This is a side story guys! Huwag po malilito bakit walang nakalagay na pangalan sa POV, malalaman niyo po sa dulo.
********* POV
*7 years ago*
Duon una kong nakita ang *No Name* na laro, free to play lang ito nung una at nag karoon lang ng babayaran kapag mag-uupgrade ka ng VIP o balak mong bumili ng skins.
Isang VRMMORPG na kailangan ng mga kagamitan, Headgears at iba pa. Kailangan ko ring bayaran ang bawat parte ng laro kagaya na lamang ng Chips nito kaya kahit hindi ako mayaman, at ako man ay may trabaho't ipon, nagawa kong butasin ang alkansya ko at kuhanin ang pera upang maipangbili ko ng laro na iyon.
Unang araw ko sa pag lalaro ay nag karoon na ako ng interest, tuwang nakukuha ko lang sa pag lalaro ng mga Online Games. Satisfactory in playing ba...
Hindi ako ang pinakamalakas sa laro, pang rank 2000+ pa nga ako, ngunit bilang isang taong naniniwala na walang imposible sa taong nangangarap, Ay nag send ako ng friend request sa mga players na ang kanilang pera ay pumapapalakpak sa rami. Mga players na ang lalakas talaga na kapag nakatapat mo ay iiwasan mo ito.
Sobrang saya ko dahil inaccept ako ng top 3 nung panahon na iyon. Inaaccept ako ng VIP 11, ako na isang non-VIP player lamang!
Dahil sa tuwa ko ay nag send din ako ng friend request sa ibang players, mga players na kasali sa Top 10 Rankings. Wala naman sigurong masama ruon? Gusto ko lang naman mag karoon ng malakas na kaibigan.
Ngunit sa friend request kong nakatambay sa kanilang friend request list ay tumagal ng isang linggo? Tatlo? Oh siguro aabot din ito ng isang buwan.
Parang kahit gaano kaganda ang laro kapag wala ka namang nakakausap ay para bang wala rin itong kwenta. May kulang talaga. Bakit yung iba kapag malakas sila hindi sila nauubusan ng kausap. Isang chat lang sa world chat ang dami nang nag papapansin sa kanila.
Ganun ba talaga pag may pera? Gusto ko rin ng ganon. Nag trabaho ako ng nag trabaho at sa unang beses nakabili ako ng VIP. Nakakadalawang taon na ako sa laro ng mag karoon din ako ng VIP sa laro.
Lumakas naman ako ng lumakas, dumami ng dumami na rin mga nakakausap ko. Mga kaibigan ko sa laro. Tumataas na rin ranks ko at umabot pa nga sa top 10 sa buong Mundo at tumaas pa ng tumaas.
At nung ikatatlong taon ko sa paglalaro ako na si Top 1. Ang pinakauna, ang pinaka malakas na manlalaro, ang manlalarong hindi nauubusan ng friend request araw araw.
lalo pa ngang sumikat ang laro at duon ko napansin na dumami sila. Dumami rin ang tagahanga ng Top 1.
Pero siyempre maaaring mawala 'yun.
Ang lahat ng meron ako ay nakuha ng iba sa isang iglap. Ang aking pangalan ay pumangalawa at duon lumitaw ang apat na letra na hindi ko malilimutan. RAGE.Galit at pag kalito ang aking unang naramdaman. Nakipag kompitensya pa ako sa dulo pero sa huli ay nasawi rin, kaya sineryoso ko ang pangalang Rage.
Ngunit ang taong iyon pala ay yung taong hindi madaling habulin.Napanood kong mag simula siya ng pangalan para sa kanya, Ang mag palakas at manatili sa taas pero wala rin yata siyang balak bumaba. Balak makipag kaibigan sa amin na susunod sa kanya. Duon ko siya nabigyan ng panibagong pag tingin. Naging idolo ko siya kahit naging galit ako sa kanya nung mga una dahil nga kinuha niya lahat ng meron ako dati.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Ficção Científica(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...