RAGE'S POV
Kumain lang ako saglit at naglaro na ulit. Matagal ko ring pinag-isipan kung may babaguhin ako sa istilo ng paglalaro ko. Para sumaya ang aking paglalaro ay kailangan ko ng aralin ang hindi ko naaral sa laro.
Ang professions:
Cooking
Weaponsmith
Alchemists
JewelCrafting
TailorAt sa limang professions sa laro ay tatlo lang aking gagawin Ang cooking, weaponsmith, at alchemists.
Cooking para iyong kakainin kong pagkain na galing sa niluto ko ay mas makapagpadagdag sa akin ng stats. Weaponsmith dahil nasira yung espada ko. Nalimutan kong sabihin sa inyo na isa akong Warrior sa laro. At alchemists dahil gusto kong magkaroon ng unlimited supply ng potions. Dahil diyan pupunta muna ako sa library dahil aaralin ko ang manuals sa professions na gusto ko.
***
Library
Nagpunta ako sa beginner's library ng laro, at para lang malaman niyo, sobrang higpit ng mga nagbabantay dito. Ang mga guardians (NPC) ng bawat building sa laro ay nasa level 200 at matatalino, kaya kapag ikaw ay baguhan at hindi ka pinapapasok, huwag kang magmatigas ang ulo.
Sa library na ito ay may hanggang apat na palapag at palaging ang nasa pinakamataas na palapag ang pinakasagradong lugar dito. Didiretso na sana ako ng biglang may humarang sa akin.
"Hello player. What floor are you going in?" Tanong ng isang Level 200 na NPC.
"Floor 4." Hindi malakas, hindi mahina ang pagkakasabi ko non pero narinig ng mga ibang players ang sinabi ko.
"Baliw yata itong bata na ito, 'yun pa ang piniling pasukan. Ako nga, level 70 na, hindi pa rin pinapapasok dahil kulang ang fame ko." Sa pagkakatanda ko, kailangan mong maging Viscount para makapunta sa mataas na floor ng library, pero hindi lang iyon—kapag mas mataas ang level ng mapa mo, mas maganda ang mga nakikita mo. Sa level 230 na mapa, napakaganda na, at ang library doon ay may hanggang 70 palapag.
Isa pang dahilan para tumaas ang title mo sa laro ay ang fame, at makukuha mo ito sa paggawa ng quests.
Itong level 70 player na ito ay nandito para mang-bully ng mahihinang players. (Ang malalakas na players mula sa high-level maps ay pwedeng bumalik sa beginner's area, pero ang mahihinang players mula sa low-level maps ay hindi pwedeng tumalon sa mas mataas na mapa maliban na lang kung may task doon.)
Bagong salta ang mga players na may 1000 gold agad, kaya madalas silang biktima ng mga ganitong bully.
Pero kung ako ang level 70 player na iyon, hindi ko gagawin 'yan. Mas pipiliin ko pang magpa-level up kesa mang-bully. Sa anim na taon ng experience ko, ilang bilyong gold na ang kailangan para maging singlakas ng normal na Level 100 player.
"Okay, but you need to know that our library's rules require you to be a Viscount before you can borrow something from us." Nakangiting sabi ng NPC na ito.
"Ok! No problem." Sagot ko habang inabot ko ang aking wrist kung saan nakalagay ang aking information. Ang mga katulad niya lang na NPC ang makakakita ng data ko.
"Your Majesty, you may enter." Magalang niyang sabi at umalis sa pagkakaharang sa akin. Tumango pa siya para payagan akong pumasok.
Tumingin muna ako saglit sa level 70 player na iyon at nakita ko siyang nakanganga. Napangiti na lang ako at napailing-iling.
"Thank you." Tumango ako sa kanya at umakyat na ako ng tuloy-tuloy.
Naging tuloy-tuloy naman ang pagbabasa ko ng manuals. Mula sa Basic Cooking hanggang sa pinaka-advanced na libro na meron sila dito. Nabasa ko rin na ang malalakas na wild animals na maaari kong patayin ay pwede kong kunin ang meat at lutuin ito, at makukuha ko ang stats nito bago ko sila mapatay.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...