Chapter 9 - Veronica Morais
"Hoy Vana bat di ka pumasok kahapon?" pangungulit ni Archie sakin. Di ko kasi trip na pumasok kahapon asa penthouse lang ako ni mom kahapon magdamag. Di rin ako umuwi at wala pa akong balak umuwi. Di ko rin kasi alam kung paano ako haharap sakanila. Kahapon naman ay di naman pumasok si mom sa office pina-cancel niya ang mga appointment niya kahapon at nagbonding lang kami, like movie marathon, play station, food delivery and malling. Nag enjoy ako ng sobra kasama si mom. Kaya mag iistay ako kahit ilang araw lang. Ayoko rin umuwi na di pa maganda ang itsura ni Merlin pag uwi ko ay sana wala ng bakas ng galit at inis ko sakaniya. Makokonsensiya ako.
"Vana kotse mo yung dala mo? Nice car. Rich kid ah." dala ko kasi yung kotse ko na bigay ni Elanor sakin isang sports car na gray. Buggati Divo. Di lang naman ako ang ganiyang nagsasakyan at puro mayayaman naman ang asa school na ito kaya di rin masiyadong pansinin. Pero pansinin na talaga ako. Parang kailang ko ng bumili ng baja na motor. Kaso baka mas makaagaw pansin.
"Vana may quiz ngayon prepared ka? Mamayang hapon pa naman yun eh." napatingin ako sakaniya ng masama at ngumite naman siya. Sumubo na lang ako at di siya pinansin. Kanina pa siyang umaga salita ng salita at nakasunod sakin. Kaya ngayon ay nasa cafeteria kami ngayong break time at nilibre niya rin ako ng spaggetti na dalawang serve at isang matcha tea di na ako pumalag. Nag iisip ako sa mga bagay bagay pero di ako makapag isip sa isang to.
"Archie kanina ka pa tanong ng tanong. Kumain ka na nga lang." sumimangot siya na akala niya ay maawa ako sakaniya. Tsk pilit pa na kasabay ko siya. Bakit ba kasi ang daming gustong makipag kaibigan sakaniya pero andito siya sa harap ako pa ang sinasamahan eh halata naman sakin na pilit lang ako.
"Kasi di mo naman sinasagot. Tsk. Sungit. Akala mo naman maganda." sinamaan ko siya ng tingin. Bakit? Maganda naman talaga ako.
"Bakit gwapo ka ba?"
"Hah! Kung di ka nagwa gwapuhan sakin. Tomboy ka." so babae ako.
"Gusto mo lang atang halikan kita kaya mo sinasabi na tomboy ako eh." binigyan ko siya ng nakakalokong tingin. Nanlaki ang mata niya gusto kong matawa pero kapag tumawa ako ay matatapos na ang kasutilan ko kaya binigyan ko pa siya ng magandang anggulo ko at inilagay ang ilang hibla sa likod ng tenga ko.
"A-ano bang sinasabi mo!? D-di t-totoo yan baka ikaw! Gusto mo ko! Hah! G-gusto mo ko noh?" napangite ako sakaniya at matunog yun.
"Bat ka nauutal Archie?" inilagay ko ang braso ko sa desk at sinapo ang mukha ko itinaas ko pa ang tinidor ko para asarin siya.
"Yah! Isang araw k-ka lang nawala nag iba ka na hah!" sabay turo pa ng tiridor niya. "Inaakit mo ko masiyado. Pasensiya na at wala kang pag asa Vana." Di mo pa ako kilala.
Natawa na lang ako at umiling tsaka sumubo ng pagkain ng bigla siyang tumawa at nakaturo pa ang tinidor niya sakin. Napatingin na samin ang mga tao sa table na nakapaligid. Eskandaloso talaga ang isang ito.
"Para kang bata HAHAHAHAHAHHAHAHA kumain! Cuteee Vana! Spag lang talaga HWHAHAHAHHAHA katapat ng kasungitan mo." tawa niya pa. Umiiling na lang akong kumain. Parang kailangan ko ng sanayin ang presensiya ng baliw na to sa paligid ko. Isang araw lang ako nawala nakabuntot na sakin. At take note na kung makapag salita siya parang magkakilala na kami.
Nakatingin pa rin siya habang kumakain ako. Nakatingin ng nakakaloko inaambaan ko na nga siya ng suntok pero matatawa lang siya. Baliw talaga ito mas maganda ng wag pansinin baka mamuro.
"Anyare sa kamao mo Vana? Ayos ka lang ba?" I stunned. Nakita ko ang mapanuri nitong mga mata, kaya tumango na lang ako. Pwede namang magpaka sad girl at nag sususuntok sa pader ganun diba?
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...