Chapter 30- The Best Mafia Boss
Cheryll's POV
Kanina pa ako sa asa labas ng hotel at nag eenjoy ako sa mga tumitingin sakin. Naka upo lang ako sa nirent kong red umbrella at nakaupo sa nirent ko rin na red beach chair. With my red swimsuit. Nang biglang nagkaroon ng jammingan sa kabilang banda. Kaya napatayo ako para makijam rin sana pero si Zywon at si Vana ang nakita ko!
At take note!
MAGKAHAWAK ANG KAMAY NILA!
Oh my gosh! This is so fast.
Speed lang Vana, sana nagpakipot ka muna ng onti. Sinundan ko pa sila ng tingin di ko man sila naririnig na kinakantahan ni Zywon si Vana! Napaka ingay kasi ng mga babaeng kumakanta eh. Nakakairita. Di ba nila alam magpaka fan muna or audience lang.
Shet wait kinikilig pa ako! Just the way you are pa ang kinakanta ng prinsipe ng mga musika. Is this for real? please pitikin niyo ang nuo ko.
Wala akong balak basagin ang moment nila hanggang sa bumili sila ng ice cream ay picture lang ako ng picture. Masiyadong rare or endangered ang nakikita ko kaya please lang kung may manggugulo, ayusin muna ang desisyon in life. Pinagtitinginan na nga ako at ang ganda ko ata talagang stalker gosh. Pero wapakels lang at para to sa memories ng kaibigan ko. Ang galing ko kayang photographer. Pang I.G. kahit stolen ang kuha ko hindi magmumukhang stalk stalk lang parang dispatch lang.
At ang pinaka magandang picture ko ay ng itapat na ni Vana kay Zywon ang ice cream at dinilaan ni Zywon ng nakatingin kay Vana! Ahhhh fudge! Gusto kong magtayo ng fandom free lightstick na rin! 500 isang picture ko to ititinda kay Vana.
Malayo pa lang ay tumaas na ang mga kilay ko sa pigura ng babae na paparating kila Vana at Zywon. Pag lumapit ka sakanila baog ka sis sinasabi ko sayo. Pero dahil bitchesa ang isang ito ay tuloy pa rin.
"Zywon." nanliit ang mata ko ng dumating si Ava na naka neon pink na underwire bikini na nagtutulak sa boobs niyang umanagat.
Di rin naman talaga magpapatalo ang isang ito eh noh? Hubog na hubog ang katawan niya sa suot niya at parang wala lang kay Vana yun. Ako nga naiirita eh dapat siya rin. Bakit ba kasi siya andito? Mamaya dagdag trabaho pa ang isang ito eh.
"Bakit kayo magkasama love?" what the hell? The bitchy girlfriend is here na nga talaga. Ano ng gagawin mo Vana mukhang naghihinala na etong gagang ito?
"What are you doing here?" tanong ni Zywon. Lumabas na ba ako? Kawawa naman kaibigan kong parang nawawala sa mall eh.
"Love didn't Elanor told you na ako ang magiging kasama mo mamaya sa event and I'll stay here for tonight. Now tell me why are you with her?" naiinis pang sabi ng gaga at tumingin sa kaibigan kong wala pa rin emosiyon na nakatingin sa dalawa na nagmumukha siyang kabit. Napakunot ang nuo ko, di niya ba naisip na sobrang delikado para sakaniya ang ganitong social event at mas inuna niya pa ang kalandian niya.
Ang panget tignan. Mas magaganda talaga ang mga kabit kesa sa legal kung ibabase sakanila. Tsaka mukhang innosente ang kabit, new to hah. I rolled my eyes from irritation.
"I'm accompanying your boyfriend." bat ako ang nasasaktan sa boyfriend na yan mula sayo Vana?! Sabi na eh ako talaga ang emosiyon ni Vana. Kaya di ako masisisi na O.A ako dalawang emosiyon ang hawak ko.
"I see. Di ko akalain na trabaho mo rin na subuan-"
"Ava!" kung kaninang ang aliwalas ng itsura ni Zywon ngayon naging seryoso na ulit siya at nakakatakot ang itsura na naman niya. Well time to go out na siguro.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...