Chapter 24- Uncontrollable Luna.
"Maging ako ay sumasang ayon." I answered no choice. Sinagot ko iyon ng nakayuko at di matignan sa mata ang lalakeng nag aatas.
"Siyempre silang tatlo ang mag susuhesiyon na magkakasama sila dahil iniiwasan nila kami." malakas ang loob na saad ni Finn sa gilid na nakanguso.
Bakit parang nadamay ako? Eh nadadamay lang naman ako sakanila ah.
"Mawalang galang ngunit sinasabi mong pati ako?" tinignan ko ang nakangusong si Finn na nakatingin sa malayo na parang batang may tantrums. Di ko nga alam kung bakit ganiyan ang dalawa at ako ang pinagbubuntungan ng galit nilang dalawa tas madadamay ako sa gulo nila?
"Tutal andito ang lahat bakit hindi natin iresulba bakit ganiyan ang pakikitungo niyo saamin." saad ni Lucas naman. Mukhang kasama nga ako sa sinasabi nila kahit dalawa lang naman yan ang may galit sakanila. Great.
"Ang silid na ito ay para sa mga misyon o ano mang trabaho ukol sa organisasyon hindi naaayon kung dito pag uuspan ang mga personal na bagay." masungit na saad ni Merlin napailing na lang ako. Di ko talaga gawain na makielam sa mga away pero nagtataka na talaga ako. Kung di lang ako tamad ay inalam ko na iyan.
"Sa araw na pag alis ay dalawang Eurocopter Mercedez-Benz EC 145 at gusto kong ikaw Triton ang magpapalipad ng sasakyan ni Elanor babalik ka sa biyernes para sunduin siya o alin man oras kaya wag kang gagawa ng kahit ano sa tatlong araw na iyon maging ikaw Oberon ay kakailnganin ano mang oras."
"Makaka asa ka Ganymede." habang si Zywon ay nakatingin lang sa mga daliri niya sa harap niya na magkakalapat. Nakapatong ang mga siko niya sa lamesa. Ganiyan siya kapag nag iisip. Tumaas ang gilid ng labi ko sa pagmasad ko sakaniya.
"Para sa mga maiiwan dito sa mansion. Panatilihin niyo ang kaayusan sa lahat maiiwan ang dalawang mansion ay bisitahin niyo kung may oras pa kayo. Ayokong umuwi dito ng may banta."
"Masusunod Ganymede." nagbuo pa siya ng mga plano kung saka sakaling may mga hindi inaasahan na mangyayari.
Si Zywon ang tipo na hindi man siya magaling sa field pero siya ang naglalatag ng mga mangyayari sa field. Plantsado at kalkyulado lahat ng pwedeng mangyari habang wala siya at ang pwedeng mangyari sa mismong event at nakaramdam ako ng kaba kaya napatingin ako kay Chance na nakikinig lang.
Tatlong matataas na tao ang pro protektahan namin nila Merlin at Cheryll. May tiwala ako sa kakayahan nila dahil di naman sila magiging kilalang reaper kung di hasa ang kakayahan nila pero masiyadong madudumi ang utak ng ibang kasama sa organisasiyon. May posibilidad na dahil gusto nilang angatan si Elanor ay ipapatay nila ito. Kaya inilatag din ni Zywon ang mga iyon.
Nang matapos kami ay unang lumabas si Zywon at nagsi sunudan naman ang mga lalake sa di malamang dahilan ay nakaupo pa rin ako si Merlin ay nakatayo pero asa pwesto pa rin maging si Cheryll na malalim din ang iniisip.
"Ito ay sikretong misyon na ibinigay sakin ni Elanor. Pero sasabihin ko sainyo para maging aware kayo." umupong muli si Merlin at magkakaharap kaming tatlo. Kapag sikretong mission ay sensitibo pero parang iniririsk niya ang sarili niya para lang sabihin ito at malaman namin. Parang nagiging bobo na ata ang isang ito.
"Buhay ng muli ang organisasiyon na pumatay sa ama mo Vana." muling kumulo ang dugo ko sa narinig ko kay Merlin alam kong babalik sila para ako ang umubos sakanila.
"Ang mga siyentipiko na pinatay ko hinahanap ko ang lungga nila." nakalimutan ko ng balikan ang coffin dun!
"May nakita akong coffin dun sa lugar na iyon hindi ordinaryong makakita ng ganung bagay sa isang junk site." pagbabahagi ko sakaniya pero tumango lang siya sakin.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...