Chapter 5 - The Boss's Son.Sumabay ako kay Finn at madadaanan ang school namin papunta sa school niya. At sabi niya na susunduin niya na rin ako pauwi. Di na ako umangal at nakakatamad din. Di naman na nangulit si Cheryll pero pinanliliitan niya ako ng mata kanina pang umaga kaya naman kahit gusto niya ako ihatid ay pinanlakihan ko na ng mata si Finn kanina na siya ang maghatid sakin sa school para makaiwas sa mala reporter na tanong ni Cheryll.
It is tiring to explain yourself. Tsaka knowing Cheryll O.A. na mahirap pang magpaliwanag.
Napatingin ako sa labas ng sasakyan at maganda ang tanawin ng medyo basang kapaligiran dahil sa ulan kaninang madaling araw tutal busy si Finn kakatingin sa salamin para sa all boys school niya. Bakla talaga to baka may pinopormahan na lalake ito.
Flashback
Nakayuko ako sa ilalim ng ulan. Ala naman akong pakielam sino man dadaan for sure kaya ko naman ang sarili ko. May tiwala ako sa kakayahan ko. Kahit makabangga pa ako ng kagaya ko ngayon. Pero wag naman sana at wala man lang ako kagamit gamit.
Napatingin ako sa humintong sasakyan sa harap ko di ko pa siya maaninag dahil sa ilaw ng sasakyan niya. Malabo na nga ang paningin ko tinapatan pa ng nakakasilaw na liwanag.
Bastos.
Natigilan pa ako at hinintay na lumabas ang tao mula sasakyan niya. Kahit naman sino siya haharapin ko siya. Para akong batang naiwan dito sa di malamang lugar. Nakakainis ang lalakeng bumaril. Edi sana nakauwi na ako. For sure napaka O.A na naman ni Cheryll sa mansion. Idagdag pa na di ko alam ang lugar nito. Nih di ko nga alam anong labas pag dineretso ko ito. Uso kasi ang telepono Vana. Hayst. Kung kunin ko na lang kaya ang maganda niyang sasakyan kung mananatili pa siya diyan sa harap ko.
Wala bang balak lumabas ito? Baka hindi ako nais niya. Masiyado lang akong assuming.
Mga mag iisang minuto na akong nakatayo dito sa harap ng sasakyan na malakas ang ilaw. Malabo ang paningin ko kaya di ko makita. Nararamdaman ko lang ang mabilis na pintig ng puso ko. Parang itim na aura ito.
Baka di ako ang nais niya. Tama aalis na ako. Nagpaka assuming lang ako.
Nagsimula na akong yumuko at dumaan sa gilid ng di tinitignan kung sino ang asa loob. Di ko naramdaman ang bilis niya. Nakakapagtaka. Napatigil ako sa pagkapit ng malamig na kamay pero di pa rin ako tumitingin kung kanino man kamay ang may ari dito.
"Get in Ivanita." natigilan ako sa boses na iyon. That voice and presence kaya pala maitim na aura. Agad akong napalunok at medyo nasira ang kompusisyon ko.
"Zywon." tawag ko sakaniya na gulat pa. Bakit ba naman kasi siya andito? Paano niya nalaman na andito ako? Anong ginagawa niya dito? Ang daming tanong pero di ko rin kagustuhan na itanong baka masamain niya at iba pa ang maisip niya. Napaiwas ako ng tingin.
"Pumasok ka na." hah? Pasok na daw ako? Pero basa ako. Pero kapag di ako sumakay baka sabihin niya ang arte ko naman. "Hey." diniinan niya pa ang hawak sa braso ko. Kaya napatingin ako. Bat niya ako hinahawakan? Sa di malamang dahilan kahit na mas mataas siya ay nainis ako sa ginawa niya.
Tinignan niya rin ang kamay niyang nakahawak sakin. Tsaka tumingin sakin. Wala akong mabasa. Di siya libro! Ugh! Ano ba itong utak ko!
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...