Chapter 4 - Saving the Green eye guy.
"Ano kaya pa!?"
Naagaw ng pansin ko ang sigaw na iyon. Dahil dinig kong medyo malayo iyon sa akin at wala naman akong pakielam ay di ko na dinilat ang mga mata ko at di ko rin naman yun makikitang mabuti. Nanatili na lang akong nakapikit.
"T-tama na!" dahan dahan akong napadilat pero di ko pa rin nililingon san galing yun at inuulit ko malabo ang paningin ko. Wala rin kwenta iyon.
"Isusumbong mo na ba kami sa pulisya!? Pasensiya na pero di ka na makakalabas ng buhay pa dito!" tawanan ng mga ito. Mukhang alam ko na kung sino ang kalaban nila at mukhang alam ko na ang nangyayari. Pinikit ko na ulit ang mga mata ko at di ako interesadong magpaka bayani at mas lalong wala akong balak tumulong. Mamatay siya kung mamamatay siya baka oras na niya.
"M-mom." napadilat na naman ako at nilingon ko sila pero walang naitulong at malabo ang paningin ko. Narinig ko ang tawanan ng mga kung sino. Why the hell is he calling his mom?
"M-mom I'm sorry po." dahan dahan akong tumayo at naglakad papalapit pero alam kong di pa rin nila ramdam ang presensiya ko. Lumapit ako hanggang maging malinaw sa malabo kong mata ang nangyayari at kagaya pa rin kanina di nila ako pansin. Dahil panay sila tawa habang tinatadiyakan ang lalakeng hinahabol ako kanina lang.
Dad should I help this guy?
"Wala ng tutulong sayo dito! Gago ka kasi ang bata bata mo pa nakikialam ka na sa mga pulisya ayan tuloy bata ka rin na mamamatay." di ko na pinagplanuhan kung paano ko patutumbahin. Higit sa sampung taong ito dahil alam kong sisiw lang naman sakin sila maliban sa converse kong ayaw makisama. Di lang siya masikip, para din akong nag iiskating dine sa dulas.
"Justice will hunt you if you will kill me. At di mo magugustuhan yu-" isang malakas na pagtuhod sa mukha niya ang nangyari para makita niya ako. At mapansin ko ang mga berde niyang mata na nakatingin sakin. Ayan kasi salita pa eh, masiyadong mahustisya ang isang to para mas inisin pa ang mga tao dine. Yun ang ikakamatay nito tsk.
"Mom?" sambit niya ng makita ako. Damn did he just call me mom!?
Do I look like his mom!? Ayoko na ayoko ng tulungan siya. Mukha daw akong nanay niya. Napairap ako at tumalikod sakanila. Dad she just call me his mom damn it.
Napairap at buntong hininga muna ako bago ako bago magsalita. Labag to sa kalooban ko. Kailan pa ako naging accessory of justice. I'm opposite of that damn!
"Pakawalan niyo na." pinalamig ko pa ang boses ko na parang si Luna na ang nakakaharap nila at hindi ang simpleng si Vana na naisama sa drag race o si Serene ng dragrace na sa susunod ay magiging si Buwan, Moon, Eclipse o ano pa. Fuck I need a break. Umuulan pa naman panigurado masarap magpahinga.
"At bakit namin siya pakakawalan?" malalim na boses ng isang panget na mukhang nasabak din sa laban dahil sa mga pasa niya. Mukhang lumaban itong lalakeng to pero di kinaya sa dami nila.
"Babae ikaw ang iniligtas namin kanina mula dito sa mayabang na ito!" sabi ng isang panget na parang isinusumbat sakin na tinulungan nila ako.
"Wala akong sinabing gawin niyo iyon." hanggang sa maaari ayoko ng gulo dahil umuulan at masarap sa pakiramdam ayokong pagudin ang sarili ko sa ilalim ng masarap na pag ulan na nararamdaman ko. Pero kung isusumbat nila ang bagay na kaya ko namang gawin ay nakakasakit ng pasensiya.
"I-isa ka rin mayabang na babae." nahihirapan niyang sabi. Natawa ako at alam kong natatakot na ang lalakeng nambabatikos saakin. Nagpakawala ako ng tawa na ipinagtaka nila.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...