Chapter 22

68 10 0
                                    

Chapter 22 - Bonding with ArchiJin

Archie's POV

Naka convoy kami ngayon nila Cheryll at ayaw nilang magpasundo. Mag isa ko lang tuloy dito sa sasakyan habang si Jin ay nasa harapan na sasakyan at may kasama din.

Di pa kami nagkikita at talagang hintayan lang at umalis na. Di pa rin nakikilala ang isa't isa. Nagdala naman ng sasakyan si Jin para sa bike naming anim at may dalawa rin siyang kasama. Si Jin ang pinakamatalik kong pinsan na college student taking up medicine.

"Oy insan. Eto si Andrew at Vladimir mga kaklase ko. Drew. Vlad. Pinsan ko mag la-law yan." pakilala sakin ni Jun sa dalawang magandang lalake din sa gilid niya ng makababa kami nng sasakyan. Habang ang dalawang babae ay asa magarang sasakyan pa din nila.

"Uy. Goodluck diyan ah mahaba habang sakit sa ulo yan." saad nung Vladimir tsaka ako kinamayan ng nakangite.

"Andrew pare. Goodluck dito lang kami." kumamay din sakin si Andrew. Mga poging pogi ang mga kasama ni Insan ngayon kaya pinagtitinginan kaming apat. Mabubusog talaga ang mata ni Cheryll ngayon. Bat kaya di pa sila bumaba?

"Asan mga kasama mo Insan?" tanong ni Jin saakin, nakakaagaw pansin din ang mga berde nitong mata. 

"Andun pa sa sasakyan nila eh baka may ginagawa lang." turo ko sa sasakyan ng dalawang tinted kaya di din makita ang ginagawa nila. 

"Babae pala isasama mo. Medyo allergic kami sa babae tol. Mga tukso sila." biro ni Vladimir.

"Lalo na yan dinala mo." sagot ni Andrew kaya napalingon ako sa banda ng sasakyan nila Cheryll na lumabas sa passanger seat na ngayon ay pinagkakaguluhan na ng mga nakakakita sakaniya.

Ngumingite at kumakaway lang siya sa mga bumabati sakaniya. Maganda kasi si Cheryll at sobrang sexy niya sa fitted na cyclings na suot niya ngayon pero ayaw ata umitim kaya balot na balot pero hubog na hubog pa rin. Idagdag pa ang buhok niyang puti na nakalugay sa mga balikat niya. Talagang lahat ng tao dito ay napapatingin sakaniya.

"Good morning guys!" bati ni Cheryll na nakangite saamin natulala pa ata ang tatlo kaya di pa bumabati. Nakangite lang si Cheryll saamin.

"Hey goodmorning. Nag breakfast na kayo?" tanong ko mukhang di pa kaya ng tatlo magsalita eh. Napatingin saakin si Cheryll at napanguso pa siyang inayos ang mga hiblang lumilipad sa mukha niya.

"Di pa nga eh maaga kasi kami umalis ni Vana. After na lang nito siguro." ngumuso pa siya samin. Tsaka tinignan ang mga kasama ko at sinusuri ang mga ito ng nakangite na hanggang ngayon di pa din bumabati.

"Guys this is Cheryll. Cheryll this is my cousin Jin, and his friends Vladimir and Andrew. They are all taking up medicine."

"Wow. Nakakagwapo yan. I'm Cheryll Tyler." inabot niya ang kamay niya at nauna naman ang pinsan kong kunin yun.

"Feeling nga rin namin nakakagwapo ang pag do doctor eh."

"Hindi nakakagwapo nakakadagdag gwapo sainyong tatlo." and Cheryll give a sexy chuckle. Umabot pa ng kamay si Vlad at Andrew at nagbolahan pa sila. Pero ang tagal naman ata ni Vana o wala siya?

"Palabas na yun. May tumawag lang at tumakas lang kami." bakit nasa iisang bahay ba sila?

Nag usap usap pa kami dito habang ang mga tingin ay napapadako samin ng mga pumupunta buti na lang maaga kami, 6 ng umaga pa lang kasi 7 naman ang starting. Pinabuhat naman na ni Jin ang mga bike namin papunta sa starting kaya wala ng magiging problema.

Luna Morais (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon