CHAPTER LXVIII: Catastrophe (1)

371 28 4
                                    

RAGE'S POV

Nung nakapag pahinga na ako ng tatlumpong minuto ay tumayo na ako at nag punta na ruon sa tulay. Pagka tawid ko ay bumungad saakin ang Level 231 Map.

May Kingdom na sobrang lapit duon sa Bridge. Napasulyap ako sa paligid sobrang daming NPC ngunit bakas ang kaba at takot sa kanilang mukha.

'Yung iba ay nag lalakad lamang ngunit para silang kinagat ng isang delikadong hayop na matatagpuan din siguro sa mapa.

First time ko rito sa mapa na ito tapos ito ang bubungad.

Nakita ako ng ibang NPC at gulat ang bumungad sa kanilang mata.

Meron pang ibang nanakbo palapit sa akin, nakangiti sila sa akin habang pinag mamasdan nila.

"Wow! Ito pala itsura ng isang Player."
"Ito na ba 'yun? Maliligtas na ba tayo? Diba 'yun ang ginagawa ng mga Players, tinatalo nila ang masasama."
"Hindi naman lahat ng Players ay mababait, 'wag kang makampante. Sa tingin mo ba hindi ka mawawalan ng braso kung hindi mo binuhat 'yung rabbit na 'yun."

Napatingin ako ruon sa nag salita at sa kausap nitong NPC, 'yung braso nga ng NPC na 'yun ay putol.

Rabbit?

"Esteem Player, napatay mo na agad ang Phoenix? 'Yung Mini Boss na nag babantay sa Level 230?" Tumango ako.

"Wow. Ang lakas mo ah! Ibig sabihin ba nun sobrang lakas mo?" Ngumiti ako, ayan na naman tayo sa tanong na yan! Alam kong malakas ako pero ang awkward kayang sumagot sa iba sa ganyang klaseng tanong.

"Ah, opo malakas po ako." Ako 'yan.

"Ano po bang nangyari rito?" Tanong ko, kahit saan yata ako napatingin mas marami pa rin ang NPC's na may sugat sa katawan at duguan.

"Ang totoo kasi niyan, Sa high level Maps ay may mga NPC rin ngunit nag karoon ng problema dahil may isang sobrang lakas na kalaban, pinapatay nito ang mga NPC habang 'yung mga Wild Mobs naman ay natatakot duon sa pinaka pasimuno nun." Paliwanag ng isang NPC.

Sumunod naman sa pag papaliwang 'yung hindi ko kilalang isang NPC.

"Alam mo naman 'yung salitang the powerful rules them all sa Mobs diba? Kung tutuusin malakas ang mga Boss sa mga respected maps ngunit ang trabaho lang nila ay bantayan ang mga Level ng Mapa nila at pigilan ang players na makatawid. Ngunit itong pasimuno ay kakaiba sinasabing nang galing daw ito sa Level 250 at bumaba sa mababang level ng mapa.

Walang naninirahan sa Level 250 dahil na rin sa lahat ng mapa, ito ang sinasabing sagradong mapa. Bawal ang NPC na makapunta ruon maliban sa Players, dahil players lamang ang maaaring i-challenge kung ano mang meron duon." Ngumiti pa ang NPC na ito na ultimong isang treasure ang Level 250 Map.

Napatango tango ako.

"Anong nangyari sa mga NPC na iyan?" Tanong ko ruon sa mga sugatan

"Sila ang naka ligtas, galing din ang iba sa kanila sa mataas na level ng mapa." Sinabi nang Lalaking NPC, siya yung naputulan ng braso.

"Ikaw ano nangyari diyan?" Tanong ko ulit. Sa itsura ng putol ng kamay niya parang bago lamang ito.

"Binuhat ko kasi yung alaga kong Rabbit, nagulat na lang ako ng nag wala ito eh hindi naman 'yun ganon sa akin dati. Sinasabi rin kasi na 'yung nag papasimuno raw, ang dahilan ng pagwawala ng mga MOBS. Napansin ko na lang na wala na akong maramdaman sa aking kaliwang braso.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon