AVYANNA'S POV
Nanatili lamang ako ng isang oras dito sa Blacksmith Shop at nung naisipan kong mag babayad na lang ako ng isang malakas at sikat na Mercenary Group para maprotektahan si Sweet Viper.
Hindi dahil natatatakot akong humarap sa sobrang daming kalaban kundi dahil ang aking oras ay hindi sapat. Mamaya kikitain ko si Papa sa center ng Beginners Area o sa level 1 map dahil duon pag iisipan ang pag invest sa Top 1 Alliance sa Pilipinas.
Hindi naman talaga focus ng trabaho ni Papa ay sa investments ng VRMMORPG na games, nalaman lang niya na may koneksyon ang pinakamalakas na player na si Rage sa alliance na iyon.
Sobrang sikat na ni Rage na pati 'yung realidad o labas sa laro ay kilala na siya ng mga tao. Lahat ng business man ay nais na makatrabaho siya dahil ang dala-dala ni Rage ay hindi lamang kasikatan kundi pati kayamanan.
Sinong tao ang hindi mag nanais ng ganon diba?
Pag ka punta ko sa top 1 mercenary group ay hindi na ako pumila sa pinaka pilahan ng mga clients.
Ako ay isang VIP sa Mercenary Group na ito.
Umupo ako sa upuan na inihanda para sa VIP siyempre pinag titinginan pa rin ako. Duon kasi naupo yung pinaka founder ng Mercenary Group na ito.
"Ikaw ba 'yan Avyanna?" May nag salita sa likod ko. Pag kalingon ko ito yung Founder at the same time Tito ko.
"Ikaw nga. Anong ipinunta mo rito?" Tumayo ako at niyakap si Tito.
"Namiss kita Tito, nag punta ako dito dahil may ipapaprotektahan sana ako sa inyo. Isa siyang Blacksmith at Sweet Viper ang kanyang IGN." Tumango si Tito ngunit nag bago din ang emosyon.
"Diba yan yung hinuhunting ng top 1 alliance? Ay kahit pamangkin kita Alina hindi ko para gawin 'yan." umiling iling si Tito.
"Kailangan mong gawin 'to Tito kung ayaw mong ikaw ang malagot sa kanya." Para na akong maiiyak dito. Kapag mag damag kong po-protekta kay Sweet Viper mauubusan ako ng oras at baka di pa ako maka punta sa usapan namin nila Papa.
"Kaano ano mo ba kasi 'yang Sweet Viper? Isa siyang sikat na Blacksmith totoo 'yun pero sa pagkakatanda ko. Hindi mo naman kakilala yun dati." Nag tatakang sabi ni Tito.
"Master siya nang kaibigan ko. Nautos niya saakin na bantayin ang kanyang master habang wala ako ngunit kapalit non sasamahan niya ako mag pa level." Mababaliw na ako rito para lamang mapaliwanag sa Tito ko ang nangyayari.
"Sabihin mo sa kaibigan mo na siya ang mag bantay sa sarili niyang Master. Sino ba yang kaibigan mo? Siya ba si Rage na kayang mag pautos nang kung sino man? Tutulungan ka mag pa-level? Ayun samahan mo ang aking mga alagang mercenary duon kayo mag levelling.
Tsaka tigilan mo na yang pag babantay kay Sweet Viper malapit na kayong mag kita ng Papa mo. Pag uusapan ang pag invest ng Papa mo sa Top 1 Alliance." Ngumiti si Tito ng banggatin niya ang investment sa Top 1 alliance.
"Hays. Bahala na nga. Sige po pupuntahan ko na si Papa." Nag lakad akong patalikod na walang ka - energy ~ energy.
"Alina naiintindihan mo naman diba? Hindi mo lang alam na sinusugod na ang Hades Mercenary. Hindi ko rin naman sila matulungan. Ang mag tutulungan na lang ay ang mga mercenary sa mercenary dahil parehas lang naman kami ng trabaho. Siguro babawi na lang ako pag katapos ng kalamidad na papunta sa kanila." Yumuko si Tito at nag isip ng kung anong paraan para matulungan sila.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...