'

Pero hindi ako matangkad sakto lang,lagpas balikat lang ang buhok ko,kulay brown.

Tuloy tuloy lang kami sa pag lalakad,sa mga nakikita kong itsura ng mga babae dito sa University parang nandidiri ang tingin nila saamin.

Pero bahala na,hindi na namin yun pinansin tuloy tuloy lang kami.

Dumeretso kami sa office nakita namin doon ang principal.

"Welcome to Yhung Min University,so..kayo ang mga scholar,tama?" Tanong saamin ng principal.

"Opo" sabay sabay naming sagot.

"Sa Section A kayo,nasa kabilang building." Ani pa nito.

"Salamat po" ani ko.

Lumabas na kami ng Office nag tungo kami sa kabilang building,papunta palang kami sa locker ng biglang mag sigawan ang mga babae.

"Andyan na siya!"

"Omo! Ang pogi niya lagi!"

"Mahihimatay nako!"

"I love you Ashton!"

"Ashton my love!"

"Wahhh! I miss you!"

Dinig kong mga sigaw ng babae.

"Mae! Halika silipin natin kung ano yun." Sabay hila sakin ni Maria.

"Wow,ang gwapo!" Ani ni Maria.

"Meron palang gantong anghel?!" Sigaw ni Xia.

Napatingin naman ako dun sa lalake,matangkad siya maputi,sobrang tangos ng ilong! Ang pula ng labi! Laki ng katawan parang hindi naman to high school eh.

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon