CHAPTER XXX: Touring High Level Map

522 53 5
                                    

RAGE'S POV

Hinatak ko si Avyanna at nag teleport kami sa Map Level 200.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" Galit na sabi saakin ni Avyanna. Ngumiti ako kay Avyanna. Ang cute niya magalit.

"Bakit ka ba laging galit? Ano naman kung dalhin kita kung saan saan? kapag kasama mo ako lagi kang magiging ligtas. Tandaan mo iyan Babae." *Pat Pat* inasar ko si Avyanna sa pag himas ng buhok niya na parang aso at pusa.

Umiwas naman siya at tinabig ang aking kamay. Ngumisi ako at kinuha ang kamay niya, mag kahawak kamay kaming nag punta sa Level 200 Map.

"Halika dito Babae. Kumapit ka ng mahigpit saakin." Tinaasan ako ng kilay ni Avyanna. Hahaha.

Gagamit kasi ako ng teleport dapat magkatabi kami o may physical contact.

"Hala bakit ang dilim dito?" Pag tatanong ni Avyanna nung nandito na kami sa Map level 200.

"Nandito ka ngayon sa Map level 200 babae. Madilim talaga sa lugar na ito kumpara sa ibang mapa. Hindi rin uso ang puting liwanag dito kundi isang lamparang kulay lila ang ginagamit nila kaya madilim pa rin, kahit sa mismong town nila madilim." Paliwanag ko

"May tatlong daanan. Nasa gitnang daan ang daan papuntang Town ng mapa na ito. Ang dalawang daan ay papunta sa madilim na kagubatan. Diretsuhin lang natin ang gitnang daanan at matutunton na natin ang Town." Sabi ko kay Avyanna at gamit ang mag kahawak naming kamay ay nagawa ko siyang hatakin.

"Anong maganda sa Map Level 200 na ito?" Pagtatanong ni Avyanna.

"Dahil madilim sa lugar maraming nag kalat na mababangis na mobs dito. Sa labas ng town, may chance na kada grind mo makakakuha ka ng malalaking EXP. Nag rerespawn din ang mga mobs dito kaya naman ang EXP mo bilang Lev 200 na player ay tataas pa." Paliwanag ko. Tiningnan ko si Avyanna.

"Nandito na tayo. Ang unang NPC na makikita mo ay ang Mayor ng Town na ito, si Mr. Lee Atriedes." Tumango naman si Avyanna.

Tama nga ako dahil maririnig na naman ang yapak ng paa at bumungad na lang sa aming harapan si Lee Atriedes.

"Kamusta?" Tanong ko kay Lee.

Ngumiti siya at "Namiss kita ng sobra Rage. Ang tagal mo ring nawala, mga dalawang araw, ay sino itong magandang dalaga?"

"Si Avyanna. Avyanna si Lee Atriedes ang Mayor ng Level 200 Town na makikita dito sa mapa na ito." Pinakilala ko silang dalawa sa isa't isa.

"Maliban sa iyo, ngayon lang ako nakakita ng isa pang player. Kinagagalak kong makita ka. Ang ganda mo naman ng sobra. Parang close kayo ah. Nag iibigan ba kayo?" Ngumisi ang Mayor na nasa harapan at duon ay nakita kong namula si Avyanna.

"Hmm" Tumango na lang ako. Napukaw ang atensyon ni Avyanna saakin. Nag tatanong ang mga mata nito...

Ngumiti lang ako sa kanya.

"I to-tour ko sana ang babaeng ito sa Level 200 map ipapakilala ko na rin siya sa Limang Demonyo." Tumango ang Mayor

"Sige lang. Nanduon lang ako sa Town Center, busy talaga ako naramdaman ko lamang ang presensya mo kaya pinuntahan kita." Nawala na parang bula si Mr. Lee Atriedes.

"Kahit madilim sa lugar nila masasarap ang pag kain dito. Mamaya kapag tapos ka nang kumain ay dadalhin kita sa aking limang demonyo." Hinatak ko ulit ang malambot na kamay ni Avyanna. Tumigil ako upang ipag dikit ang daliri namin ni Avyanna.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon