[EVENTS]
---------------------------------------------------------
RAGE'S POVPag kabukas ko ng *No Name* ay bumungad ang red and green na kulay ng kapaligiran para sa Christmas Events.
Sa larong ito, isa ito sa pinaka aabangan ng mga manlalaro, ang Christmas Events. Para itong Tree Skill na Event at babase ka rin sa luck na meron ka.
Ngunit hindi Skill Manual ang nakalagay sa puno kundi gifts na matatagpuan sa Level 0 Map. May malaking Christmas Tree rito at may regalo sa ilalim...
Kagaya ng Manuals pag pumikit ka tatawagin ka nito, ganun din ang Event na ito, kapag may tumawag sa iyo, iyon ang regalo mo.
Ang regalo sa iyo ay hindi Skills kundi kadalasan Costumes, Flairs, Red Packets at kapag mababa luck mo minsan wala.
Yes, Walang laman.
Ang makulit pa hindi luck nang player ang sinasabi ko ah. Hindi 'yung nasa stats, ewan ko at kung saan kinukuha ng System ang Luck pero ang sinasabing luck ay 'yung gusto ka ng System. System ang pipili ng iyong gift.
Minsan ang System ay may saltik at hindi ka nito minsan trip. Gusto ng mga Players ang Christmas Event dito sa game, ngunit ako ayaw ko.
Dahil ni minsan wala akong nakuhang matinong regalo sa Event na ito.
Sa anim na taon kong paglalaro ang nakuha kong regalo ay blankong laman.
Siguro sa isip ng System. "Ah, Si Rage Top 1 na 'yan nag sasawa na rin akong siya palagi ang rewardan."
"A-attend ka sa Christmas Event?" Tanong ni Avyanna sa akin.
"Mamaya?" Mamayang gabi gaganapin ang event. December 24 ng gabi at sasalabungin nito ang December 25. Philippines Time.
"Oo. Attend ka ah." Napatango na lamang ako. Umattend man ako o hindi wala namang mag babago eh. Wala akong makukuha.
Ngumiti si Avyanna at niyakap ako. Wala rin namang makakakita na nag yayakapan kami rito kasi nasa mataas na Level kami ng mapa.
Nag log out kaming parehas pag katapos tapusin ang kailangan tapusin sa laro.
Dumating ang gabi ng December 24, nakahanda na ang Level 0 Map. Kaya pag pasok ko ay sandamakmak na Players na naman ang nandidito.
Sa gitna nang mapa ang mga kilalang Top 100 players sa buong mundo ay nag karoon ng picture taking.
Nung mapansin na ako ay nandito na, nilapitan ako ng isa sa Top 100 at niyayang makipag picture. Tumango ako at nung makita ko si Avyanna tatabi dapat ako sa kanya nang pigilan niya ako..
"Duon ka sa gitna, sunod-sunod itong pwesto na 'to para sa Rankings. Wala ka namang account na mahina eh." Pinigilan ako ni Avyanna lumapit sa kanya... Ngumiti ako at nag salita...
"I have a weak account. A trial account." Ngumisi ako.
Nagulat naman si Avyanna.
"Nag t-trial account ka pa? Hindi ako makapaniwala." Maliban sa trial account ito at hindi permanenteng account, ang trial account kasi ay kadalasang ginagamit para sa players na walang alam sa game.
Kung tanda niyo pa may chapter na nasira ang aking Headgear at dahil hindi ito updated napabili ako ng bagong headgear. Duon ako nag karoon ng Trial Account at duon ko nakita ang Master ko sa laro.
Sa gabing ito, nag karoon ng picture ang Top 100 sa [WORLD RANKING] nakasama ko na ulit si Avyanna.
Kumain kami at nag tititingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...