Chapter 23- Fetch by the Mafia Boss's Son.
Vana's POV
"Ako." di pa ako lumingon sa nasa likod ko. Alam ko na ang boses na yun kahit di ako lumingon. Napakagat ako ng ilalim na labi ko ng lumapat ang kamay niya sa likod ko.
Kinikiliti ako ng mga hawak niya at sa mga oras na ito di ko na alam ang mararamdaman ko. Basta ang alam ko nauubusan ako ng hangin at aatakehin ata ako.
"What are you guys doing here?" tanong ni Cheryll pero pinagpapalit palit niya ang tingin niya sa nasa likod ko at saakin ang paningin kaya lumingon na ako at nakita ko si Chance, Shay at Zywon sa likod ko. Di ako makagalaw dahil ang mga kamay niya ay patuloy na nakahawak sa likod ko kahit na ang mga mata niya ay deretcho na nakatingin sa dalawang lalakeng kasama namin. Idagdag pa ang mga tinginan ng mga babae sa gawi namin, baka gusto nilang tusukin ko ng tinidor ang mga mata nila.
Napapikit ako ng mariin sa irita at sa kakaibigang pakiramdam na dinadala ng kamay sa likod ko. Bakit ba sila andito? Di ko pa nakakalimutan ang paghila ni Zywon sakin kagabi at ang pagtawag niya ng boss sakin kagabi. At dahil duon ay di ako nakatulog kagabi, daig ko pa ang may matinding insomnia.
"I'm here to fetch my boss." Damn it! Ayan na naman ang boss na tinawag niya. Di ako makatayo man lang dito sa inuupuan ko at kung titingin man ay sa ulan sa labas lang at si Cheryll ang dinadapuan. Maiinis ako kapag ang mga nakatingin samin ang titignan ko. Parang kasalanan naman tignan ang dalawang lalake na kasama ko kanina. Di ko kayang iikot ang ulo ko para tignan ang mga lalake sa likod ko. Tama yun nga.
"Care to introduce them to us." mariin na saad ni Chance sa kapatid niya. Napatayo naman si Jin at sumunod si Archie. Gosh do they know na si Archie ay lalake ng gabing yun? baka hindi pa, buti na lang dalawang berde ang mata ng dalawang ito. Nakakahiya sa magpinsan parang anytime ay mapapaso sila sa mga tingin ng tatlo. Bakit ba kasi nahilig silang tatlo mag malling ngayon?
"A-ahhh guys. This is Jin and A-Archie." nakatingin sakin si Cheryll at humihingi ng paumanhin. Napabuntong hininga ako na agad kong pinagsisihan dahil sa paghaplos ng kamay ni Zywon sa likod ko na parang sinasabi na 'ayos lang ang lahat'. Eh paano magiging ayos andito kayo. At ang kamay niya pa na hinahayaan ko sa likod ko. Fuck!
"Jin. Archie. This is Shay Chance and Z-Zywon." nakatayo na rin si Cheryll ako na lang ang nakaupo. Damn it Vana tumayo ka please lang. Wag mong damhin ang kamay niya sa likod ko. Lumunok at huminga muna ako bago tumayo. At humarap na din sakanila na nagpapakilanlan. Pero sa kasamaang palad ay katabi ko si Zywon , kitang kita ko kung paano niya surian ang dalawa sa harap ko.
"Nice meeting you mga pare." saad ni Jin at nakipag kamay sa tatlo napangiwi pa ito ng si Chance na ang kinamayan. Pero binalik lang nito ulit ang welcoming na itsura. Buti na lang talaga mabait itong mag pinsan na ito. Nakakahiya.
"Me too." simpleng saad ni Chance kay Jin na ramdam mo ang tensiyon. Tsk. Parang hindi naman. Di pa talaga sanay si Chance sa mga lalakeng lumalapit sa kapatid niya.
"Archie." napapikit ako ng may maramdaman na ihip sa tenga ko. "They hate the name Archie are they?" bulong niya sakin na nakatabi na din pala saakin ngayon. Pagtingin ko sa tatlo ay masama na ang tingin ni Zywon kay Archie. Sa mga oras na ito nagugulantang na talaga ako. At sa di malamang dahilan ay napayuko ako sa kaba. Fuck! Ano bang nangyayari sakanila.
"Nice to finally meet you." bakit pakiramdam ko banta ang sinabi ni Zywon kay Archie at nakipag kamay napangiwi pa si Archie. Habang ako ay nakatingin lang sa lalakeng malamig ang tingin sa mga berdeng masasayang mata.
BINABASA MO ANG
Luna Morais (REVISING)
ActionThis is my reaper story. I am a killer: a reaper in two world of norms and underground society. I didn't want this life that gave by my father a former reaper of the same clan I belong. But someone gave me reason to embrace being a reaper and protec...