[WORLD NOTICE]
[Rage accepts a quest affecting every player's EXP. ×3 EXP will be obtained in every BOSS, MOBS killed this special effect will be valid for 24 Hrs.] ~ Chapter 50: Catastrophe (3)
[Hidden Quest Complete]
[Congratulations Player Rage. You finished the task with a time of 46 hours. Triple exp will not be available anymore.] ~ Chapter 55: The Source
---------------------------------------------------------
Explanation: This Side Story - Chapter consists of two different stories and it is written in 3RD PERSON'S POV
• First one is about Rage quest of 24 hrs killing the MOBS in Map Level 230.
• The second one is about Rage Hidden Quest which he takes a 46 hrs (almost 2 day) fighting the MOBS from Level 231 to 249.---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POVMay isang grupo na may members na anim at sila ay busy mag pa level up.
"Hala tignan niyo si Rage nasa Map Level 230 na at siya'y Max Level Player na, ang galing. Isipin niyo paano niya tiniis 'yung pag papa level eh ang hirap hirap. Level 53 pa nga lang ako feeling ko nakailang taon na ako sa ginagawa kong ito." Napaupo sa sahig 'yung manlalaro na nag sabi non.
"Anim na taon na rin naglalaro si Rage, tayo mga bago lamang. May nakausap akong player na Level 100+ na, ang pagpapalevel pa raw ay kailangan mong triplehin ang effort pag nanduon ka na. Isipin mo na lang kapag 200+ ka na, baka para matapos na rin 'yang buhay natin." Pag kasagot non ay napaupo na rin siya sa pagod.
"Huy. 'Wag kayo maupo. Alam kong pagod na kayo pero 'yung dungeon na ito may isa pang palapag at kailangan nating matapos ito." Sabi nung pinakaleader sa kanila.
"Xia pagod ka na ba? Tiisin nalang natin pag labas natin dito tataas 'din level natin." Ngumiti ang lalaking player duon sa nag iisang babae sa grupo nila na si Xia.
"Kaya ko pa. Tara tapusin na natin." Nauna na ang babaeng si Xia sa pag lalakad duon sa malaking dungeon.
Habang ang lahat ay busy makipag laban nakatanggap silang lahat ng isang [WORLD NOTIF]
Kung tutuusin dapat kapag nasa isa kang battle siguarduhin mong walang bagay na makakapag distract sa iyo, isang malakas ang nag pa-distract sa kanilang lahat at nakatanggap sila ng mga sugat sa kanilang katawan.
Ang notif ay isang ×3 EXP, nasa dungeon silang puno ng mga MOBS. Nang matanggap nila ay sobrang tuwang-tuwa sila dahil makakatanggap ito ng panibangong pampadali sa pag papalevel nila.
Worth it ang pagod nila kapag ganun. Paulit-ulit nilang binalikan ang dungeon at bineat ang record din kada laban.
24 hrs silang may boost sa EXP kaya naisapan nang mag t-tropa na tuloy tuloy ang pagpapalevel para maabot ang level na gusto nila.
"Ah! Ang taas na nang level ko. Galing sa Level 53, level 70 na agad ang level ko." Tuwang tuwang binanggit iyon ng isa sa ka grupo nila. Natuwa naman ang mag ttropa sa nakuha nilang level.
Sa kabilang banda ang nasa mataas na Level na, na player ay malulungkot. Dahil kahit pa magkaroon sila ng boost sa EXP kapag malakas na ang kalaban mahirap na ang pag patay dito. Kahit pa pumatay sila ng mahihinang kalaban ang EXP Bar nila ay masyadong malaki mahirap ito mapuno.
May nag propose nang ideya na mag sama-sama ang mga malalakas at bumuo ng Alliance kung saan sama-sama sila at nag tutulungan upang makapatay ng Boss sa laro.
'Yung ibang hindi online sa oras na 'yun ay nalaman lamang ang balita nung hapon na, nag dagsaan ang players nung gabi na.
Sa sobrang daming players na nag papalevel up, nag aagawan na nang dungeon... Walang magawa ang mga mahihina kundi ang mag hunt ng Wild Mobs dahil hindi naman nila kayang magkaroon ng Alliance at Group at teams sa kadahilanang sila'y mahina. Walang tatanggap sa kanila.
Si Avyanna ang nag chat sa [COUNTRY CHAT] na isali raw ang disciple ni Rage at ng kanyang disipulo. Nag kagulo ang mga mahihinang player at nag alok ng kaya nilang mabigay sa dalawa.
Ngunit sa isang VIP 9 na disciple ni Rage ano pa ba ang hindi niya nakikita at sa disciple ng No. 1 beauty na sinasabing bini-baby daw ni Avyanna ang disciple niya meron pa ba itong gusto?
Kaya ang naging konklusyon sa mahihinang players ang may pinakamaraming grupo na kumakalaban ng kalaban.
Bilib na bilib ang mga new players sa physically na pakikipaglaban ni Calum o disciple ni Rage. Sinisipa, sinusuntok, sinasapak at kung ano ano pa ang kanyang kalaban.
Pagkatapos ng training ni Rage ay kaya nang mang 1 hit ni Calum. Umaangas na si Calum at sumusunod sa yapak ni Rage.
Habang ang disciple ni Rage ay bawat atake, depensa ay para daw itong paganda ng paganda. Sabi sa labanan 'wag kang madidistract ngunit 'yung mahihinang players ay napapatitig sa disipulo ni Avyanna.
11:59 na nang gabi ngunit marami pa ring players na patuloy na nag papalevel up. Hinahabol ang isang minuto kaya nung saktong 12 na ay yung ibang players na late na kadating ay malungkot lungkot.
Ang EXP boost ay nasasayangan sila.
'Yung ibang players hindi nakatulog dahil sa EXP ngunit 'yung ibang players ay nakatulog dahil late sila.
Isang notif na naman ang dumating.
Naglaroon na naman nang EXP Boost saktong pag katapos nang naunang EXP Boost.
Mahihimatay na ang ilang Players sa notif na 'yun. Nag makahirap pa sila meron pa palang kasunod.
Yung ibang late ay tuwang tuwa at ipinag patuloy ang pag papalevel. Umunti kahit papaano ang ibang players dahil sila'y kailangan nang matulog.
Pagod na pagod ang iba nung nag umaga na ngunit ang EXP Boost ay hindi parin natatapos.
Lumipas ang isang araw ang EXP Boost ay nanduon pa rin. Panibagong araw para sa mga manlalarong mag papalevel.
'Yung ibang nagpapahinga ay tinitignan kung may nagbago ba sa [Map Level Rankings] at sa [Player's Ranking]
Si Rage parin ang nangunguna sa [Player's Ranking] naawa nga ang iba dahil quest ni Rage ito at may reward na Triple EXP sa mga players ngunit dahil siya'y max level player na wala na itong kwenta para sakanya. Habang sa [Map Level Rankings] may isang pagbabago silang nakita si Rage ay nakaabot na sa Level 240 na akala mo daling dali si Rage.
Halos matanggal na ang eyeball nila sa mata nang makita iyon.
Ganon ba talaga pag makakas ka? Para kang nag karoon ng cheat sa System at 'yung cheat na iyon naging expert ka.
Isang malaking 'Sana all' ang nasa isip ng mga Players.
Hindi na nag palevel ang iba sa kanila at tiningnan nalang ang pag angat ni Rage nang mapa. Mas maganda pa raw tingnan iyon, kapag daw nakikita nila ang pag angat nun para na rin daw silang kasama.
Natapos ang 46 hrs. Natapos na rin ang EXP Boost. Nag log out na ang ibang players at nag share sa *No Name* forum ng dati nilang level VS sa ngayon nilang level.
Ang dating hindi mabago bagong [Map level Ranking] ay ngayon ay nagkaroon ng malaking pag babago.
Si Rage pa rin naman ang una ngunit ang nasa pangalawang Rank ay si Avyanna. Siya'y nasa Level 230 Map. Habang si Rage ay nasa Level 249 Map.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...