RAGE'S POV
[Kinabukasan]
6:00 palang ng umaga ay nag simula na ang pag lalaro ko at nang dumating ang 9:30 ay duon ko na ulit nakita ang aking nakababatang kapated.
Siya si Prince Caspian Amory. Apat na taong gulang, nung nakita ko siya kahapon VIP 0 lamang ito ngunit ngayon ay isa na siyang Max VIP Player. Naunahan pa ako. HAHAHA
"Papa." Tumakbo ito saakin at yumakap.
"Prince hindi ako si Papa, ako ang kapated mo." Ngumiti ako at binuhat siya. Nag libot-libot kami sa paligid ng mapa ng Beginners Area dahil hindi pa pinapayagan ng laro na tumalon ng levels si Prince.
"Accept mo yung sinend kong invitation Prince." Nung maaccept na ay agad akong dumiretso sa Division Boss Level 10 at dali-dali itong pinatay habang buhat-buhat si Prince.
Halatang natutuwa pa si Prince nung umikot ako ay napasigaw siya sa tuwa.
"Masaya ba? Sa susunod mas magiging mala roller coaster ang mararanasan mo kapag Mini Boss pinatay natin, ay ako pala." Tiningnan ko ang level niya at sa wakas ay tumataas na rin naman ito ng paunti unti.
Tumagal kami ng tatlong oras at nag level 51 na si Prince.
"Tara kain muna tayo sa Somniator's Food and Beverages." Sinundan niya ako at nag tatakbo. Kapag kasi binubuhat ko nag papababa, napansin ko rin na ginagaya niya ang ginawa ko kanina lamang, ang istilo, galawan ko nung pinapatay namin ang mga kalaban.
Ngumiti ako sa aking nakita...
Mas maganda pa ang gagawin mo pag laki.
Habang nag lalakad ako ay nahuhuli ako ng unting distansya kay Prince, habang si Prince naman ay takbong takbo na akala mo nag hahabulan kami, may humarang kay Prince sa dinadaanan nito, dahil maliit ang kapated ko ay kailangan pa niyang tumingin sa taas upang makita kung sino iyon.
"Oyyy. Tingnan mo to oh. VIP 20? Ilan taon lang ba ito? Bata aalagaan kita ng maayos basta sumama ka saamin." Nakipag asaran pa ang lalaking kumakausap sa aking kapatid sa kanyang mga kasama.
Nag papadyak sa inis ang kapated ko dahil hinarangan ng mga kalalakihan ang dinadaanan niya. Natawa ako sa aking isipan, ang cute kasi ni Prince.
"Ano mag rereklamo ka? Anong laban ng isang batang katulad mo sa amin. Hindi mo nga kami maabot eh" Nag tawanan naman ang mga lalaking iyon nung binanggit yun nung lalaki.
Tinitigan ko ng may interes ang mangyayari, ano kayang gagawin ni Prince.
"Hmp. Hmp. WAHHHHH PAPAAAAAAA" Sumigaw si Prince at nag titingin tingin sa paligid. Nung nakita ako nito sa likuran niya malayo sa kanya ng unti ay nanakbo ito...
Kumislap ang mata nito at sigurado akong iiyak na naman ito. Ah. Ang ingay nitong batang 'to.
"Iiyak ka na naman?" Sinamaan ko ng tingin si Prince at halata namang pinipigilan nito ang pag iyak. Binuhat ko ito at lumapit sa mga kalalakihan na iyon.
"Anong laban ng batang ito? Ako ang backer niya, bakit? May problema ba tayo?" Walang emosyon kong tinitigan ang mga player na nag tangkang harangan ang kapatid ko.
"A-ay wala po Boss Rage. Sige po mauuna na po kami. Anak niyo po? Kaya pala kamukha niyo..." Hindi ko na itinama pa ang sinabi nitong anak ko si Prince.
Kung ako ba naman ang tatay may mag rereklamo pa ba? Mayaman na gwapo pa. Malakas pa sa laro na ito. Haysss
---------------------------------------------------------
ALINA'S POVHabang nag hahanap ng bagong impormasyon sa laro ay may nakita ako sa VIP Rankings. Nag bago ito at hindi na si Rage o si Alexander.
Wow!!! HA! Ano ka ngayon Rage!!! Buti nga saiyo. Pag tingin ko sa pangalan ay Caspian ang pangalan. Parang pamilyar ah parang yung pangalan nung bata na niyakap ni Alexander sa game...
Hmm. P-pero VIP 20? Ako nga ay VIP 13 lang eh ang unfair. Gusto ko rin makaranas ng mataas na VIP. Huhuhu!
Tss. In-Open ko ang Legendary Monarch ko at unang bumungad saakin ang VIP 18 na acc ko. Ang mahal para mapa VIP 20 yung acc na ito. Wahhh Tapos si Alexander parehas na max sa VIP sa dalawang laro. Sana all. Hindi pa max yung sa *No name* niya pero sigurado akong i-ma maxed narin niya 'yun...
"Rage! Rage! Rage!"
Pahingi pang VIP.
Habang nag lelevel up ng aking Character sa Legendary Monarch ay nag send saakin ng Friend Request yung Top 10 sa CS Rankings.
Agad ko itong in-accept.
"Hi! Dear." Hindi pa nag dadalawang segundo may chat na agad yung taong iyon
"Ah! Hello." Dahil hindi naman ako pinalaking bastos ng magulang ko binati ko ito.
"Are you single dear? I'm single and ready to mingle." Halos matawa ako sa chat nito...
Baka I'm single and ready to Jumingle.
"Can you find something for me?" Balik tanong ko.
"What it is dear?" Tanong naman nito gumamit pa siya ng emoji na kung ano ano.
"Can you find my "Care" thanks" Napa roll eyes ako... Nag chat naman siya
"You funny dear. Pls send n*des" Agad kong in-unfriend ang player na iyon at bahala siya diyan bwisit. Hanap ko yung taong mag bibigay saakin ng VIP o ng kaginhawaan hindi yung taong mag papabigat pa yata.
"Bakit namumula ka diyan?" Nakarinig ako ng boses sa likod ko.
"Bwisit tabi nga riyan." Inis na sabi ko at umalis sa pwesto na malapit kay Alexander.
"Bakit ka badtrip?" Tumawa pa ito.
"Pahingi ako pang VIP." Nag pa cute pa ako sa kanya at potek hindi naman ako ganito. Yuck! EW!
"Hmm. Pag iisipan ko, pakihilot naman ng likod ko, kapag good mood ako sige pagbibigyan kita sa VIP. Saang laro ba?" Lumapit ako kay Alexander at inilapag ang makinis, maputi at magaan kong kamay sa balikat ni Alexander, nag simula itong mangarate duon. Joke lang nagsimula na ako sa aking paghihilot.
"Sa lahat ng game na meron ako. Muehehe" kinapalan ko na ang mukha ko at binanggit na ang mga iba ko pang laro.
"Hmm. Pakihanda na rin ako ng makakain." Agad ko naman siyang sinunod.
"Paki abot naman nung remote, manunuod ako ng TV." - Alexander/ Rage
"Patayin mo ang electric fan tapos kumuha ka ng pamaypay." Kahit naguguluhan ay ginawa ko pa rin ito "Paypayan mo ako ngayon din." Napataas kilay ko ngunit ginawa ko pa rin.
Alina para sa VIP. Nakita ko siyang ngumisi kaya ngumiti ako pero deep inside titirisin kita. Makuha ko lang gusto ko hindi kita papansin.
"Pakikuha ang Ice Cream. Cookies and Cream flavor." Ngumiti ako dahil ang balak ko ay makikikain rin ako.
"Isa lang ang Cookies and Cream sa refrigerator ko kaya kumuha ka ng dalawang kutsara." Tumango ako at nung nakuha ko na ay bumaba na ako at pumunta sa kung saan ko siya iniwan kanina.
"Ilapit mo dito ang Ice cream. Akina ang isang Kutsara." Utos niya, nakita ko itong ipinang dakot niya ang kutsara na ibinigay ko sa Ice cream. Habang nag kakakain siya ng ice cream ay nakatitig lang ako.
"Ehem!" AKO YAN. EHEM!! YAYAIN MO AKO!!! Caps lock para intense.
"Ay buti ipinaalala mo, akina yang kutsara. Para sa akin rin yan." - Alexander/ Rage.
-_-
[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 18: LIL BRO]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...