Thank you sa napakagandang cover by CG/Three3Na. Noon, Jerrah, is living a simple life, nag-aaral ng mabuti at masunuring anak. Mahaba ang pasensiya niya sa mga nambubully sa kanya kahit na ilang beses na siyang ipinahiya ng mga ito. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang matanda at bigyan siya nito ng isang lumang libro. Libro ng mangkukulam. Parang isinumpa ang libro dahil kahit anong iwas niya dito ay parang may kung anong tumatawag sa kanya para gamitin ang libro. Sa huli ay napukaw na siya ng kuryosidad at binasa ang libro. Natutunan ni Jerrah ang pangkukulam at mula noon ay nagbago na ang lahat pati ang ugali niya, maging ang kanyang itsura ay malaki ang pinagbago. Nalaman ng taong bayan na isa siyang mangkukulam, kinuyog siya at muntik nang patayin. Ito ang dahilan para mapilitang lumipat siya at ang nanay niya sa maynila kung saan nagtatrabaho ang tatay niya. Doon niya makikilala si Luigi. Ang lalakeng mapang-asar at malakas ang trip sa buhay, happy go lucky at pakialamerong anak ng amo ng tatay niya. Noong una ay inis na inis siya rito pero dahil sa tinatagong kabaitan nito ay nahulog ang loob niya rito. Alam niyang imposibleng magkagusto ito sa kanya dahil sa itsura niya at isang paraan lang ang maaari niyang gawin para mapa-ibig ito. "Ginayuma mo ako?"