Chapter 3

157 33 1
                                    

Chapter 3 - Drag race with a touch of raid.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at kumakatok na si Cheryll ang bumungad sakin. Nanlaki pa ang mata ko na parang hindi siya ang nakikita ko. I mean sanay na ako sa mga extra niyang pananamit pero nabibigla pa din talaga ako sa Cheryll Tyler na ito.

Napaka sexy niya sa suot niya. Papalingunin niya ang mga andun panigurado. Napakapulang labi. Alam kong ganito na siya manamit na lahat ay magaganda talaga kahit sa bahay lang pero di ko aakalain na ganito ang suot niya. Naka shorts siya sa puti niya makaka agaw pansin ang mga binti nito. Ang red niyang tube na dibdib niya lang ata ang natatakpan na pinaresan ng leather jacket. At ang boots niya na nagpadagdag ng tangkad niya pero di pa rin siya lumagpas sa tangkad ko.

Kung titignan si Cheryll para siyang manika sa liit ng mukha niya at sa inosenteng taglay, at ang maninipis at maliit na labi. Idagdag pa ang buhok niyang puti, pwede siyang magmodelo at maibabagsak niya pa ang career ng mga teen models sa ganda niya.

"Luh ang panget naman ng suot mo! Hello Vana sa drag race tayo pupunta. Ang makikita mo dun ay mga loko lokong itsura at sa ganiyang itsura mapag tri tripan ka. Jusko naman. Iayon mo naman tsaka babae ka pa rin dapat maganda lagi." nakasuot lang ako ng black na hoodies. Maong pants at converse. Sa ganito ako komportable at di naman ako kasali dun sasamahan ko lang naman sila. Kahit nga mag hintay na lang ako at magbantay sa motor niya ay ayos na sakin.

"Wag ka ngang O.A Che! Vana you look good as always." tsaka tipid na ngumite si Chance. Feeling ko napapalibutan ako sa mansion ng magagandang mukha. Babae rin ako kaya ng ngumite si Chance ay matipid din akong ngumite. He's wearing a leather jacket same as Cheryll ngunit sakaniya ay itim. He's so cool. Siguro kung iba ang makakakita at babaeng babae o malandi mas papangarapin niyang tumira sa mansion na ito kahit na puro mamamatay tao. Di ko rin naman sils masisisi.

Kung si Cheryll ay maamo ang itsura, si Chance naman ay makikitahan mo ng masungit ang itsura. Ang makakapal niyang kilay na dipena, ang parehas nilang mata ni Cheryll, at ang maliit na labi na kaparehas din ng kay Cheryll. Mas dipena lang features ng isang to.

"Geez." nakangusong pang sabi ni Cheryll sakin. Para talaga siyang bata.

"If you don't want my clothes. The feeling is mutual di ka rin niya gusto. At kung ayaw mo di na lang ako sasama." mas ngumuso pa siya tumalikod na ako but naunahan na ako ng mabilis na galaw ni Chance at inakbayan ako at iniharap na sa daan patungong hallway. Kaya sumabay na akong maglakad. Nakita ko pa ang pag sara ni cheryll sa kwarto ko.

"Let's go. Don't mind her." he said ng di tumitingin sakin. Inilakad niya naman ako palabas ng kwarto ko. Bakit kasi kailangan pa ako dun?

"Chance your arm." natawa siya ng mahina inirespeto naman niya ang kaartehan ko at nakasabay pa rin sakin sa paglalakad di na namin pinansin si Cheryll na nakanguso sa likod. Alam ko na ang gustong gawin niyan. Gusto na naman niya akong bihisan. Pero for pete's sake sa drag race lang kami pupunta kung may mandadarag man sakin dun alam kong sa dulo sila lang din ang uuwing duguan o baka hindi ko masadiyang di na sila makauwi kaya wala lang sa lugar ang pag iinarte ni Cheryll.

"Mag co compete kami mamaya ni Che using her ride. Saakin ka sasakay papunta." I find Chance cool. He's brown hair makes him cooler. At kagaya ng kakambal niya ay hobby niya rin ang ngumuso pero iba ang nguso nito. Yung nguso nito yung parang iritado pero parang nagpapahalik. Peste bakit ko ba ikinukwento ang nguso nito?

"Sayo ba ako mismo sasakay?" pang aasar ko sakaniya. Sa tagal naming magkakasama ay komportable na ako sa lahat maliban sa isa kaya naman protektado rin namin ang isa't isa.

Luna Morais (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon