CHAPTER XXI: A PHOENIX EGG

665 59 3
                                    

RAGE'S POV

Nag lakad na ako sa direksyon nila Rue at Arceus. Parehas lang pala kami nang kikitain ni Master Sweet Viper.

Speaking of Sweet Viper. Ang pag kakaalam ko siya ang nangunguna sa Rankings sa Weaponsmith sa Rankings ng Professions.

Yes may Rankings din iyon. Dahil sa ako ay isang combat type na klase ng player ay ni isang beses ay hindi ako nakasama sa ganon. Mag kaiba kasi ang Overpowered Character sa Knowlegable Character or Player na tapat sa kanyang ginagawa. Magaling sa isang bagay ngunit hindi sa combat niya, ngunit kakikitaan siya ng natatanging talento sa kanyang propesyon.

Kaming combat type na player ay naasa sa ganyang klase naman ng player, katulad ng Blacksmith, alchemists, cook, at iba pa.

Malaki din ang benefits na nakukuha namin sa isa't isa. Pag dating sa bentahan ng produkto o nang bagay na madalas nilang gawin ay siyempre kami ang bibili at mag aagawan upang makuha iyon. Habang sila o katulad naman nila Sweet Viper ay mag kakapera sila dahil saamin.

Kadalasan naman ay upang mas makagawa ng magandang sandata o kalasag ay siyempre ang malakas na player ang mag po-provide ng kagamitan.

Isa rin ang player kagaya ni Sweet Viper ang hinding hindi mo pwedeng kalabanin sa laro. Maliban sa sila'y kilala imposibleng wala silang koneksyon sa bawat manlalaro ng larong ito..

"Rue. Ako si Rage. Magandang umaga. Nasaan ang itlog na ipapatingin mo." Nung nag pakilala ako ay nakatulala pa sila Arceus at Rue sa akin.

Pag karaan ng dalawang minuto ay buti naman at natauhan sila.

"Ay ito iyon." May inabot na itlog si Rue. Kulay gold ito na may halong pula.

[A PHOENIX EGG.
ONLY APPLICABLE TO LEVEL 230 AND ABOVE. IF YOU WANT TO BE THE OWNER, DROP YOUR BLOOD TO BOND A PACK]

Iyan ang nakalagay sa description.

"Give me your wrist." Agad namang binigay ni Rue ang kanyang kamay. Hinatak ko pa ito at ipinitik ang aking hinlalaki at hinlalato. Pag katapos nun ay may lumabas na itim na usok sa akin at tumulo na agad sa itlog ang dugo ni Rue. Agad din namang humilom ang sugat at kinuha na ni Rue ang kanyang kamay.

[ACCEPTING THE OWNER'S BLOOD. EXTRACTING ~ CIRCULATING ~ HATCHING]

Nag karoon ng maliit na crack ang itlog hanggang sa naging isang haba ito. Duon sa itlog ay mararamdaman mo ang mainit na temperatura.

Ang Tavern na nag kakasiyahan at maingay ay biglang natahimik. Sobrang init bigla sa loob ng lugar. Bagamat walang epekto saakin ito, kahit ako ay nakararanas ng mainit na temperatura ngunit nakakayanan ko pa naman dahil sa Fire Resistance Buff ng aking Heroic Skin.

Nung tuluyan ng nag crack ang itlog ay duon makikita ang maliit na lumilipad. Mukha itong ibon ngunit nasusunog ito sa kanyang sariling apoy ngunit kesa na maging fried chicken siya ay masigla pa itong naliligo sa apoy na iyon.

[PHOENIX]
[LVL. 1]
HP: 500
FIRE POWER: 10,000
MP: 100,000

SKILLS:
PHOENIX SHOWER LV. 1 [10%]
PHOENIX WIND POWER LV. 1 [9%]
ETC. ETC.

"Hmm. A type of a killer pet. That fire power is a bit OP and of course the hp is quite low. It suits the Phoenix power, making it a balanced pet in the game." Tumango tango pa ako.

"Master sabihin mo na ang gusto mong sabihin at mag tuturo ka pa saakin." Umupo ako sa upuan ng grupo nila Rue. Nag kwentuhan pa kami at kung ano anong pinag usapan namin sa mapa ng Haidra.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon