CHAPTER XLIII: That Girl

399 44 22
                                    

ALEXANDER'S POV

"Potek! Ang hina mo naman Alina HAHAHAHA. Hinayaan mong madurog ka nung Pain_n_Pleasure!" Inasar ko si Alina nung ilang beses kong inulit ang nakakatawang pag ka talo niya sa kalaban niya.

Naka ilang ulit na ako sa panunuod ng video na kuha sa system.

"Ang sama mo, siyempre malakas talaga 'yan, Top 2 kaya 'yan sa WORLD RANKING. Mas mataas yung HP niyan sa akin una palang." Namumula na si Alina sa galit saakin.

"Anong malakas, 'yan? HAHAHA~ Pwe! 'Wag ka mag yabang, ikaw si Rage siyempre Top 1 ka at mas malakas ka talaga. Ano gusto mong pinupuri ka talaga no?" Lumapit pa ako kay Alina.

"Pakiulit nga nang sinabi mo? Dali. Ano nga ako???" Tumawa ako pag katapos non pero 'di na naulit ang sinabi niya, kundi isang palo ang natanggap ko.

Potek na babae 'to, ang sakit mamalo. Siguro nung nakaraang buhay niya siya si King Kong.

"Ang kamay ng babae hindi dapat mabigat, tsaka 'wag kang mamalo tingnan mo namumula na palad mo." Hinatak ko ang kamay niya at ibinaliktad para naka tapat sa akin ang maputing palad na ngayon ay namumula. Hinimas himas ko ito at hinilot.

"Tss. Ilayo mo nga yang kamay mo, baka mahawaan mo ako ng Virus mo. 1 month na pala. Aalis ka na talaga?" Tanong ko kay Alina.

Ngayon siya susunduin ng mama niya

"Oo. Bakit mamimiss mo ako?" Tanong niya, ngumisi naman ako.

"Hindi, bakit naman kita mamimiss? Hah! Sino ka ba? HAHAHA" Ngumuso si Alina ng sabihin ko 'yon.

"Ako mamimiss kita." Sabi ni Alina sa akin. Napatigil ako sa pang aasar, hindi ko alam bigla ang sasabihin dahil wala naman nag sasabi saakin niyan.

"Hah? Ah Oo. Saan na ba si Tita? A-ang tagal naman niya? Tagal mong umalis." Naging awkward na ang bawat salita na lumalabas sa aking bibig.

"Hmm. Padating na rin si Mama. Gustong gusto mo akong umalis ah. Masama ka talaga. Ano ba gagawin mo rito kapag umalis na ako?" Tanong ni Alina saakin

"Manunuod" sabi ko

"Nang? Nanunuod nang?" Tanong pa niya, kumunot na ang maganda niyang nuo.

"Nang video mo na natalo ka. Hahaha ang epic kasi talaga." Sinamaan naman ako ng tingin ni Alina.

Isang doorbell ang nag patigil saamin. Agad akong nag punta ruon nasa baba na rin naman ako kaya mabilis agad akong nakapunta. Nasa salas na rin naman kami

"Magandang umaga po Tita, kamusta po kayo?" Tanong ko nung pag kabukas ko ng pinto.

"Ahh anak, ang gwapo mo talaga kahit kailan. Okay ang naging pag alis ko ruon, na secure naman ang deal!" Tumango tango pa ako.

"Nasaan na si Alina? Ano malikot ba?" Tanong saakin ng mama nito na akala mo isang bata si Alina.

"Ay hindi naman po, masinop po siya sa gamit at tumutulong saakin dito sa gawaing bahay." Ngumiti naman ang tita saakin.

Ngunit mas lumaki ang ngiti nito nang makita ang kanyang anak dala dala ang bagahe nito.

"Ah ang maganda kong anak, naaalala ko saiyo ang pag kabata ko!" Agad kinuha nang isang lalaki ang mga bag ni Alina, 'yun yata ang driver ni Tita.

"Aalis na kami, salamat talaga sa pag aalaga rito sa aking munting dalaga. Hahaha babalik ang aking anak sa susunod pero 'di na muling uuwi sa amin

Dadating ang panahon sa'yo na siya uuwi. Hihihi" Animo kinilig ang Tita sa kanyang nakita at sinabi.

"P-po?" Ngumiwi ako.

Anong pinag sasabi ni Tita? Hahaha.

May isa pang kilalang bansag kay Tita, sinasabi rin ng iba na magaling daw mag hula si Tita sa simpleng tingin o titig.

Ngumiti na lang ako at nag paalam na ako sa kanila.

"Mag iingat po kayo, Alina pag kauwi mo mag laro ka nang *no name* mag kakaroon nang banquet at 'yung pinakahinihintay ng lahat na Tree skill." Paalala ko kay Alina. Tumango lamang ang babae at sumakay na sa kotse.

Nakita ko ang pag andar nang kotse papalayo sa aking mata.

Kaya nang pag pasok ko sa aking maliit na apartment, isang tahimik na kwarto ang bumungad saakin.

Back to normal.

Biglang bumalik sa akin ang isipan na hindi ko natanong 'yung sagot niya about sa amin, 'yung sa Ferris wheel. Sh*t. Nawala sa isip ko kasi nung saktong pag kauwi ko sa Europe nag simula agad ang meeting 'tas laro na agad.

Napabukas ako nang *No name* nang wala sa oras, nag send ako ng parcel kay Avyanna na ang laman ay yung mismong Heroine Wedding Rare Skin. Kalakip ang liham na

"Kung isusuot mo ito, lahat ng komplikado sa atin magiging pormal, at lahat nang malabo mabibigyang linaw. Kitain mo ako sa Banquet. Suot ko 'yung Heroic Wedding Rare Skin."

Kahit ngayon lang, aasa ako.

Pag nag babalik tanaw ako sa kwento ng aking mga magulang, kahit kailan hindi naging maganda ang kanilang relasyon.

Kinasal sila na hindi nila mahal ang isa't isa. Ngunit na buo pa rin ako dahil kailangan nila nang magiging patunay sa kasalan at ang siyang aako sa lahat ng kamalian kasama ang kayamanan.

Ni kahit kailan hindi sumagi ni pumasok sa aking isipan ang pag kakaroon ng karelasyon, pero hindi ko naman sinabi na ayaw ko mag karoon.

Pero sa isang buwan na nakasama ko siya, lahat ng naramdaman kong kasiyahan, katuwaan, pang aasar at kung ano pa man ay una. Unang beses ko lamang naramdaman sa kanya.

Bilang isang Grand Duke sa isang Bansa, sinong tao ang nanaisin na biruin ako. Si Alina lang.

Wala kasi siyang ka ideya na isang Grand Duke ang kabiruan niya. Hehehe

Nung bata pa ako, unang beses na nakilala ko siya ay nung sinama ako ng aking magulang sa isang Business Party, bigatin ang pamilya ko kaya 'yung ibang bata gusto makipag laro saakin kasi isa ako sa cool kids (lol) ngunit ayaw ko sa kanila, mga bata pa lang may talento na sa pakikipag kepekehan.

Ngunit may isang babae, hinatak niya ang kanyang anak na babae na maganda, nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa magandang babae sa aking harapan...

Sabi nang mama nito

"Kaibiganin mo 'yang bata na yan dahil pag laki niyo, magiging pamilya kayo. Hahahaha"

Umalis ang mama nang babae na iniwan saakin ang babaeng bata na maganda

Ngunit ang babae na iyon ay tumingin saakin nang masama,

"Anong tinitingin tingin mo riyan?" Natulala ako sa aking nakita, galit siya saakin?

Duon nag simula ang lahat, kung saan susundan ko siya at magagalit siya saakin at aasarin ko siya na...

"Kapag lagi kang galit tatanda ka agad." At galit na naman siya.

Dalawang linggo lang tumagal ang aming usapan, kitaan dahil kailangan kong umalis papunta sa ibang bansa.

Duon nag simula ang aking pag kawala ng nag iisang kaibigan, that girl who is always angry, who always run out of patience. And now I'm sure I don't wanna lose her from my sight anymore.

---------------------------------------------------------
[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 43: THAT GIRL FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon