RAGE'S POV
After that long wait of an update ay na tapos na rin ito at maaari nang bumalik sa pag lalaro.
Pumikit ako at...
"[Link Start]"
Pag mulat ng aking mata ay balik na naman ako sa pamilyar na lugar. Ako'y nasa level 100 map pa rin at ako'y babalik sa level 1 map dahil may kailangan ako sa Forest of Spice...
Isang task na tatapusin ko na.
SECRET QUEST OF THE BLUE DEITY
FIND THE LAKE OF THE WATER DEITY AND USE THE HEALING WATER TO BLESSED YOUR ARMOR AND YOUR WEAPON
REWARD
• 1 Trillion Gold
• 20% Of winning rate when fighting the big boss.Nang mag travel ang avatar ko papuntang level 1 sa tulong ng teleportation stone ay duon ko lang napansin ang bagong update
VIP - [HIDE] OR [SHOW]
Agad kong pinindot ang [HIDE] dahil sigurado akong lagi akong titingnan ng mga level 1 players sa level 1 Map.
@LEVEL 1 MAP
RAGE IS ONLINE, FIGHT FOR YOUR OWN GLORY AND FOR POWER
"Hmm mas magandang itago ko na lang ang VIP dahil para saan pa at ipapakita ko ito?" Wala na akong inaksayang oras at nag tungo na ako sa forest of spices at tinunton duon ang natagpuan ko dati. (CHAP 4)
[The Lake of the Water Deity]
Agad kong nilublob duon ang aking espada. Hinayaan ko lang ito lumubog sa tubig.
Habang hinihintay ang ilang oras ay may narinig akong kaluskos sa gilid ng damuhan...
Napatingin ako at napasulyap duon
May isang payat na lalaki ang papatakbo sa kinakatayuan ko...
May madumi itong damit at pantalon. May hawak rin itong sirang bag.
"Tulong. Tulungan mo ako." Sobrang bilis niya tumakbo at nasa tabi ko na agad ang lalaki.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Pag katapos kong maitanong yun ay nakarinig na naman ako ng kaluskos sa gilid ng damuhan malayo sa akin ng kaunti, ayon sa aking nadinig, mas marami sila at parang na takbo pa.
Napakunot ang aking nuo. Ano na naman 'to?
"Tulungan mo ako, andyan na sila." Hinawakan nito ang aking laylayang damit. Nalimutan kong sabihin sa inyo na ang suot-suot kong damit ngayon ay yung nag iisang walang kapartner na Heroic Skin at dahil rare ito ay hindi ito ganong makikilala ng ibang player.
Keso na magalit ang mabait na Rage ay isina-walang bahala ko ang nangyari ngayon, ngayon lang...
"Ano ba iyon? Kumalma ka." Sabi ko rito at dinukot na ang aking espada sa tubig. Iginalaw galaw ko pa ang aking kamay at hinanap ang espada sa pinag lubugan nito ngunit wala.
"Papatayin ako ng mga yan, nagkaroon kasi ng problema ang Alliance ko at ang alliance nila, hina-hunting nila kami." Paliwanag nitong isa.
"Hina hunting pala kayo eh. Bakit ka nasa labas?" Tanong ko rito at nag hahanap pa rin sa aking espada. Lumipat na ako ng pwesto dahil wala naman duon ang espada ko.
Tinangay ba ng tubig espada ko?
"Kailangan ko kasing mag pa level at manguha ng herbs sa Forest of spices 'tas nag kataon na natagpuan kita rito. Pasensya na, madadamay pa yata kita, Malapit na sila." Dumami pa nga ang yapak ng sapatos na maririnig sa paligid.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...