Chapter 28

72 8 0
                                    

Chapter 28- His Childish Side.

Vana's POV

"Oy Zywon! Gising. Bebe ni Zywon gising!" Ugh! Kaya ayokong sabihin kay Cheryll dahil sa aasarin niya ako. AT nakakahiya kung mag aasaran lang sa harap ni Zywon. Agad akong napahawk sa dibdib ko sa lakas ng pintig ito at sa pag aalala din na baka mang asar siya sa labas.

"Gising ka na at namumula ka na eh. Gumising ka na at nagtatawag na si daddy Elanor para mag lunch." sinamaan ko siya ng tingin at hagikgik lang ang isinukli niya sakin. Nagsisisi na ako at sinabi ko sakaniya ang patungkol duon.

"Cheryll pwede ba? Di sinabi yun ni Vana para ipamukha mong may gusto siya kay Zywon. Nakakirita ka. Parang ikaw pa ang may gusto eh." kailangan pa ba nilang sabihin at ipamukha na may gusto ako sa taong yun? Na realize ko lang na gusto ko ang asa pwesto ni Ava yan na lang kaya sabihin ko, pero di ko siya gusto. Ahhh fuck ganun na din yun eh.

Buti na lang andito si Merlin. Napabangon na ako at may nakita akong box sa gilid ko baka yung isusuot mamaya sa event.

Nakita ko pa ang mga suot nila si Cheryll naka 2 piece na may Cardigan na napaka nipis na nakikita din ang pulang swimsuit nito sa loob. Mukhang gusto niya ngang mag enjoy sa boy haunting mamay. Si Merlin na naka beach dress na di rin nagpatalo dahil sa cut sa dibdib. Mafia girls.

Ano bang susuotin ko? Di lang naman siguro ako ang mag ja jacket sa beach diba? So I did lumabas na muna sila at nagbihis ako ng shorts at see trough na square pants tsaka jacket tsaka ako lumabas na komportableng nakalagay ang mga kamay ko sa pocket ng hoddy ko.

"Shit." tawa ni Merlin ng makita ako umalingawngaw pa sa suite na kinalalagyan namin. Anong problema niya at nakatingin siya saakin?

 "Fudgee! Asa beach ka girl." inis na bungad naman ni Cheryll kaya napakunot ako ng nuo. "Jejemon ka ba?" Ako? What's wrong with wearing jacket in the beach? Tinignan ko pa ang itsura ko. Medyo ayos naman ah.

"Kaya nga ako nag see trough diba?" hinila ko pa ang pants ko na mas ikinatawa ni Merlin at ikinainis ni Cheryll.

"Tengene Vana." napsandal pa si Merlin sa pinto at humalikipkip na tinignan kaming dalawa ni Cheryll na magkaharap.

"Beach to hindi to baguio o ibang bansa na malamig. Magbihis ka. Di tayo lalabas ng ganiyan ang suot mo." tinuro niya pa ang kwarto ko na nagtatanong na pupunta ba talaga ako at magpapalit. Tinignan ko pa si Merlin para tulungan ako baka nag hihintay na dun sila Elanor. Uhhh nakakahiya.

"She's right Vana." kampi ni Merlin na nagkabit balikat pa. Agad ko silang inirapan.

"Baka naghihintay na si Elanor dun." agad silang nagkatinginan na inirapan ko ulit. Sabi ko nga magpapalit na ako eh.

"Ganiyan ba ihaharap mo kay Zywon. Jejemon?" wala naman akong pakielam sa iisipin niya.

Napairap naman ako at bumalik sa kwarto ko at nagbihis ng pang beach! Marunong akong magbihis di ko lang talaga trip. Mas maganda pa taste ko sakanilang dalawa kung gugustuhin ko. Kaso huwag na baka umiyak pa si Cheryll kapag mas napansin ako. Hmmft. Tsaka wala kasing pakielemanan. Pag beach bawal na mag jacket?

"Okay let's go." tinignan pa ang kabuuan ko ni Merlin. "Tagal mo na naman. San ka nakakakuha ng lakas ng loob na paghintayin ang mga boss natin?" di ko na pinalitan ang pang ibaba ko at nagsuot lang ako ng bra ng 2 piece ko naone strap na kulay puti.

"Iba talaga epekto ni Zywon nagiging babae si Vana. Busog ah."  agad kong tinakpan ang dibdib ko ng tignan ito ng dalawa. What's wrong with them? Tsaka bakit di ba ako babae dati? Nang makapunta kami sa elavator nagsimula na kaming makakuha ng atensiyon. Siguro dahil iba rin talaga ang ganda ng mga ito. Sige na isama mo na ako. Maganda din naman ako.

Luna Morais (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon