Mercenary's POV
Napatingin ako sa isang bagay na iniabot saakin ni Rage. Isa itong itim na bato
[Revival Stone]
[When you revive a player using this item, the players level will stay]
[Usable to yourself and friends only]Agad ko itong ini-use sa kaibigan kong mercenary na namatay.
"Kazumi. Oh bakit nandito ako ulit? Akala ko ba namatay na ako? Tsaka bakit ganon pa rin ang level ko? Akala ko pa naman tatagal ako ruon sa madilim na lugar." Lumapit saakin si Shy Zero.
Agad akong nag simula ng trade sa kanya.
"Ano 'to?" Naguguluhang tanong saakin ni Shy Zero.
"Bayad sa task natin. Mayaman na tayo." Ngumiti ako sa kanya.
"A-ano to? B-bakit ang laki?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hindi ka maniniwala kapag sinabi ko saiyong ang kapatid nung bata na iyon ay isang sobrang lakas na player at sobrang sikat." Proud na proud kong sabi sa kanya.
"Nasaan ang mga kalaban? At Sino ba yung kapatid?" Kita sa mukha niyang gusto niya talagang malaman kung sino ito.
"Si Rage." Nanlaki ang mata niya ng malaman niya iyon.
"Totoo ba 'yan? Ay totoo nga alangan namang naubos mo 'yung mga kalaban dito nang mag isa. Alangan naman na ang batang iyon ang tumapos ng labanan." Ngumisi si Shy Zero at nag simula na ring mag pupupulot-pulot ng mga nahulog na weapons at armors.
"Ibebenta ba natin ito?" Tumango ako.
"Tara mag punta na tayo sa headquarters natin. May ibibigay rin ako kay bossing." Ngumiti ako dahil sigurado akong matutuwa iyon.
"Oh. Anong ibibigay mo? Sabihin mo nga may nakuha ka ba kay Rage maliban sa revival stone?" Tumango ako bilang pag sang-ayon sa tanong niya.
"Hmm. Tig-dalawa tayong milyon na gold at 3 milyon naman ang bayad niya para sa Mercenary group natin. Bukas siguradong kapag babalik ako sa blacksmith shop madadagdagan ko pa 'yung binili kong sumasabog." Natuwa ako sa aking iniisip. Lalong dadali ang aking gagawin.
"Ang yaman naman niya. 7 million din lahat 'yun. Pero pag iisipin para lamang barya sa kanya iyon, talagang mayaman si Idol Rage na pati ang kapatid nitong bata ay max na rin ang VIP." Bilib na bilib na sabi ni Shy Zero. Kumikislap kislap pa ang mata.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng pinto ng maliit na headquarter's namin. Ang headquarter ng Hades Mercenary.
Pagka pasok ay makikita ruon ang hile-hilerang mercenaries at uunting pumipila na players para i-recruit kami.
Kilala kaming dalawa rito dahil sa lahat ng mercenaries ay kami yung mabilis gumawa ng trabaho na naatang saamin. Mahal rin naman ang bayad saamin ngunit hindi ganon kamahal katulad ng nasa mga sikat na mercenaries, sa isang sikat na mercenary group.
"Kazumi, Shy Zero!" Isang sigaw ang tumawag sa pangalan namin. Boses ito ng aming Boss.
"Boss." Tumango kaming dalawa sa kanya. Agad na nakalapit ang boss namin sa amin.
Isa na itong 60's na lalaking matanda. Masayahin ito at mabait, naging legendary rin ito sa mundo ng mercenaries dahil nahawakan na nito ang kaso na pinapagawa ni Rage.
Ang Hades mercenaries ay matagal ng nasa laro na ito. Kung tutuusin mas nauna pa ang Hades Mercenary sa player na si Rage nag karoon lang ng problema kaya nag hihirap na kami ngayon...
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...