Chapter 31- Drug
"Elanor."
Lumapit ang mas matandang lalake saamin si Zhero naman at si Zywon ay nasa likod namin.
"Nakaka agaw pansin ang presensiya at ang pagpasok niyo. Di ka pa rin nagbabago." saad niya ng may isang makisig na lalake at ang binatang nasa likod niya na kayang pantayan ang kagwapuhan ni Zhero. Talagang nakaka agaw pansin siya at ang malamig na aura. Mas maamo lang ang itsura ng isang ito kumpara kay Zhero.
"Rumuel di ka pa rin nagugulat sa kagwapuhan na taglay ng kaibigan mo." natawa kami sa kahambugan pero katotohanan na sinabi ni Elanor. Sa tagal na magkakasama kami may ganito rin pala siyang side. Minana ni Zhero ito. Palaging maamo at tahimik si Zywon.
"At talaga namang nakaka agaw pansin ang mga kasama mong kabataan. Nakakabighani." ngumite lang kami at medyo bumitiw kay Elanor. Iginala ni Rumuel ang paningin niya samin. Para kasing nagdala ng isang batalyon ng demigods si Elanor. Sinaniban ako ni Cheryll at dinamay ko pa ang sarili ko.
"Eto ang matalik kong kaibigan ni si Rumuel. Rumuel eto ang panganay kong anak na magmamana ng akin na si Zhero at eto naman ang mas bata kong anak na si Zywon." agad na nakipag kamay ang dalawa kay Rumuel na manghang mangha sa ipinapakita ni Elanor sakaniya. "Ang nobya ni Zywon na si Ava. Ang kapares ngayong gabi ni Zhero na si Cheryll TYLER. Ang mga kapres kong si Merlin Avery BRIDGES at si Ivanita Dakkota MORAIS." napanganga si Rumuel sa nalaman niya at mamaya ay napailing na may pagkamangha sa mukha niya habang tinitignan kaming tatlong babae ng paulit ulit.
"Alalahanin niyo ang mukha niyan at siya pinaka mapagkakatiwalaan ko sa organisasiyon na yan kung makikita niyo yan agad na tumulong kayo." saad niya samin. Kaya napatango na lang kami.
"Nakakamangha masiyado nahahalata Elanor na hindi kayo dito nagmula apelido pa lang." napailing pa siya at natawa sila ni Elanor. "Eto ang kaisa isang anak ko na si Russel Reigon." Russel pala ang pangalan niya mukhang siya lang ang magmamana. "Wala siyang kapares ngayong gabi."
"Magandang gabi." mukhang wala sa timpla ng ang isang ito. Napangiwi ako sa sa lamig at pagka bagot ng boses niya.
"Sa gwapo ng anak ninyo Ginoong Rumuel sobrang labo na walang nakakainterest sakaniyang kababaihan ngayong gabi." kanino pa ba magmumula ang ganun kabold na sasabihin. Kay Cheryll malamang. Natawa ang ginoo at tumingin sa anak niya ng nakangite.
"Oo nga binibining Tyler eh. Maari mo bang pahiramin ng kapares ang anak ko Elanor?" nagkatinginan kami ni Vana dahil isa saamin ang ibibigay kung nagkataon. At alam na kung sino ang dapat sumama.
"Dad." at nakakagwapo ang boses niya. Hindi man kasing gwapo ni Zywon ang isang ito kasing gwapo naman ang boses nila. Para siyang si Zhero na boses Zywon at emosiyon na kagaya ni Vana.
"Oo naman masiyado na ngang nakakabata ang dalawang katabi ko eh. Sino bang mas gusto ng anak mo sa dalawang binibini sa tabi ko?" bigla atang uminit. At si Russel na tumitingin lang sa nangyayari at halatang gustong pigilan ang kaniyang ama.
"Sino ba naman ang anak ko para mamili sa Bridges at Morais. Hayaan mo ang dalawang binibini ang magpakilala." tingin ni Rumuel samin.
"Ivanita. Merlin." nagkatinginan kami ni Vana na agad siyang tumango sakin. Ngumite naman ako sakaniya na nagkakaintindihan kami. Agad siyang humakbang paabante para magkaharap sila ni Russel. Napangite naman si Rumuel kay Vana at natawa si Elanor. "This is unexpected." saad pa ni Elanor.
"Ivanita Dakkota Morais." at pormal na ibinaba ang sarili at yumuko. Masiyado namang pormal ang isang ito kahit walang emosiyon ang itsura niya. Napatingin ako kay Zywon na nakakunot na ang nuo at ang natatawang si Zhero. Inilahad na ni Russel ang kamay niya sa harap ni Vana na agad kinuha. Zywon should control his anger this time.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...