3RD PERSON'S POV
Isang lalaking mga nasa 40+ na ang edad ang makikitang naninigarilyo. Nakaupo ito sa swivel chair at pinag mamasdan ang magandang tanawin na makikita sa bintana ng office niya. Sa suot-suot na damit at interior ng kwarto masasabi mong mayayaman lamang ang nag kakaganito.
Isang katok ang bumulabog sa madilim at tahimik na kwarto. Hindi sumagot ang lalaking naninigarilyo ngunit bumukas ng kusa ang pinto at duon ay pumasok ang isang lalaki na mas bata pa. Marami itong hawak na papeles at dali-dali nitong ipinatong at ini-ayos ang papeles at inilagay ito sa lamesa ng lalaki. Inikot ng lalaking nakaupo papaharap ang swivel chair sa bagong dating na lalaki.
"Boss, nabili na po ang isang milyon na head gears at naibigay na po ito sa inyong mga tauhan. Ang susunod na batch ng mga headgears ay inaayos pa po pero nabayaran na." Hindi nag salita ang lalaking nakaupo.
Patuloy lamang itong naninigarilyo.
"About naman duon sa ibang bansa. Nabigay na po ang ilang bilyon na headgears upang masuot at magamit na. Hinihintay na lang po ang pinaka huling desisyon niyo at maaari na nila itong gamitin." Tumango ang lalaki at dinurog ang natirang sigarilyo sa ashtray.
"Hmm" Sagot ng lalaki tumango agad ang mas bata na lalaki na naintindihan niya ito.
"Pag kalabas ko po rito ay papayagan ko na po silang mag ka go signal upang masimulang magamit ito." Yumuko ang lalaki at nag tungo na papalabas.
Maririnig ang tunog ng pag kasara ng pinto at ang pag hinga lamang ng naiwan na lalaki sa loob ng kwarto.
Muli niyang inikot ang swivel chair at tumingin ulit sa mga building at sasakyan na patuloy at walang katupusang umaandar sa mahabang kalsada.
"Son, you have grown too well by yourself. It's time for you to go back." Matagal na tumitig ang lalaking iyon sa labas.
Sa loob rin ng malawak na kwarto makikita mo ang picture frame ng isang batang lalaki. Kamukha ito ni Prince Caspian at nang lalaking nakaupo ngunit masasabi mo na ang picture ay iba sa dalawang nabanggit.
"Magkikita na rin tayo. Sa ayaw at sa gusto mo." 'Yun lang ang huling sabi ng lalaki at hindi ko na ike-kwento pa ang nangyari.
---------------------------------------------------------
Sa loob ng laro na pinakasikat. Offline pa rin hanggang ngayon ang player na si Rage. Kaya wala itong kaalam alam na nag kakagulo sa loob at kahit sa labas. Usap-usapan ang bagong salta na mga players at pag dami ng players sa buong mundo.
Para nalamang isang bula na nadagdagan ang players at umabot ito sa bilyon.
Ang balitang ito ay maganda para sa gumawa ng laro dahil dagdag kita na naman ito para sakanila.
Pero para sa mga manlalaro, ito ay hindi kaaya aya. Hindi na nga nila maabutan ang pinaka malakas, mag aagawan pa sila sa resources dahil masyadong maraming player ang may kailangan...
Dito pumapasok ang mga indemand na resources. Kung gusto mong lumakas, dapat may sapat kang pera, ngunit para sa mga players na ang tanging gold lamang sa laro at pag papalit ng currency ang bumubuhay sa kanila, malaking disadvantage ito para sa kanila. Mukhang hindi na naman makakakain ang iba ng ilang araw.
Para lumakas kailangan mo pang mag double time sa pag papalevel. Kailangan mo rin bumili ng mga pills, potions at pag kain sa loob ng laro dahil kung hindi, ikaw rin ang makakawawa.
Ang pag taas ng map level ay isa sa mag bibigay ng advantage sa kanila laban sa ibang player.
Dahil kapag mataas ang iyong map level, 'yung mga nasa baba ay bebentahan mo ng resources na makukuha lamang sa map level mo.
Meron namang mayayaman sa laro na inaasa ang lahat sa pera nila. Para lumakas gagawa kayo ng sariling samahan, duon lahat kayo malalakas at mayayaman. Ang papalevelling ay sisiw lamang sa inyo.
