RAGE'S POV
Dala-dala ko ang NPC na nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa mataas na level ng mapa, sinama ko na siya kasi ang bagal niya mag lakad.
Kanina dapat namin kikitain ang Hari ng Kingdom dito ng karoon kami ng nakabangga ko ang isang NPC na matagal ko nang kakilala, si Mayor Lee Atriedes.
'Yung Mayor sa town ng Level 200 Map. Ganun siguro talaga ka big deal ang nangyayari at kinakailangan nang maimbitahan na ang mga NPC na matatagpuan sa Level 150+ Map Level. Mga NPC na may posisyon din sa respected Map Level nila.
Kahapon pa pala ito nandito at kausap ang Hari, isa pa ay kahapon pa rin sila nag pupulong at pinag uusapan ang sanhi at magiging bunga ng malaking problema na ito.
Isa pa ay uunti lang ang impormasyon na kanilang nakukuha sa mga survivors, maliban sa takot ay hindi sila makapag salita na ultimong isang nakakakabang pangyayari talaga ang kanilang naranasan at pilit na kinakalimutan.
Dahil sa tulong ni Lee Atriedes nagawa kong makausap ang Hari ng mapa ng Level 231 at ang iba pang Hari ng Kingdom na nandidito rin sa mapa.
Isang kasiyahan daw dapat ang mangyayari dahil sa tinagal na taon nila rito ay ngayon lamang sila nakakita ng Player na nakaabot sa mapa na ito.
Kalat na rin na nandito ako kaya mahirap nang lumabas sa Palasyo, dahil ako ay paniniguradong dudumugin.
Nung nasa tapat na kami ng Hari, kasama si Ronin ay agad itong nag kwento dahil ito ang utos ng Hari.
Galing Level 248 na mapa si Ronin at ang mapa na nag simula ng lahat ng problema na ito ay ang Mapang 250. Kaya mas alam niya talaga ang totoong nangyari kumpara ruon sa pinagkuhanan nila ng impormasyon.Naikwento niya ang kanyang sigaw na narinig nang siya'y magising, ang alulong ng mga MOBS at ang mga nag tatakbo rin na tao palayo sa panganib, lumabas siya sa kanyang bahay kahit naguguluhan.
Nanlalamig siya ngunit pinilit niyang binuhat ang kanyang kulay kape na kuneho at nagulat siya ng nilapa nito ang kangang braso, sa takot niya ay naibato niya ang alaga niyang kuneho at nanakbo ng sobrang bilis.
Dala ng takot, sakit, pagka balisa at andrenaline ay walang habas ang pag takbo niya ng mabilis, sobrang bilis hanggang sa nakaabot siya sa ibang mapa. Susunod na mapa at hanggang sa nakaabot siya sa Level 231 na mapa.
Nabanggit din niya na nung nanatili siya sa Level 235 na mapa ay nakapag pahinga pa siya ruon ng isang araw ngunit agad nakasunod ang mga iyon kaya nanakbo na naman siya at nandito na siya ngunit bakas pa rin ang takot.
"Kung gusto mo talagang maligtas, maaari kang pumunta sa Level 1 na mapa, maliban sa may isang protektadong malakas na barrier ang bumabalot duon. Walang mag tatangkang gumawa ng masama ruon." Paliwanag ko.
Kaya may barrier ang buong level 1 na mapa ay dahil beginners map 'yun at naniniwala ang Game Developer na mas mapoprotektahan nila ang mga Players kapag may ganon.
"Hah? Ayoko. Mas may kampante pa akong sumama sa iyo kesa ruon sa barrier. Dahil kung tutuusin ang Level 245 ay may barrier din pero tingnan mo at sila'y nakaabot pa rin sa level 235 na mapa." Totoo ang sinabi ni Ronin, sa Map Level 245 ay may isang dambuhalang barrier, ang kapal nito ay mas makapal ng unti kumpara sa iyong makikita sa Level 1 Map.
At kung bakit iyon duon nilagay dahil ikaw ay nalalapit na sa Level 250 na mapa. Isa itong resting point ng mga Players. Maliban sa Barrier nanduon din ang pinaka mataas na palapag ng Library at matatagpuan ang VVIP na service ng Somniator's Food and Beverages.
Napatingin kami ni Ronin sa Hari at sa kung anong plano nitong gawin.
"Natutuwa ako at ikaw ang pinakauna kong nakitang manlalaro sa mapa na ito. Ngunit ito ay problema ng aming Mapa at kung ito ay iuutos ko pa na linisin mo. Nakakahiya naman.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTER
Science Fiction(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕...