Chapter 37

41 6 0
                                    

Chapter 37- Missing Student.

Kamusta na kaya si Zywon? Kung pupuntahan ko naman siya ay 2 hours papunta sa school niya. Nakakatamad mag drive.

"Oo na nga Archie eh." wednesday, last four days before competition and last  three days before his cousin's birthday. At ilang beses na niya ako tinatanong at OO lang din ang sagot ko kanina pa.

"Sure?"

"Oo nga sabi eh." sinamaan ko na siya ng tingin. Nasa tent kami ng field habang si Makenzie ang tumitira. Chance have things to do that's why Shay is here with his laptop in unknown reason. Pero busy naman siya at di naman siya kagaya kahapon ni Chance na pinangatawanan ang pagiging mentor na pati si Shiela ay pinupuna. Shay is with us pero di pa siya nagsasalita dahil busy siya sa laptop niya at pizza niya.

"Royalties nga ang theme Vana. Sure ka-"

"Isang tanong mo pa di na ako sasama sayo." napanguso siya at pinanliitan ako ng mata. Kanina pa kasi siya ganiyan kahit nga nung ako ang tumitira sinundan niya ako para itanong kung sure daw ba ako eh.

"O-okay. Pero di tanong ah. Kung napipilitan ka lang kasi si mommy yung-"

"Di na nga ako sasama." inis na singhal ko. Nakakairita siya parang inipon niya lahat ng kakulitan niya ng wala ako at binuhos ngayon kung sure ba akong sasama ako.

"H-hoy g-grabe ka Vana naman!" tas ngayon nakaturo na naman ang kamay niya sakin. Sa inis ko ay pinalo ko ng pagkalakas lakas para mapahiyaw siya.

"Nakakainis ka na kanina ka pang umaga."

"Oo tama wag ka ng sumama Vana. Nakakairita kanina pa yan tanong ng tanong. Mukhang naghihintay na huminde ka." napatango ako sa sinabi ni Shay.

"Yun na nga rin ang sa tingin ko eh." napatayo si Archie at di na niya alam ang gagawin niya.

"Pare di naman sa ganun. Kasi royalty party nga kasi yon! Vana oy sumama ka na." at ngayon bumalik na naman siya sa pag aaya sakin. Tas guguluhin niya na naman ako kung sure ako. Napaka gulo ni Archie!

"Oo alam ko kanina ka pa nga sabi ng sabi di na mabilang ng daliri ko kung ilang beses mong sinabi iyon."

"Halla naman! Sorry na Vana di na ako magiging makulit ngarod. Sure ka ba kasi talaga?" pagod ko siyang tinignan tsaka ako tumayo at inambaan siya ng suntok.

 Pasensiya habaan mo pa ng onti.

"Saan ka pupunta?"

"Saglit lang. Wag niya na akong hintayin ng lunch." iche check ko na lang si Zywon. Di ko siya nakita kahapon at kagabi. Ang huling kita ko sakaniya ay nung gabi ng nangyaro ang kay Russel at nag aalala na ako sakaniya. Mukhang pagod pa naman siya that time.

Hindi sa nami miss ko siya.

Sumakay na ako sa kotse ko. At umuwi muna para maligo at magbihis ng medyo maayos ayos na damit dahil si Zywon yun. Tinanong ko pa si Cheryll kung anong dapat suotin at nakatanggap pa ako ng pambabatikos at panghuhusga sakaniya. Na dapat daw ay si Zywon ang pumunta sakin dahil daw siya ang lalake. At ang babae daw ang dapat pinupuntahan.

But like his brother I can't see the point. Gusto kong makita yung tao. Hihintayin ko pa bang kainin ako ng lungkot at hintayin na siya ang pumunta sakin? What if busy siya.

At the end di ko rin siya sinunod na magsuot daw ako ng heels and jumpsuit na tube. And I followed myself wearing a white turtleneck croptop, medium high waisted jeans and heels. With my black leather jacket.

Luna Morais (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon