CHAPTER XXXVIII: Back to Philippines

417 46 2
                                    

ALEXANDER AMORY'S POV

Nakatingin lamang ako kay Prince at sa kanyang mama nang mag paalam na ito. Naluluha pa si Prince nung mag pa alam na siya'y aalis na.

"Maaari kang sumunod kapag naayos mo na ang papeles at sang ayon na si Papa." Seryoso kong sabi duon sa mama ni Prince.

Umalis na ako sa kanilang harap at lumabas na sa palasyo, duon sa labas ay naka handa na ang limousine.

Sumakay ako ruon at ilang minuto lamang ay sumunod na si Prince. Tahimik na umupo lamang ito sa upuan na iyon at nung umandar ang sasakyan ay nanatili lamang itong nakatitig sa labas sa bintana.

"Daanan mo muna yung ******" Ang sinabi ko rito sa Driver ay 'yung isa sa lugar na nasasakupan ko bilang Grand Duke rito sa Europe.

Agad lumiko ang sasakyan papunta sa lugar na iyon.

Makalipas ang 30 minutos ay tumigil ang sasakyan sa isang bahay. Household of Alexander's Amory ang nakalagay sa malawak at mataas na pader.

"Ipasok ang sasakyan, pag kalipas ng 25 minuto aalis na rin tayo at mag papatuloy sa airport." Utos ko. Agad kong binuksan ang pinto at bumaba sa sasakyan.

Pag kapasok ko ay ni isang maid ay walang bumungad, cook, gardener o ano pa man maliban sa butler ko.

"Master, I am glad to see you healthy."

"I wanna see the reports of what happened here for the past few months." Utos ko, tutungo na sana ako sa office dito nang may maalala ako.

"And prepare a scoop of Cookies and Cream, Ice cream then give it to my brother." Yumuko ang butler, bilang pag sunod.

"Masusunod po." Umalis na ako duon pag katapos ng dalawang minuto ay pumasok ang isa pang utusan na may dala-dalang maraming papel.

Pag kalapag sa aking harap ay naupo ako sa swivel chair at simuri ang bawat laman.

May mga pinirmahan ako at meron namang inipit sa gilid ng lamesa.

"Butler Jonas." Tawag ko. Agad may pumasok na tao at 'yun nga 'yung butler.

"This is the approved papers that I want you to immediately accomplish, and this" Tinuro ko ang nakaipit na papel sa gilid ng lamesa "Do throw that on the trashbin. They dare to ask about another money when I know that they corrupt enough yearly budget on the money I prepared for the civilians."

Nakakunot na ang aking nuo nung inutos ko iyon. Tumayo na ako at tutungo na ulit sa labas kung saan nanduon ang limousine. Natapos na ang 25 minuto kaya naman babalik na ako ruon.

"Master Alexander. I wish you all the best. Oh and I almost forget, this was given to you by an elderly civilian.

She was really thankful that you approved the paper recommendation and made a new law about free health consultations and free medicines for the kids and elderly people." May inabot na regalo ang butler ko. Naka paper bag ito, agad ko naman itong tinanggap.

Tumango na ako sa kanya.

"When my plane landed on the Philippines
Prepare an online meeting with my Dukes, Marquess and Earls. Summon those who are all under me." Utos kong muli. Sumakay na ako sa Limousine at napatingin ako sa aking kapatid na masaya nang kinakain 'yung ice cream nito.

Pag kauwi ko sa Pilipinas, mag kakaroon ako ng meeting pertaining about the gathering of the Peerage Heirarchy.

Tapos kailangan kong maayos 'yung chip ng Rage kong account para balik Pilipinas na ulit ako at patuloy ng mangyari at ipagmalaki ang Pilipinas sa iba't ibang Bansa.

Dalawang araw na lang at mangyayari na ang labanan.

Ang pinaka inaabangan ng lahat, ang [WORLD DEFENDING BATTLE]

Sisiguraduhin kong ako ang magwawagi.

Ako lamang at wala ng iba.

70 Kills - Glory of Gods

Kukunin ko ang pinaka malupit sa lahat. Ang pinaka nakakatakot na title ang Glory of Gods.

