Chapter 15 -Blood Lust
Vana's POV
Ayos lang naman, tinanggap ko ito ng buong puso kaya namanhaharapin ko ito. Medyo nahihilo lang ako dahil ito ang unang gabi, di naman ako makatulog kahit na sa tingin ko ay mga alas tres na ng umaga dahil sa irita ko sa nakabitin kong mga kamay. Medyo nahihilo na rin ako. Idagdag pa ang malamig na ihip ng hangin. Kung alam ko lang na eto ang magiging parusa ko ngayon ay kumain na ako ng spag kanina ng sobrang dami.
Napayuko na lang ako ng bumalik sa utak ko kung paano niya ako tignan kanina. Na parang di niya nagustuhan ang naging aksiyon ko. At ano naman saakin?
I bit my lower lip dahil nararamdaman ko na naman ang panunuyo na iyon. Unang araw pa lang ito ay nararamdaman ko na ang hilo idagdag pa ang hilo ko sa labo ng mata ko na inaaninag ang pulang babae. For sure todo alala yun saakin. Tsk Cheryll, paano ka na kapag bigla akong nawala?
"Inom." agad lumakas at tumindi ang tibok ng puso ko sa boses na iyon. Pero agad din kumunot ang nuo ko, di niya ba naiintindihan ang sinabi ni Elanor na dadagdagan ang araw ng pananatili ko dito? O gusto niya talagang dagdagan ang pamamalagi ko dito at parusahan ako?
Tinignan ko siya kahit na madilim ay nakikita ko na naka fitted na itim na shirt siya at pajama. Bakit ba siya kasi andiyan? Nakalahad din ang kamay niyang may bottled water at straw. "Bakit ka andito Zywon?"
"Inom." napaiwas ako ng tingin. Bakit naman ako iinom sa inomin na ipinapainom niya saakin?
"Di mo ba-"
"Just damn drink it Vana, nangangawit ako." napatingin ako sakaniya ng iritado. Pwede naman siyang umalis. Kaya ko naman ang sarili ko kahit wala siya. Vana ganito siya kabait na boss, inaalagaan niya ang ga reaper niya.
"Ilapit mo, di ako makagalaw." bakit naman ako pumayag agad? ayos lang no? hmmh. Iniayos naman niya at hinuli ko pa ang straw at sumimsim duon ng di ganon kadami.
"Nagugutom ka ba?" ano daw? I bit my lower lip at bumuntong hininga bago sumagot sakaniya.
"Matulog ka na Zywon. Salamat." nagtama ang paningin namin, na agad nagpalusaw sa mga tuhod ko at pag pasok siguro ng kululuwa niya sa sistema ko. I also saw how he bit his lower lip at tumalikod na saakin.
Kinabukasan ng ganong oras ay sa di malamang dahilan ay naramdaman ko na naman ang presensiya niya na papalapit saakin. Dahil sa tunog ng ulan sa tumatamang bagay, na satingin ko ay payong. Naging tama nga ako ng wala na akong maramdaman na patak saakin. Kahit nahihilo na ako ay sinubukan ko pa din na tignan ang mukha ng nasa harap ko. Bumungad saakin ang inumin na may straw ulit.
"Why are you doing-"
"Inom Vana." bumagsak ulit ang ulo ko sa bigat ng katawan ko. Nakakahiya man pero sa mga oras na ito ay gusto kong matulog ng nakahiga. Di ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng walang tulog, para akong lumulutang. Idagdag pa na sobrang lamig dahil basa ako ng ulan. Siguro sa ngayon ay mabaho na din ako.
"Umalis ka na-"
Tumama sa labi ko ang straw. "Inom." malalim na saad niya. Kahit na nahihirapan ako ay sinubukan kong uminom ng maka-alis na siya. Malakas pa naman ang ulan atsiyak na nababasa na siya dahil payong lang ang silong namin sa gitna ng malawak na lupain.
Ngunit pagkatapos kong uminom ay di ko pa din nararamdaman ang matutulis na patak ng ulan saakin at asa harap ko pa din siya. Unti-unti kong itinaas ang ulo ko para silipin siya kahit na medyo malabo na ang paningin ko idagdag pa ang buhok ko na tumatabon sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...