Chapter 14

85 23 0
                                    

Chapter 14- Punishing Reaper Luna

Nag convoy kami papunta sa mansiyon. Ipinark na namin ang mga sasakyan sinadiya kong mas maunang lumabas. Mukhang andito na si Elanor at ang mas nakakatandang anak niya na si Zhero. Napalunok ako. Bat ako ang natatakot? Bakit ako ang kinakabahan.

Ahhh naalala ko ako nga pala ang emosiyon ni Vana kaya natural na ako ang makaramdam. Tama.

"Bakit wala akong makitang kahit ano sa mukha mo hmm?" saad ng maliit na ako sa batang maangas sa harap ko.

"Di ko din alam eh. Pero eto ako Cheryll." napangite ako at tinagilid ang ulo ko. Sayang ang ganda ganda pa naman niya.

"Sige ako na lang emotions mo." nakita ko ang onting gulad sa mukha niya kaya napahawak ako sa bibig ko at napatawa. 

"P-Promise?"

"Promise. Ikaw kaya the best ko."

Hinawakan ko ang kamay ni Vana na di naman niya pinansin nagpakawala ako ng buntong hininga. Kinakabahan ako para siyang nalilitang sa mga nangyayari dahil ang lungkot lungkot ng mata niya at medyo gumagalaw ang mga labi niya. Kaya kinagat niya ito

"Andiyan na sila." kabadong saad ko. 

"Hmmmh." nakakunot ang nuong saad niya. Iniisip niya siguro na masiyadong malaking pulong ata ito at andito si Zhero at Elanor pero di ganun kalaki na nandito pati ang mga dating reaper at ibang nagtra transaction pa.

Napalunok ako ng buksan ng mga bodyguards ang malaking pinto ng mansiyon. Tumango naman sila samin bilang respeto lahat ng madadaanan namin. Gusto ko sanang ramdamin ang pag respeto nila kaso nag pla plano ako paano ko mahahatian si Vana sa parusa niya. 

"Reaper Luna. Reaper Phobos. Asa black room po sila sa south wing." saad ng kanang kamay ni Elanor na nag lead ng way samin. Tumango lang kami at naglakad na. Napaka malumanay ng itsura ni Vana na parang wala sigang ginagawang masama. Parang nagmamadali pa ang tagasunod na ito di man lang kami pinagsuot ng pormal na damit.

Di ko na sinubukan kausapin si Vana at mukhang nag iisip isip din siya. Bat ba kasi ang layo ng black room na iyon? Di ba pwedeng sa sala na lang ganun?

"Cheryll, kahit na anong parusa, hayaan mo ko dito." tsaka niya binitawan ang kamay ko ng marating namin ang harap ng pinto. Nakita ko pa ang pagkagat ng ilalim na labi niya. Magsasalita pa sana ako ng magbukas na ang eleganteng pintuan na minsan lang naming pintuhan. Dahil lang sa mga pulong. Bumungad samin ang di madilim na silid na akala mo mga prinsipe at prinsesa ang nasa pulong.

"Ang pagdating ni Reaper Phobos at ni Reaper Luna." nag bow ang tagapagsalita. Sabay naman kami ni Vana pumasok sa loob at malaking pagbigay ng respeto sa namumuno samin na si Elanor at ang dalawang nasa gilid na si Zywon at si Zhero. Nakakatakot si Zhero kesa kay Zywon. Si Zywon kasi oo nakakatakot siya pero di pa siya nagagalit. Si Zhero para siyang psycopath. Tatawa na lang minsan. Napaka mapaglaro na parang may galit sa mundo. Di mo alam saan nagmana.

Kung si Zywon makikita mo ang itim na aura sa paligid niya pero sa sobrang gwapong itsura nito ay mapapatingin ka na lang sakaniya. And hard feautures niya at th same time soft. Isagdag pa na nakabukas ang tatlong butones ng polo niya at nakikita ko ang dibdib niyang maputi.

TIGILAN MO CHERYLL MUNA ANG MGA LALAKE!

Si Zhero naman ay pormal na pormal at mas nakatakot pa ang kagat kagat niyang sigarilyo na walang sindi at ang tie niyang itim. Habang nakangite sa pagdating namin. Magkamukha lang sila ni Zywon na mas pinatanda lang na si Zywon mas hard lang ang feautures ng isang ito at wala kang makikitang ka lambutan.

Luna Morais (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon