SIDE STORY (4)

301 30 1
                                    

SIDE STORY - Q AND A.
---------------------------------------------------------
YAM'S POV

"Hi! Welcome to my Stream. It's Yam your nambeh 1 sweet potato." Sobrang laking number ang makikita sa viewers ng aking stream at ito ang bubungad sa pangalawang beses kong pag stream.

"Ito na ang pinakahinihintay ninyong Q and A with Rage. Sino pa bang hindi nakakakilala kay Rage? Kung nag lalaro ka sa Pilipinas Server, ang IGN na Rage ay kilalang kilala sa buong bansa. If your playing in the Continent Asia then I know you are familliar with the IGN of Rage. And if you always look at the WORLD RANKING of the whole world you may know the mighty and powerful Rage." Sandamakmak na comment ang bumungad sa stream ko.

Sa sobrang bilis din hindi na mabasa ang mga comment.

"Yah. Yah. I know ang mga pwet niyo ay kilig na kilig na sa mga katanungang sinimot sarap ko sa internet. Kaya sisimulan na natin." Tumawa ako at kinalabit ang katabi kong busy uminom nang tsaa.

"Rage my Friend.
Q and A tayo para naman sumaya ka pag katapos mong talunin ang Big Boss pag katapos ng isa't kalahating linggo." Tumingin muna sa akin si Rage at mamaya ay tumango-tango.

"Ang pinakaunang tanong ay ang pinakasikat na tanong.

May girlfriend ka na raw?" Tanong ko. I mean tanong 'yan ng buong mundo

"Wala akong girlfriend." Ngumisi si Rage. Isang comment ang bumulagta sa comment.

May nag donate na viewer at 10,000 stars ito.

"Oh. Salamat kay Alina sa 10,000 stars. Grabe ang laki naman nito ay may mensahe siya... Hoy! RAGE ANONG SINASABI MO RIYAN NA WALA KANG GIRLFRIEND!" Napatingin ako kay Rage nang masabi ko 'yun.

"Kilala mo, Rage?" Tanong ko naman pabalik.

"Wala naman talaga akong girlfriend ah, asawa lang." Ang ngisi ni Rage ay mas yumabang pa.

"Pero ang balitang ito ang mag papa heart broken sa mga fans mong babae, Rage." Sabi ko sa kanya. Kawawa naman sila.

"Pero akalain mo nga naman 'yun kasal ka na? Ayy nice. Gawin mo akong ninong, wala akong pera pambigay sa inaanak ko ngunit dahil mayaman na kayo hindi na nun kailangan ng anak mo. Kailangan lamang niya ng masayahin, gwapo at isang numbeh wan sweet potato sa buhay niya." Ngumiti ako at nag papalakpak sa sinabi.

"Kukuhanin kitang ninong ng anak ko. Sigurado naman akong sobrang sikat mo nang streamer, dapat yung anak ko may isang milyon na galing sa iyo kada linggo." Ngumisi si Rage.

Grabe ka Rage, mayaman ka na gusto mo pa ganyanin ko anak mo. Wahhhh.

"Okay next question!" Sabi ko.

Hinalungkat ko ang mga nahanda kong katanungan at ibinola ito. At pag kabunot....

"Sa iyong limang demonyo, sino ang pinakagusto mo?" Tanong ko.

"Hmm. Diba dapat wala? Lahat sila sabay-sabay kong nakuha nung gabi na iyon. Lahat din sila nag babakasaling magampanan at matulungan ako sa aking mga balak gawin. Lahat sila ay gusto ko." Tumango tango pa si Rage sa kanyang sagot.

"Naks Master Rage! Good Master, Great Master naman pala eh. Spank me, Master." Tumawa ako sa biro ko kay Rage, naka tanggap lamang ako ng sama ng tingin.

"Next question.

Ito ay tanong galing sa isang Fan mo Rage. Tinatanong nito bakit daw may kakayahan ka pang pumatay ng Mababang bilang ng Boss? Eh kung tutuusin ikaw dapat ay tapos na?" Tanda niyo pa ba 'yun? 'Yung paalala ni Author na ang mga Players na galing sa taas pwede na lamang bumisita sa mababang level ng mapa.

Hindi na sila gagalawin ng Boss kahit pa atakehin nila ito. Kung tutuusin para nang undefeated ang boss kapag ganon wala ng hp. Ang napatay mong Boss ay para nalamang sa mga players na hindi pa nakakapatay.

"Hmm. Nung nasa Level 230 Map ako pag katapos kong mapatay ang Mini Boss na Phoenix, may isang reward para sa na max na ang Level. Isang potion na kakulay ang bughaw, walang detalye kundi question mark. Nang mainom ko, binigyan nito ako ng pagbabago sa pag lalaro.

Nagawa kong kumuha ng Professions na hindi ko nagawa dati, nagawa kong magkaroon ng kaibigan na dati ay wala ako, nagawa kong makilala muli ang babaeng gusto ko, nag karoon din ako ng Heroic/Heroine Skins and Flairs kada patay ko ng mga Boss. Sa madaling salita bumalik ako sa Level 1. Naiwan lamang ang stats, equipment, skills, at battle power ko." Bilib na bilib ako sa aking nalaman at sigurado akong ganon din ang mga nanuod ng stream ko.

"Grabe naman po iyan Master Rage. Pero ang bumalik sa Level 1 map ay nakakakilabot. Paano kapag nakahanap ako ng potion din na ganyan baka pagbalik ko pati stats, equipments, skills at battle power ko burado. Diba 'yung delete account na potion bughaw rin ang kulay. Ang tibay mo naman uminom Master Rage." Tumawa ako.

"Last na katanungan Master Rage.

Ano ang masasabi mo sa mga manlalarong sumusunod sa yapak mo?" Tanong ko. Ito ang pinaka gusto kong tanong sa lahat.

"Feel the greatness of oneself, the power of enjoyment a game can bring you. An euphoria just by playing. This is not about being yourself and reflecting in yourself but it is to found yourself.

I played several games before this *NO NAME* I got bored, bad trip, I got annoyed and hate them too. I just want to find a game that really suits me. A kind of game that calls me. A game just like this one.

There are many games in the whole world, a pay to win game, a free to play game, but in the end your just finding yourself. Your preference. Your happiness. I won't recommend you guys to follow my foot steps but if its your dream go ahead and follow me.

I just want to remind you that you have your own life to control and to enjoy. You have this wonderful and amazing future that is still asleep in your own shadows. Don't let it sleep for a long time." I see. Kaya pala malakas talaga si Master Rage may tinatago siyang mindset na ganito.

"Master Rage. Last na pakilala mo sa aking mga Viewers. Gusto nila na saiyo mismo mang galing ang introduction at ending." Tumango si Rage. Tumindig at humarap mismo sa live stream ko.

"This is Rage, Top 1 in [Philippines Rank], Top 1 in [Continent Rank], Top 1 in the [World Rankings]. This is a VIRTUAL REALITY GAME and I'm the Overpowered Character." At duon natapos ang live stream ko.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon