Chapter 16

88 13 1
                                    

Chapter 16 - Taking Cared by the Boss's Son.

"Ako na." Ikaw na Zywon.

Napatingala ako ng makita ko si Zywon na may nag aalalang itsura pero andun pa din ang dilim ng kaniyang tingin. Agad niyang kinuha si Vana sakin at kinarga ito maging siya ay nalagyan na ng dugo na mula sa mga rango na pinatay ni Vana. Sobrang tahimik ng pagkakakuha niya kay Vana na parang mababasag ito. Tumayo ako at sumunod kay Zywon di ko na alintana ang aksiyon na gagawin ko. Nakita ko pa ang iba't ibang ekspresiyon ng mukha nila pero di ko na binigyan ng pansin at sumunod na lang kay Zywon. Naiwan na din ang tagapayong namin dalawa sa utos ni Zhero.

"Shay call a doctor immedietly." saad ni Zywon na puno ng emotion habang karga karga si Vana kaya agad akong napayuko. Nagbigay respeto ako kay Elanor na malalim ang iniisip at Zhero na nakangise sa kapatid bago umalis. Si Shay din ay ganun ang ginawa dahil sa utos ni Zywon sakaniya.

"And Elanor father, I will talk to you after this." mabigat na saad ni Zywon bago na ulit siyang maglakad. 

Karga karga ni Zywon si Vana hanggang makadako kami sa third floor, tahimik ko lang sila sinusundan. Natutuwa sa aksiyon ni Zywon sa kaibigan ko. "Tumigil ka na sa pag iyak Cheryll. Punasan mo si Vana hanggang maging malinis siya bago dumating ang doktor. Kumuha ka ng pansamantalang damit sa closet ko kung kailangan. Haharapin ko muna si Elanor." tsaka siya lumabas ng kwarto niya na galit ang ekspresyon na talagang di mo makakausap, kaya naman di ko mapigilan ang pagngite at pag tingin sa kaibigan kong panay dugo.

Zywon.

Di ko na pinansin ang galit na ekspresyon ni Zywon maging ang isipin kung bat siya galit ngayon. Kailangan ko ng linisin si Vana bago pa dumating ang mga doktor.

Agad kong tinanggal ang pang itaas ni Vana gamit ang gunting para di na ako mahirapan. Bibilan na lang kita ng Gucci or Lanvin na white shirt Vana di yung manipis ang binibili mo. Ano bang brand nito?

Patakbo ako tumungo sa closet malapit sa C.R at kumuha ng mga towel dun. Ang laki naman kasi ng kwarto ni Zywon. Patakbo takbo akong inayos siya. Maya maya ay may kumatok na sa pintuan agad na pumasok si Zywon pero nananatili lang siya sa sala at nakatalikod sa kama. Sino bang kakatok sa sariling kwarto?

Napangite ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan at dahil pa sa kaibigan ko di ko tuloy mapigilan ang sarili kong maging writer na naman sa utak ko sa mga iniisip ko. Madilim at malalim ang iniisip niyang nakatalikod saakin. 

Ehe.

"Andito na ang mga doktor. Tapos ka na ba?" saad niya habang nakatalikod pa din. Wait a minute Zywon.

"Pwede bang naka bathrobe lang muna siya? Kukuha muna ako ng mga damit niya sa kwarto pagkatapos ng mga doktor saka ko siya lilinisin ng bongga? Ayos lang ba? "

"May undergarments ba siya?" HOY! wag mo muna akong pakiligin Zywon. Napakagat ako sa ilalim na labi ko para mapigilan ang pag ngite.

"O-oo naman." kasi naman eh! Pati naman yun Zywon eh!

"Triplehin mo ang bath robe at siguraduhin mong di matatanggal ang tali Cheryll." may halong pagbabanta sa boses niya na nagpapakilig pa lalo sakin.

"Sige sige. Aye aye captain." tumakbo pa papuntang C.R closet at sinuotan si Vana nun. Sinabihan ko si Zywon na tapos na at pumasok na muna siya sa loob para icheck kung ayos lagay ni Vana. Walang ekspresiyon pero di ko mapigilan na ngumite ng tinakpan niya ang legs ni Vana na di naman nakikita dahil mahaba ang robe pero tinakpan niya pa rin.

"Papasukin na ang mga doktor." saad ni Zywon sa phone niya ng nakatingin ng mariin sa kaibigan ko. Nagsipag datingan naman ang mga doktor at nurses ang dami naman Zywon. Ganun na ba kalubha si Vana?

Luna Morais (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon