CHAPTER V: Famous

998 103 5
                                    

ALINA'S POV

@Alexander(Rage) house

Matapos kong mag pipindot dito sa remote ay hindi ko pa rin makita ang gusto kong makita sa mga palabas dito sa TV na ito.

"ESPORT NEWS:

Bago po tayo bumalik sa tournament ng larong ito pag usapan muna natin ang sumisikat na laro na ito.

*No Name* ang tawag sa laro na ito sobrang sikat nito at nalaman ko lang kahapon na lalo pa itong sumisikat. Sa pagkakaalam ko nga ay dumarami pa lalo ang nag lalaro at umabot na ito sa 200Million+ at sa unang try nga daw nila ay naaddict na sila.

Nag try nga rin ako nito at totoo nga na meron sa laro na itong babalik balikan mo at alam mo ba na may isang player na laging pinag uusapan dito?" Tanong ng isang host dito sa isa pang host.

"Alam ko na, si Rage 'yan diba? Ahahaha nag lalaro rin kaya ako." Ngumiti ang babaeng host na nag salita. Kumikinang pa ang mata nito habang binabanggit ang pangalang Rage.

Napataas ang aking kilay sa narinig. Rage? At sino ba tong impaktong babaeng 'to? Mukhang may kaagaw pa ako ah. Bakit ba naman kasi ang lakas-lakas mo Rage dami tuloy nag kakagusto saiyo.

"Oh kilala mo din yun?" Tanong ng lalaking host dito sa babae.

"Oo. Halos lahat naman yata kilala 'yun." Tumawa naman yung babae.

"Sige para sa mga hindi po nakakaalam.  Si Rage po ay yung pinakamalakas na player sa laro at bilang Pilipino ay proud po ako bilang kalahi niya. Sa server ng Filipino server kasi siya nag lalaro at sure naman akong Pilipino 'yun. Hindi lang siya ang pinakamalakas na player sa Country Rank kundi pati din sa World Ranking na may battle power na 5 trillion." Tuwang tuwa yung lalaki sa pagkwento sa kaangasan at kagalingan ni Rage.

"Kaya nga gusto ko siya eh. Isa rin ako sa mga tagahanga niya. Kaya Rage kung nanunuod ka baka naman." Tumawa yung babae at kumindat pa sa TV. Halos masuka ako sa nakita.

Agad kong pinatay yung TV at pumunta sa kusina. Nangielam ako ruon para simulan na ang pag sasaing dahil pagabi na. Nag bukas rin ako ng ref at kinuha duon ang kailangan kong sangkap sa pag luluto.

Pag katapos ko sa pag luluto at pag sasaing ay nag hain na ako at dumiretso ako sa second floor ng maliit pero ok na rin na apartment. Hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Alexander dito kaya binuksan ko ang pinakamalapit saakin na kwarto at natagpuang walang tao duon at sigurado akong 'yun ang kwarto ko dito dahil nanduon ang gamit ko.

Sinarado ko ang pinto na iyon at pumunta ako sa isang kwarto at kumatok ngunit walang sumagot at hindi ko marinig ang nasa loob. Siguro may soundproof ang kwarto na ito.

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito dahil hindi naman sarado ay dali-dali na akong pumasok ngunit sana hindi na ako pumasok dahil kakatapos lang niya maligo at naka towel lang sa baba.

"Ah. Alexander kakain na." Sabi ko at tumingin na lang sa sahig. Hindi ko pa rin malimutan yung tulo ng tubig sa kanyang dibdib pababa ng pababa. Hindi sobrang ganda ng katawan niya actually. Payat po talaga siya pero dala ng postura niya ay hmm. Okay na pasado na.

"Sige mamaya bababa na ako." Sabi ni Alexander at tumango ako at umalis na.

"Sige mauuna na ako." Sabi ko at tumakbo na ako pababa.

Wahhh. Ok lang 'yan Alina. Kay rage ka pa rin tsaka diba matagal mo nang nakasama si Alexander bata pa lang kayo.

Kung tatanungin kasi ay si Rage po ay kababata ko. Childhood best friend ko po siya at kaibigan ni mama ang mama niya.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon