CHAPTER LII: Hidden Quest (2)

315 41 4
                                    

RAGE'S POV

Dahil meron pa ring MOBS na matatagpuan sa bridge ng Map Level 231 papuntang 232, kailangan ko pa itong linisin.

Nag simula ang aking pag lalakbay sa pag wipe out ng mapa pag katapos kong pakiramdaman ang paligid, dahil mataas na masyado ang aking Physical Attributes at Mental Attributes ang cooldown ng bawat isang atake ay mabilis kumpara sa normal na manlalaro. Pati ang cooldown nang nagamit kong Darkness Element ay masyado nang mabilis.

Kapag walang NPC sa mapa ginagamit ko ang 100% nang aking Darkness Element.

Ngunit kagaya nitong map level 235, may na s-sense ako sa aking Perception na may nalalagi ritong NPC. Na s-sense ko sila sa kanilang temperatura...

Habang nalaban papunta ruon sa lugar kung saan ko may na sense na mga NPC ay alam ko rin na ang mga MOBS ay nag kukumpulan.

Dahil nauubusan ako ng oras, pinasasabugan ko sila nang Dark Element kapag lumalapit sila sa'kin.

Hanggang sa makapunta ako ruon sa sirang gusali, mabuti na lang ang nga nanditong MOBS ay ang mga MOBS na walang intelligence kaya hindi na nag abalang humanap kung may buhay pa bang NPC.

Pag kalapit ko ruon sa nag iisang pintuan sa gusali, agad ko itong binuksan. Takot na ekspresyon ang namayani sa mga NPC...

Akala siguro nila nabuksan ng MOBS ang nag iisang harang nila sa gusali na ito... Nung makita nilang isang tao ang nag bukas saya ang namayani sa kanila.

Akala siguro nila isa akong NPC.

"Labas na po kayo." Dahil madilim ang kwarto na kanilang pinag tataguan ay rebulto ko lamang ang kanilang nakikita

Nung may isang tumayo sa kanila at sumilip sa labas ay umiling ito ng umiling, ang katawan ay nangingig. Tuhod ay nanghihina.

Ayaw nitong lumabas...

"Huwag po kayo mag alala, ililigtas ko po kayo. Ito po, may sugatan ba sa inyo?" Nag abot ako ng Spatial Ring at binilang sila upang ibigay din ang ganung bilang ng spatial ring.

Pagkakuha ng isang NPC ang spatial ring ay nagulat ito dahil walang inventory ang mga NPC, ang spatial ring ay mahalaga sa kanila ngunit itong anino lamang ay nag bigay sa kanila nang spatial ring na akala mo wala itong pake kung gaano ito kamahal o ka importante.

"S-salamat po." Ang mata nang NPC na iyon ay nanunubig na.

"Labas na po kayo, mas maganda po kasing lumapit kayo sa akin habang inuubos ko ang mga MOBS. Ililigtas ko po kayo." Agad sila nag sisunuran at lumabas nga ngunit pag tingin nila ay nanduon pa rin ang mga MOBS ngunit ang ipinag tataka nila bakit hindi na ito sumusugod sa kanila.

---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Bakas pa rin sa kanilang puso't isipan ang naging brutal na pag patay ng mga ito sa kapwa nilang NPC's.

Napatingin sila sa anino na kanina lamang ay tumulong sa kanila...

I-isa itong Player!

Mga player na may kakayahang talunin ang mga malalakas na Boss sa laro, mga player na may kakaibang potensyal. Kaya nilang lumakas sa panandaliang panahon... Isang alamat lamang ang mga player sa kanila ngunit ngayon ay nakakakita na sila ng manlalaro.

Isang lalaking manlalaro ang tumulong sa kanila.

Nung nakita ng mga MOBS na may NPC pala na nag tatago sa gusali na iyon, bigla silang nag laway at sumugod sa kanila.

Nakita ito ng mga NPC at napatakbo sila malapit duon sa manlalaro na iyon.

'Sabi niya ililigtas niya raw kami.' Sabi sa isip nung isang NPC kaya lumapit ito kay Rage.

Nanatili lamang si Rage na nakatingin sa kanila, hindi man lang nag abalang tingnan ang mga pasugod na sandamakmak na MOBS sa pwesto nila.

Ang mga NPC ay takot na takot at nginig na nginig na, inaabangan kung paano sila maliligtas nung manlalaro. Ngunit naisip nila na ang mga manlalaro rito ay hindi namamatay sa mundong ito, ngunit silang inosenteng NPC ay kapag namatay nang isang beses ay hindi sila mag-iispawn kagaya ng mga manlalaro.

Isa lamang ang kanilang buhay kaya tiningnan nila ang manlalarong si Rage, kinakabahan sila ngunit nakita nila ang matamis na ngiti ni Rage. Ang mga mata ni Rage na lila ay napakagandang tignan.

Mukhang nalimutan nila ang mga MOBS na papasugod sa kanila at napako ang kanilang mata sa lilang mata nitong kaharap nila.

Biglang nag form ang espada ni Rage sa kamay ng manlalaro, isang itim na espada ang sumakto sa palad ni Rage. Humarap ito sa mga MOBS na paparating at gamit ang espada ay humiwa ito at ilang MOBS ang nag babagsakan.

Ang mapa na ito ay bumaha ng mga dugo ng MOBS, ang bilang ng napatay niya ay dumarami pa nang dumarami, hindi alam kung kailan matatapos.

Hanggang sa mga NPC ay nanatili nalamang pinag mamasdan ang kalaligiran, ang halaman ay nabahiran ng matingkad na kulay pula ng dugo. Masansang na amoy, ngunit nasanay na lamang sila dahil naipit sila sa mapa na iyon na may palaging namamatay na MOBS.

Nung naubos na ang mga MOBS sa mapa ay napatingin na ulit sa kanila si Rage, nakangiti na ito kaya nginitian nila ito pabalik.

"Ako si Rage. Isang manlalaro." Sabi ni Rage sa kanila.

Agad silang nag pakilalahan. Sa bilang ng NPC ay mga sampu sila.

"Nasa inyo ang disisyon kung gusto niyo nang bumalik sa Level 230 na mapa, walang MOBS na matatagpuan kapag nakabalik na kayo ruon dahil galing ako ruon at kakalinis ko lang ng mapa." Paliwanag ni Rage.

Tumango ang iba at nag paalam nang pupunta duon dahil baka raw nanduon ang kanyang pamilya.

"Ikaw po ba? Saan ka po pupunta?" Tanong ng isang NPC kay Rage.

"Papunta akong mataas na mapa, ililigtas ko ang ilang Survivor sa ibang mapa." Sabi ni Rage.

Sa sampung nailigtas, walo ang bumalik sa level 230 map. Ang dalawa pa kasi ay galing sa mataas na mapa at nag babakasakali silang baka buhay pa ang kanilang pamilya sa taas ng mapa.

"Rage, sama kami sa iyo. Kailangan kong makita ang aking pamilya kahit katawan na lamang nila." sabi nang isang NPC.

"Hindi kami mang gugulo saiyo, lagi lang kami sa iyong likod." Tumango ang isang NPC, kaya no choice si Rage kundi isama ang mga NPC na ito.

Sa sampung NPC din na iyon, itong dalawa lamang ang nakakita nang totoong lakas ni Rage. Nakita nila itong gumamit ng espada para makapatay ngunit si Rage ay mas malakas pa pala kapag ginagamit nito 'yung darkness element.

Hindi na sila nag tanong kung ano iyon kahit sobrang curious sila. Kapag may nakikita rin silang NPC ay nag bibigay pa rin si Rage ng Spatial Ring na may laman na 9 na potions.

'Yung dalawang nanunuod sa labanan ni Rage ay muling nadagdagan hanggang sa naging 25 na sila. Ngunit kahit marami sila ay walang nagiging pabigat sa kanila. Wala ring nasusugatan dahil sa walang nakakatakas na MOBS kay Rage.

Kahit sobrang layo ng nilalakbay nila gamit ang kanilang mga paa ay hindi sila napapagod, napansin din nila na may nilalabas si Rage na puting liwanag at nag sasanhi itong palakas sa kanila upang hindi sila mapagod.

Hanggang sa nakita nila ang mga ibang Survivors na kanilang gustong makita.

Ilang mapa ang ni isa ay walang natira, ni halaman ay hindi pinalagpas.

---------------------------------------------------------[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 52: HIDDEN QUESTS (2) FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon