CHAPTER XVII: Baby Sit

631 64 4
                                    

"Hindi naman siguro 'to NPC no? hoy bata magsalita ka ngayon din." Sabi ko rito. (RAGE)

"Mama! Papa!" At pumalahaw ulit ang bata sa pag iyak nito.

---------------------------------------------------------
RAGE'S POV

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ko kay Avyanna, kanina pa kaming tatlong oras nag babantay sa bata na ito. Wala pa rin kaming nakikitang nanay o kapamilya na nag hahanap sa batang ito.

"Nagugutom na talaga ako pero naaawa ako sa bata." Nakaupo na lang ang batang lalaki sa hita ni Avyanna at natutulog na.

"Mukhang bagong online lang ang bata, meron rules sa laro na kapag nag laro ka ng 15 hrs mas matagal pa ay ifoforce log out ka na ng game upang kumain. Nakakatatlong oras na tayo rito ngunit hindi pa rin nag lolog-out ang bata." Paliwanag ko kay Avyanna.

"Kumain ka muna, ako muna mag babantay tapos pag tapos ka ng kumain, bumalik ka sa pag lalaro at ako naman ang magla-log out upang kumain." Tumango si Avyanna, nilipat niya saakin ang batang lalaki habang tulog ito. Buti na lang hindi ito nagising.

Tiningnan pa ni Avyanna ang bata at ako at biglang nag liwanag ito at nawala sa aking harapan.

Nalaman ko ring player ang bata at hindi isang NPC dahil sa Beginners Avatar nito at meron siyang attributes na siguro ay hindi pa naiaayos kaya kita ng lahat.

30 minuto ang hinintay ko at hindi pa rin nakakabalik ang babaeng iyon. Baka nag luto pa yon at nag saing.

"Hmm" Gumalaw ang bata at mamaya ay nag mulat na ng mata. Tumitig ito saakin at para sabihin sa inyo ang tagal ng tiitig niya saakin.

Sampung segundo,
Labing dalawang segundo....

Nagulat ako nung yumakap siya saakin at ipinatong lamang sa dibdib ko ang kanyang maliit na ulo.

May isang mainit na pakiramdam ang bumalot saakin... Binuhat ko ang bata at yumakap pa ito saakin ng mahigpit. Dumiretso kami sa Somniator's Food and Beverages...

"Mag pakabusog ka muna sa pagkain dito sa laro, kung hindi pa gutom ang totoo mong katawan." Buhat buhat ang bata ay sabay kaming pumasok sa maraming tao na gusali na iyon...

Naririnig ko pa ang bulungan na

"Nakagawa agad sila? Ang bilis naman?"

"Baliw, Yung batang nasa harap na buhat niya ay nadapa at kinakailangang alagaan dahil ang lakas umiyak niyang bata na 'yan." Hinampas pa ng player na nag paliwanag ang player na may maling akala.

Nag patuloy na akong mag lakad sa mismong counter.

"1 VIP Room pls. Prepare a room for 2 person and 1 child. Yung isa kong kasama ay dadating din pero mamaya pa siguro." Agad na akong umalis duon at pumunta na sa isang kwartong bakante sa taas.

Nang makapasok ay bumungad ang tahimik na kapaligiran, dumating ang in-order kong pag kain at sinusubuan ko ang batang ito ng pagkain niya.

"Say ahh", "Open your Mouth" "Shocked reaction." May pa effect pa akong lumilipad na pa spaceship ang pagkain sa kutsara.

"Drink your milk now." Masunurin naman ang bata na ito. Tantiya ko nasa 5 years old pa ang batang ito.

Ilang beses ko ring tinitigan ang bata dahil maaaring may kakilala akong ganong mukha o pamilyar.

May natatandaan ako pero malabo...

"Saan magulang mo bata?"
"Do you know your parents?"
"Do you have Mother? Father? Brother? Sister? Maid?"

Ngunit tinitigan lang ako ng bata na ito. Ngumiti ito saakin at yumakap muli. Tsk!

"Finish your cookies now." Gamit ang dalawang kamay ay nagawa ko siyang balansehin at pakainin.

*Ting*
A new message is recieved

[Read] or [Ignore]

Agad kong pinindot ang [Read]

Avyanna
- Nasaan kayo?

Nag reply naman ako pabalik at sinabi ang Somniator's Food and Beverages na lugar

Nakatitig na lang saakin ang bata at dahil busog na siya ay binayaran ko na.

Dumating si Avyanna at ako naman ang nag log out. Nung nakapag log out ay habang nakain ako ay may nag text sa cellphone ko.

"Son. Your father is looking for you, he is begging you to unblock him." Mom.

Ilang beses ko pang tinitigan ang text ni Mama at duon ako may narealized. Yung bata na 'yun...

Kapatid ko 'yun sa ibang nanay kaya pala pamilyar ang mukha nung bata dahil kamukha niya si Papa... At baka rin kaya tinawag akong Papa nun dahil kamukha ko si Papa.

Nanatili lang akong nakatulala at walang emosyon. Hinahayaang pumasok sa aking isipan ang lahat ng impormasyon...

Flashback 8 years ago.

Ang pamilyang nag palaki saakin ay talagang sobrang yaman, kung tutuusin ay ang pamilya ko ay parte ng Aristocracy, mga dugong bughaw na sobrang yayaman.

Kung tutuusin iba ang binibigay na saya ng pera sa tao at iba rin ang binibigay na saya ng pagmamahal sa mga tao.

Galing ako sa pamilyang Amory, kung ite-traced mo ito sa pinakauna unahang parte ng miyembro ng pamilya ko (Ancestor) galing kami sa royal blood. Parehas na mayaman ang aking mga magulang ngunit hindi nila mahal ang isa't isa. Nabuo ako dahil sa isang dahilan na mas lalakas at yayaman pa ang pamilyang meron ako kapag nandito ako.

Hindi rin masaya ang pakikisama ko sa pamilya ko. Ako ang legit na may dugong Amory ngunit kung pag bawalan nila ako sa mga ibang gawain ay daig ko pa ang isang nakakulong na kriminal.

Nuong 11 ako kailangan akong ilayo sa magulang ko, nag karoon ng affair si Papa sa isa sa utusan namin at duon nabuo yung batang inaalagaan ko na kapated ko na pala.

Walang kasamang pamilya akong lumaki at tanging tawag o text lang ang natatanggap ko sa kanila, kaya ikinulong ko ko ang sarili ko sa paniniwalang dapat lagi akong mag isa dahil kapag nasanay ako sa presensya ng iba, siguradong iiwan din nila ako.

Nag hahangad ng pag mamahal ng magulang ay nauwi ako sa paglalaro ng *No Name* dahil sa inis ko sa kanila ay hindi ko ginamit ang kanilang pera, nag simula ako sa wala. Ang pinakamababa, at sinubukan ko ring bumukod...

'Yun na nga ang aking ginawa, nakatira ako mag isa sa Apartment na ito. Nung una ay sobrang hirap dahil sa wala akong pera ngunit dahil sa *No Name* ay gumaan gaan din ang aking buhay at nasanay sa kung anong meron ako ngayon, ang makuntento.

End of Flashback

Bumalik ako sa laro pag katapos kong mag hugas ng pinggan. Pag kabalik ay agad kong niyakap ang nakakabata kong kapated.

[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 17: BABY SIT FIN]

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon