Mae P.O.V
Nag aayos ako ngayun ng gamit ko,bagahe mga damit at kung ano ano pang kaylangan ko,pati mga uniform ko.
Dahil magiging yaya na ako at mag babantay na ako nang lalakeng hindi ko kilala pero ang sabe sakin nila Mama at Papa,isang school lang daw ang pinapasukan namin nung lalake kaya hindi ako mahihirapan mag adjust na bantayan siya.
Habang nag liligpit ako ng bagahe,may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko at pumasok si Mama at Papa.
Naupo sila sa kama ko.
"Anak,mag iingat ka lagi dun ha..hindi naman ako masyado mag aalala kaya wag mo kami alalahanin ng mama mo,kilala ko sila mabait sila..at mayaman kaya maalagaan ka nila ng tama..hindi ka din magugutuman doon" ani ni papa.
"Oo nga,sana magkasundo kayo ng alaga mo,magkasundo din kayo ng magulang niya para kahit wala kami dun ng papa mo maituring mo silang parang pamilya,dadalawin ka namin doon pag may oras kami,ma-mi-miss ka namin" ani ni mama.
"Opo naman po,basta mag ingat din po kayo dito habang wala ako,susundin ko po ang payo niyo,makakasundo ko din po sila,pero syempre iba po yung sainyo kase kayo po talaga ang tunay kong magulang" ani ko.
"Magiging magulang mo din sila" bulong ni Papa,nabigla naman ako sa sinabe ni papa agad naman siyang siniko ni mama.
"Wag ka maniwala sa papa mo nag bibiro lang yan,nag da-dramahan tayo dito eh..sige na at baka hinihintay kana nila doon sa mansion nila."ani ni Mama.
Nang matapos na ako mag ayos ng bagahe ko,nag paalam na ako kayla mama hinalikan ko sila sa pisngi at yumakap ng mahigpit.
Mamimiss ko sila!
Pero para din naman to sakanila,kaya kakayanin ko.
Fighting!!!
Hinatid ako nila Mama at Papa sa sakayan ng taxi.
Malayo layo din pala yung mansion kung saan ako mag ta-trabaho.
Habang nasa byahe ako,natatakot ako sana maging maayos ang kalalabasan ng trabaho ko,sana nga mabait ang mga magiging amo ko.
Dalawang oras at kalahati ang nakalipas naka dating na rin kami sa paroroonan ko.
"Salamat po" ani ko sa driver at bumaba na,umalis na naman agad ito.
Napa wow! Nalang ako.
Ang ganda ng bahay ang taas,kaharian ba to? Parang sa napapanood kolang sa mga barbie na may castle sila ang ganda skyblue at puti ang puntura ng mansion o palasyo na ito.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid ang laki talaga! Panaginip ba to? Dito ako pansamantalang titira? Ang laki!
Dahan dahan ako naglakad pa punta sa pinto,dalawang pinto iyon,parang pinto sa simbahan yung dalawahan ang bukas,tapos gold ang pinto nila!
Napatingin naman ako sa mga nakatayo'ng dalawang lalaki sa mag kabilang gilid nito,nakatayo sila ng tuwid parang wala lang ako.
"Paumanhin po.." ani ko,ngunit tinignan lang nila ko.
"Ako po yung bagong kasambahay o tigapag alaga,maari po ba akong pumasok?" Ani ko,wala naman silang sinagot at agad na sabay nilang binuksan ang pinto.
Pumasok ako doon,pero nakita ko may mga babae na nakatayo sa gilid,nakasandal sa pader makitid ang daan at helehelera doon ang mga babae yung iba parang may idad na yung iba naman parang dalaga palang.
Siguro nakaka ngalay to,lagi silang nakatayo umaga hanggang gabi? Grabe naman.
"Maitanong kolang po,asan ang inyong amo?" Tanong ko,itinuro lang nang babae ang daan ngunit hindi nag salita.
BINABASA MO ANG
IM ON YOU<3 [ON GOING]
RandomWHAT IF ONE DAY,THEY REVEALING THE TRUTH THAT YOUR ENEMY IS YOUR PARTNER IN LIFE?