Chapter 27 - Confessing to them.
Go Vana kakamustahin mo lang ang sugat niya at pakiramdam niya para malaman kung kaya niya na ba bukas?
Takteng hininga to di na ako makahinga ah. Breath!
Pagharap ko ay nakaroba si Ava na bumumgad sakin. Medyo nagulat pa ako pero di ko pinahalata iyon. Siya naman ay bumungad ang maganda niyang ngite saakin. Sino bang di gaganda ang ngite? Di ko na alam mararamdaman ko sa mga oras na ito..
Natutulog pala dito si Ava uso kasing lumabas ng kwarto Vana. Sabi na kasi may girlfriend na yung tao eh.
Eh kakamustahin ko lang naman siya eh. Wala ka namang masamang gagawin. Ilang beses pa akong huminga ng malalim para mawala ang kung ano sa pakiramdam ko. Napakurap pa ako. Di ako makahinga. Bakit ganito?
"Sorry natagalan. Anong kailangan mo?" tanong lang yun pero parang iba dating sakin. Sagot Vana. Ano bang kailangan ko?
Kailangan ko si Zywon... Makita.
"Kakamustahin ko sana ang lagay ni Zywon-"
"Ow! He's sleeping. Do you want to come inside?" si Ava ang kauna unahang girlfriend ni Zywon at siya rin ang kauna unahan na nakapasok sa kwarto nito siguro. Di ko mapigilan na may maramdman sa idea na iyon pero isinantabi ko na lang.
Feeling ko ang sama sama ko para guluhin ang relasiyon nilang dalawa pero andito na ako at kakapalan ko na ang mukha niya. Di naman siguro masamang tignan ang lagay niya? At di ko naman siguro siya aagawin kay Ava. Pinapaasa lang ako ni Zywon sa mga galaw niya. Pero bakit nasisiyahan ako sa pagpapaasa niya?
Katangahan. Yun lang yon.
"May I?"
Tumango siya ng dahan dahan at binuksan ng malaki ang pintuan at pinauna na akong pumasok sa loob. Nginitian niya pa ako. Nakita ko si Zywon na natutulog naka kunot pa ang nuo niya at may maliit pa na pasa ang gilid ng labi niya. He looks good with that bruise that I made. Agad na bumilis na muli ang tibok ng puso ko. Siguro wala na akong magagawa sa epekto nito sa isang Zywon Silva.
"Di ko alam bakit nilagnat si love. Hmmft." nakonsensiya na naman muli ako na di ko ata natakluban mabuti ang ulo niya sa ulan that time. Masiyado ata kaming nabasa ng ulan. Ngumuso pa si Ava at lumapit kay Zywon at hinalikan siya sa pisngi na ikinalaki ng mata ko. Iniiwas ko ang mata ko at kumunot ang nuo ko sa sakit na ibiniay nito sa dibdib ko.
"Love. Get well soon." bakit ba dito sa harap ko pa ginagawa ang mga iyan? Pero sanay na ako sa mga ganitong pakiramdam. Kumbaga immune na ako na parang tinutusok at nawawalan ako ng hininga. Pero bakit iba sayo Zywon? Nakakainis.
Bagay sila. Sobrang maalagain din ni Ava at kailangan ni Zywon ng alaga niya. Napatango na lang ako sa mga iniisip ko. He deserve the best.
Kaya ko rin gawin yun mas higit pa diyan kung gugustuhin ko kaso ayoko nakakatamad lalo na wala naman akong pag gaganiyanin. I bite my lower lip at pinagmasdan pa silang dalawa.
Onti onting dumilat si Zywon at sa mga oras na iyon ay di ko alam kung anong gagawin ko.
Unang nilapatan ng mapupungay niyang mga mata ay si Ava na parang sinasabi ng mata niya na siya muna bago ang lahat at iginala niya patungo sakin na iba rin ang kahulugan sakin. Parang may nabubuhay na naman sa loob ko sa mga tingin niya pero iwinalang bahala ko ulit yun. Ang mga tingin niyang parang sinasakop ang buong pagkatao ko. Ang mga tingin na inaangkin ako. Zywon wag ganito.
I'm a reaper.
Binaba ko ang ulo ko pagbibigay galang sakaniya ginamit ko na rin yung pagkakataon para lumunok tsaka ko hinarap ang mga mata niyang parang may gustong sabihin pero dahil di naman yun nagsasalita kaya di ko alam ang ibig sabihin. Wala rin naman akong kapangyarihan para basahin ang utak niya.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...