Sa 100 na iyon, mangyaring isa ako sa manlalarong sasabak at sa 99 na matitira. Mapapatay lamang sila sa aking mga kamay, ang 70 na iyon saktong pag tapak nila sa Maze ang buhay nila ay nakasangla na saakin.

Tumitig ako sa labas ng bintana at hinintay ang oras sa pag lalakbay patungong paliparan.

------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Sa isang press conference. May mga kalalakihan ang naka upo sa upuan tapat ng mahabang lamesa.

Ini-interview sila dahil sa isang event na susubaybayan ng mga taong manunuod. ('Yung mga hindi makakasali sa WORLD DEFENDING BATTLE)

"Isang mas magandang event ang mangyayari sa loob ng game. Pinaghandaan ito ng graphics teams at game managements teams. Napag planuhan din namin na isarado muna ang laro, kabilang dito ang bawat servers at manatiling nakatutok lamang sa paligsahan na mangyayari sa susunod na dalawang araw." Paliwanag nung isang lalaki, kung tutuusin ang nag salita ay ang spokesperson at 'yung bossing ay nakaupo lamang sa gilid at tahimik.

"Ano pong pag hahanda ang inyong ihahandog sa mga maglalaro? At sino pong manlalaro ang inyong inaabangan at gustong manalo?" Pag tatanong ng isang babaeng reporter.

"Ang paghahanda namin ay inyong masasaksihan sa mangyayaring labanan sa laro. Hindi kami maaaring mag spoil pero sisiguraduhin namin na ito ay sobrang ganda at kaabang abang.

Tungkol naman sa gustong manalo, siyempre bilang tao na gumagawa ng laro gusto lang namin ay maging masaya ang aming tagasubaybay at manlalaro kaya hindi kami maaaring mag bigay ng opinyon ukol diyan at kung tutuusin siguradong ang mananalo ay siya ang nagbigay ng pinakamaganda at pinaka pag hahanda sa paligsahan. Para manalo ay siyempre kailangan mo itong pag hirapan.

At siyempre sa inaabangan na manlalaro ay ang pinakamalakas na manlalaro sa bansang Pilipinas. Si Rage.

Sino ba naman kasing tao ang hindi gustong makita na siya ay gumalaw at humarap sa sobrang daming tao na manunuod ng paligsahan diba?" Tumawa ang lalaking spokesperson.

"May idadagdag pa po ba kayo sa laro? Sa paligsahan?" Tanong naman ng isang lalaking reporter.

Duon ay umabante ang pinaka Boss sa laro

"Reward. Nabanggit lang sa mail na kapag nakuha mo ang 70 kills at ang title na Glory of Gods ay mabibigyan ka rin ng isang Rare Skin. Napag isipan namin ng teams na dahil nga sa mahirap iyon ay ang ibibigay ng aming teams na reward para sa manlalarong makakagawa nun ay ang nag iisang skin na maaaring makatapat sa ganda at kasing sikat ng Heroic at Heroine Skin.

Hindi madaling makuha ang Skin na ito dahil hindi ito kagaya ng task na kailangan mong tumapos ng SSSSS na difficulty para makakuha ng Heroic o Heroine Skin. Ang skin na mabibigay sa reward na ito

Ay hindi nakukuha sa loob o labas ng laro, hindi rin ito nabibili sa pera at hindi rin ito basta basta madaling magaya." Pag kasabi nang Boss ay tumayo na ito at umalis sa press conference na iyon.

Ang mga nakapanuod nuon ay sobrang naaliw ngunit ng maisip nila na hindi sila kasama sa Top 100 sa World Ranking ay agad rin nawala ang saya ngunit naalala nila na si Rage ay mag lalaro at lalaban sa paligsahan na ito.

Makikita nila ang Idol nila in-action. Ang isang alamat na muling mabubuksan at masasaksihan ng lahat.

---------------------------------------------------------
Merry Christmas everyone. I wish you all the best! Be happy.

Love lots.
- Somniator_lux09
- Somniator Wp (FB)

---------------------------------------------------------
[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 38: BACK TO PHILIPPINES FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon