EUPHORIA - is the experience (or affect) of pleasure or excitement and intense feelings of well-being and happiness. Certain natural rewards and social activities, such as aerobic exercise, laughter, listening to or making music, and dancing, can induce a state of euphoria. - Wikipedia.
SECRET QUEST OF THE BLUE DEITY
FIND THE LAKE OF THE WATER DEITY AND USE THE HEALING WATER TO BLESSED YOUR ARMOR AND YOUR WEAPON
REWARD
• 1 Trillion Gold
• 20% Of winning rate when fighting the big boss.
---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POVSa gintong tulay ay may isang manlalaro ang nag lalakad papunta sa gitna ng Map level 250.
Sa salamin na nag rereflect ng kapaligiran, isang dambuhalang salamin na ultimong isang hari na nag babantay ng buong paligid. Sinusuri, tumititig at humuhusga.
Pag kalapit ni Rage na walang ekspresyon sa salamin ay nadatnan niya ang nakangiting lalaki sa salamin. Ito ay kamukha niya at nakangiti ng mala-demonyo.
"Rageee. Anim na taon kitang hinintay na maabot ang mapa na ito. Ngayon nandito ka na tuwang tuwa ako na makita ka." Tumawa ng malakas ang nasa loob ng salamin.
"The feeling is not mutual. Ikaw ba ang kalaban ko? Tara'y mag laban na para matapos na 'to." Sagot ni Rage. Walang pag babago sa kanyang emotion.
"Hahaha nag mamadali ka naman yatang patayin ang sarili mo, Rage. Ayaw mo ba munang malaman kung sino ang mas malakas sa ating dalawa?" Hindi mawala ang ngiti sa mata ng tao sa salamin.
"Dami mong satsat. Kung gagayahin mo ako siguraduhin mo namang pati gwapo kong mukha at ugali ko nagaya mo talaga." Nag labas ng itim na espada si Rage at itinutok ito sa salamin.
"Any last words?" Tanong ni Rage. Nang tumama ang dulo ng matulis na espada sa salamin ay unti-unti itong nag crack.
Ang maliit na crack ay mabilisang lumaki.
Pag katapos non ay agad na nawala ang malakas na supress ng aura sa kapaligiran. Nang gagaling ito sa salamin kung tutuusin.
Mukha lamang madali ang nangyari at para sa ibang manlalaro natapos na agad nila ang laro ngunit para kay Rage na marami nang experience sa pag lalaro ay mas dumoble pa ang pag iingat nito.
Lalo na at kaharap niya mismo ang sarili niya lamang, dahil sa reflection nga ay nagaya nito lahat na pati ang mimistulang maliit na impormasyon ay makikita.
Hindi siya maingay sa mata ng iba ngunit ang kanyang mata ay tila nangangausap na maraming balak sabihin.
"Ginaya mo talaga ako na pati ang pagiging malakas ko at hindi matalo talo ay nagawa mo." Ngumisi si Rage at pinakaramdaman ang presensya ni Rage.
Ang presensya na iyon ay lumapit sa likod niya, pumatong at inilapit ang bibig sa tenga ni Rage.
"Pinakawalan mo pa ako sa nag iisang harang ko sa laro. Hindi ko alam kung mag papasalamat ba ako o kakaawaan ka." Ginawa ang salamin na iyon para i-supress ang lakas ng magiging kalaban kapag nasa Map Level 250 na. Ngunit dahil binasag ni Rage ang salamin ang suppression ng aura nitong Rage na galing sa salamin ay mas lumakas, kumapal at naging mas madelikado pa.
Ang hininaan na aura galing sa Rage na nakatira sa salamin ay ngayon ay mas lumakas at kapantay na ang totoong Aura ni Rage.
Lumayo ang Rage na nasa salamin sa katawan ni Rage na manlalaro at tumingin sa paligid "Ito pala ang mahinang mundo na nag kulong sa akin."
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...