Chapter 51
Archie's POV
"Bye mom!" paglabas ko ay laking gulat ko ng makita ko si Vana na nakayuko nakaupo sa kabilang kalsada at buhat buhat si Archins. Para siyang batang iniwan ng magulang niya sa tabing kalsada kasama ang aso. Naka uniform na siya at nakabinat ang mga paa niya para di siya makitaan. Pero nukha talaga siyang batang iniwan dahil ang pula ng mga mata niya at ang pisngi at ilong niya. Anong nangyari? Ang pagkakaalam ko ay birthday niya kahapon at hindi burol ng kung sino.
Si Zywon ba?
Nakayuko lang siya habang hawak si Archins di niya siguro ako napapansin dahil hinahaplos niya ang ulo ni Archins. Nilabas ko ang phone ko at kinunan sila. "Bakit malungkot?" nilingon niya ako ng may malamig na ekspresiyon. Umupo ako sa tabi niya. Nagulat ako ng sumandal siya sa balikat ko na parang pagod na pagod. "Vana." mahinang sambit ko pero ganun pa rin siya nakasandal sa balikat ko. "Tell me what happened. Ayos lang kahit malate tayo o mag halfday pa." umalis siya at tumingala. Tinignan niya ang langit tsaka pinalobo ang pisngi at ngumuso. Kung di lang siya malungkot ay aasarin ko pa siya sa ginawa niya. Pero ngayon parang maawa ka sa pag ganiyan niya. Parang pinipigilan niyang umiyak.
Maya maya nakita ko kung paano manginig ang mga labi niya sabay ng paghiga niya kasama si Archins sa dibdib niya. Wala naman akong magawa kundi hayaan siya kahit na madumi. Humiga na rin ako. Buti na lang subdivision ito at ang tapat namin ay park. "Anyare ba?" tumingin siya sakin na ganun pa rin ang mga pisngi niya. Para siyang bata. Hahawakan ko na sana siya.
"Wag mo kong hawakan mas maiiyak ako." huminga siya ng malalim tsaka tumayo na hawak pa rin si Archins na di na niya binitiwan. Inilahad niya ang kamay niya. "Let's go somewhere." Tumango na lang ako at nanatiling tahimik. Di ko na rin kasi alam ang ire-ireact ko kaya ibinigay ko na lang ang susi sakaniya at nag drive siya ng tahimik. Yung mga galaw niyang napakatahimik pero nakakatakot. Parang di siya makakabasag pinggan parang walang buhay.
"Gusto mo ako na lang mag drive?" umiling lang siya pero wala pa rin buhay ang itsura niya. Nililingon lingon ko lang siya sa pupuntahan namin. Maya maya naglabas siya ng sigarilyo kahit may hika ako ay hinayaan ko na lang siya. Tumigil kami sa isang magandang lugar na namangha talaga ako dahil mataas iyon na lugar at may makikita kang lawa at mga bundok.
"Ang ganda." tumango lang siya at lumabas na ng sasakyan kaya lumabas na ako nag paalam pa ako kay Archins na natutulog sa backseat. Naalala kong sasakyan pala ito ni mommy. Pag nabunggo ko ulit baka ipakulong na ako ni mommy. Kinabahan ako ng umupo siya sa riles pero naalala ko si Luna rin pala siya na astig pero siya rin si Vana na maraming problema at mukhang suicidal lagi. Damn.
"Wag kang magpapakamatay ah." pagbibiro ko sakaniya pero huli na ng maalala kong di pala siya tumatanggap ng joke at lahat sineseryoso niya.
"Marami pa akong kailangan gawin." napangiwi ako na tumayo na lang sa likod niya at tinignan ang lawa na maganda naman talaga. "Archie... Is it normal to be tired and wishes to be just dead?" dapat mainis ako sa sinabi niya dahil ganiyan ang pag iisip niya pero bakit parang ramdam ko ying dinadala niya? Nakaramdam na ako ng awa. Kinabahan ako ng tumayo siya sa harang medyo hinahangin pa ang uniform niya. Para tuloy akong nanonood ng isang anime sa itsura niya ngayon. Nakatalikod siya sakin at hinahangin ang buhok niyang mahaba at nakapameywang.
"Vana." tumawa lang siya ng tinawag ko ang pangalan niya hanggang ang tawa niya ay napunta sa pag iyak. Napatalikod tuloy ako, ayokong nakikita siyang ganiyan. Nababaliw ako. Napaharap ako ng sumigaw siya. Sumigaw lang siya ng sumigaw. "Go on. Ilabas mo na yan lahat. Pagpunta mo sa baba ayoko ng makita kang umiyak. Maghihintay lang ako sa sasakyan." tumalikod na ako at tumungo sa kotse. Kinuha ko si Archins. Kailangan namin mag usap. Hinarap ko siya sakin at dinilaan niya ang pisngi ko na ikinangiwi ko.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...