CHAPTER XXII: REPAIRED SWORD

566 62 1
                                    

RAGE'S POV

Pag katapos gawin ni Master Sweet Viper ang pag aayos sa aking espada ay agad din naman niya itong ibinigay saakin. Hawak hawak ang bagong ayos na espada ay mas gumaan ito at mukhang bagong hasa lamang kagaya nung bago kong kuha rito.

"May isa rin akong alam na gawin Rage. Isa rito ang pag papaganda ng mga damit na kagaya ng suot mo. Alam kong maaaring 'di ka pumayag dahil talagang rare ang heroic ~ Sige." Pagka unequip ko ay dali daling ibinigay ko kay Master ang Heroic Skin.

"Kayo na po bahala diyan Master. Nga pala pwede ko po bang iwan sa iyo ang nakakabata ko pong kapatid? Mabait naman po iyon. Sigurado po akong susunod po iyon sa inyo kung may iuutos po kayo." Bigla ko kasing naisip si Prince Caspian dahil sa mag papalevel na ako ng mapa at hahabulin ko na ang level 200+ map. Malapit na ring dumating ang flower festival at makikita ko na ang lima kong little devils sa laro.

Kinita ko pa si Prince Caspian sa may Somniator's Food and Beverages dahil sa kumakain siya duon, sinundo ko lang at iiwan ko na siya duon sa workshop ni Master.

"Prince iiwan kita sa Master ko. Mag papakabait ka duon ah. Kapag nag utos 'yun susundin mo siya kasi mas nakakatanda siya saiyo." Tumango naman si Prince at yumakap pa saakin.

Pagka drop ko sa kanya sa Workshop ay dali dali siyang pumunta duon sa may apoy. Tinitigan niya lamang ito at mamaya ay pumasok na sa loob.

Habang ako naman ay nag teleport sa mapa ng level 150. Sisimulan ko na ang pag g-grind.

Sa mapa ng level 150 papuntang level 200, madalas kang makakita ng Elder Sarangay dito bilang kalaban habang ang mga NPC sa mataas na map level ay umuunti pag dating sa pinakamataas na mapa.

Kaya naman ang professions na klase ng player ay mahalaga na pagdating sa mataas na map level. Dahil halos lahat ng manlalaro ay aasa sa talento ng bawat isa sa kanila...

May bumungad saaking isang kalaban na Elder Sarangay. Sila ay Minotaur. Malalaki sila kumpara sa normal na size ng player sa laro.

Name: Elder Sarangay
Level: Level 160
[Level 160 Division Boss ~ Slaves]

HP: 1,000,000
MP: 10,000
ATK: 50,000
[MORE DETAILS]
Elder Sarangay is a highly skilled Physical Attacker and is very dangerous. Please proceed with caution]
[Note: The Boss might disturb you while you're fighting with his slaves]

Nakapatay na ako ng ilang ganito at papatay ulit ako. Wala namang masama na umulit at dumagdag sila sa aking koleksyon ng corpse. Sigurado rin akong matutuwa si Rot nito... May bago na naman itong pag lalaruan.

Gamit ang bagong gawang espada ay itinaas ko ito saglit at inihiwa ito sa hangin at dahil sa mas malakas ako sa kalaban ko ay para lamang ako nag hiwa ng tofu.

*Shing*

Kasabay nun ay ang pag bagsak ng kanyang ulo. Kahit ang aking kalaban sa Level 160 map na isang Division Boss ay meron pa rin itong slaves, sabagay makakapunta ba ito sa mataas na level na kagaya ng 150+ kung pipitsugin ito?

Nag sabay-sabay sa aking kapaligiran ang mga Elder Sarangay slaves at dinumog ako. "Saglit lang. Lahat kayo makakatikim ng talas ng espada ko"

Hiwa rito. *Shing*
Hiwa roon. *Shing*
Hiwa diyan. *Shing*

Sunod-sunod ang bagsak ng mga ulo ng nakakalaban ko. Tuloy-tuloy lamang ako papuntang Level 200 dahil sa kahit mataas na mapa na ang meron dito at marami akong kailangang mapuntahan at mabilhan dito ay mamaya na iyon. Marami pang oras.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon