Nagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa pamamahay na iyon. At ang mas malupit pa nito ay hinaharas siya ng mga ito. Habang tumatagal ang pananatili niya doon ay unti-unti niyang nakikilala ang tatlong magkakapatid at ganoon din ang mga ito na unti-unting nahuhulog ang loob sa dalaga, pero patuloy pa ring pinapahirapan. Makakatagal ba si Yumi sa impyernong iyon o tatakasan niya ang mga mapanghusga, mapang-uyam, mapang-alipusta, at mapangahas na magkapatid?
69 parts