Ang mga tipo naman ng tao na aangat sa kanilang posisyon ay 'yung mga non combat type na player pero may talento sa paggawa ng gamot, pag gawa ng mga sandata, armas at iba pa. Mga propesyon na inaral at talento na kaya mag pahanga sa iba.
Dito mo makikita ang pagiging dependent ng combat type players sa mga profession type na players. Mahalaga rin sila, hindi lang agad sila nakikita at napapansin agad sa mga laro.
Sa pag buo rin ng teams, sa ginawang party upang pag tulungan mapatay ang mga Game Boss mahalaga ang mga Cleric at Warrior. Maliban sa ang Cleric ang sumusuporta sa mga players, ang mga Warriors ay pangalawa lamang pag dating sa depensa ng buong team at pwede rin silang magamit sa pang atake at pang taunt.
Ang malalakas na Player na nasa World Ranking ay mahalagang makabuo ng sariling malakas at tapat na team/party. Dahil kapag nasa mataas ka ng mapa, lumalakas na rin ang kalaban.
Hindi ka si Rage na kayang mag solo.
Isa pang usap-usapan, ay umabot na ang mga nag lalaro sa 98% na ng populasyon ng buong mundo. Nakatulong rin ang pag lalaro ng VR dahil sa lagi lamang silang nasa bahay, umunti ang bilang ng krimen, at patuloy na umuunlad ang teknolohiya nang isang Bansa.
Dahil wala masyadong tao sa labas nasabi rin ng mga scientists na unti unting umaayos ang polusyon simula nag ka-Virtual Reality.
At dahil din daw sa mga tinitingala na player ay nag kakaroon ng magandang layunin ang manlalaro at isang mabuting inspirasyon upang pag paguran ang nais nilang makuha.
Isa pang mainit-init na topic ay mukhang magaganap na ulit sa laro ang [World Defending Ranking]
Dito ginaganap ang malupitang battle ng buong mundo. Country Vs. Country. Continent Vs. Continent at hanggang umabot sa top World Rankings na individuals.
Sumali na rin dati si Rage nung nasa ikatatlo, ikaapat, at ikalimang taon niya sa pag lalaro. Nanalo ang Pilipinas hanggang sa nadala niya ito sa World Rankings kaya walang sinuman ang nag lakas loob kalabanin ang Pilipinas sa mga laro dahil may natutulog lang daw na demonyo...
Nag hihintay lamang kailan mangangain.
Kada taon may nangyayaring ganon, isang event na pinaka hinihintay ng manlalaro sa laro. Nangyayari ito saktong Anniversary ng laro.
Sa Ikasampung anniversary ng laro duon mangyayari ang World Defending Ranking.
Tatlong beses lamang sumali si Rage sa patimpalak at ito'y lahat panalo. Ang pitong nanalo ruon sa World Defending Ranking ay galing sa iba-ibang bansa, sa iba't ibang players.
Ganon kalupit ang ating bida.
---------------------------------------------------------
Unti unti nang nabubuksan ang saradong pagkatao ni Rage. Bakit ba kasi sobrang pa mysterious?Ay lol. Ako nga pala ang author siyempre alam ko iyan😆 Kasi~~~~
May Facebook Account na ako. Baka naman send kayo ng friend Request saakin. 'Wag mahihiya!!! Kung may request o tanong kayo duon kayo mag sabi kasi kapag mabagal ang internet ko, malupit si Wattpad hindi nag l-loading.
Hindi ako snob, kailangan lang may internet connection para mamansin lol.
'Yun lang ang haba ng author's note. Nga pala may pagbabago sa schedule ni Author Somniator. Hindi po ako mag uupdate ng Sabado at linggo bilang pahinga. Ok lang naman sa inyo 'yun diba? Kapalit nun ta-try kong mag update ng dalawang chapter kada isang araw, kapag isang chapter lang sorry na sobrang busy lang.
Tapos na po itong story :) Wala na kayong hihintayin na update...
Stay healthy and happy, my beloved lux.
~ Somniator_lux09
~ Somniator Wp (Fb account)---------------------------------------------------------[VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER - CHAPTER 31: ARISTOCRAT FIN]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...