CHAPTER XXXVII: That Lost Feeling

456 45 15
                                    

ALEXANDER'S POV

Ilang araw na ang lumipas at nabobored na ako dito. Hindi rin ako makapag laro ng VR na iyon dahil na rin sa visiting lang ako rito sa Europe Continent. Limang Boss lang ang pwede kong mapatay sa isang araw at dahil malakas ako sa laro ay isang hit lamang sila.

Naisipan kong puntahan ang aking kapatid sa kwarto nito, duon ay nadatnan ko ang aking kapatid na nanunuod ng superhero na palabas.

Hindi na ako para manuod ng mga ganitong palabas siguro dahil na rin sa malaki na ako, don't get me wrong busy lang talaga kaya hindi na para manuod ng cartoons.

Kasama ko ang aking nakakabatang kapatid na manuod ng cartoons

Sa kwento si Somniator ay isang sobrang lakas na superhero, wala rin itong gender so hindi ko masabi kung babae o lalaki ba ang hero na ito.

Isa lamang ang alam sa kanya, sobrang lakas niyang superhero. Habang nanunuod ay naikwento ng aking kapatid na huling series at episode na ito ng palabas.

Si Somniator ay tatalunin na ang Villain sa palabas at nag kataon na ang mapapanood ko ay ito na yung oras na iyon. Ililigtas ni Somniator ang mga na hostage ng kalaban at tatalunin niya ang kalaban 'tas end of story! Save!

Siyempre dahil siya ang bida siya'y suguradong mag wawagi. Malakas ang kanyang kalaban at nag laban sila ng 100x, walang kapagurang pag atake.

Pagalingan, paangatan, palakasan.

Nanalo si Somniator sa kanyang kalaban at duon na rin matatapos ang palabas, duon ay masaya si Somniator na napatay ang kanyang kalaban.

Ngunit pumasok sa aking isipan na, "Ha? 'Yun na lang 'yun?"

So kapag sobrang lakas mo ganon na lang sa huli, masaya ka kasi na patay mo na yung kontrabida?

End of story!

Sa isip kasi ng iba basta malakas madali nalang mapatay 'yung kalaban, para kang nag isip ng kwento na alam na agad ng mambabasa ang dulo.

Pero para sa akin, paano naman 'yung Rage kong account? Oo, sobrang lakas non. Pero kapag napatay ko na 'yung End Boss o Big Boss sa laro 'yun na lang ba iyon?

Kagaya sa Legendary Monarch? Hindi nga man lang ako sumaya na napatay ko na 'yung End Boss duon, bakit? Kasi 'yun na lang 'yun. Naisip ba nila na dahil tapos na at napatay na ang pinakahuling kalaban 'yun na 'yon. Wala nang kasunod. Ang mga players nila ay magiging satisfied na?

Kapayapaan na ang mag wawagi!!
And everyone live happily ever after.

Potek 'yan kung ganon, isipin nating mabuti...

Nung time na nag sisimula pa lang tayo sa ating ginagawa, ilang pag subok ang dumaan, mga nangyari, ang nag patigil, nag patagal sa ating ginagawa, mga bagay na nag pawalan ng pag asa sa atin at bagay na nag patuloy saatin at nung natapos na, siyempre masaya ka sa una pero diba pag katapos ng ilang araw mawawala na ang saya, babalik ka sa umpisa.

Ang mag hanap ng katulad na pakiramdam na una mo ring naranasan, mag hihirap ka na naman, mag t-tiyaga, mag titiis, at ma-s-satisfied nang panandalian at babalik na naman sa mag hahanap ulit ng bagay na mag p-pump ng dugo't utak mo. Walang katapusang loop upang sumaya ulit.

Parang ganun ang aking Rage na account, ang Enrage at ang iba pang account na aking pinag hihirapan at pag hihirapan.

Sa taon na aking ginugol, oras na nasayang, pera na nagamit, pawis at gutom na hindi inabala at pinansin, pagod sa dami ng ginagawa, sa bandang huli itatapon lang natin ito, kakalimutan para lamang sa isang araw na panalo?

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon