SPECIAL CHAPTER: MASTER IS BACK!

574 36 3
                                    

REBEL, REBELLION, RUINER, ROUGE, ROT.
Struggling for Master's Favorite!!!

(This Chapter contains bonus Information about the third story of my upcoming VIRTUAL REALITY)
---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Ang mission na binigay ni Rage sa kanyang limang alagad ay hindi naging madali.

Pag balik nila sa kanilang sariling mundo, ang bumungad sa kanila ay ang malaking agwat ng kanilang kapangyarihan sa umuupong pinakamalakas.

Ang lakas ng nasa Devil Rankings ay parang Heaven and Earth. Ganun kalaki. Sila ang mga pipitsuging nasa low Rank at ang Top 1 sa mundong ito ay ang nasa kalangitan.

Walang araw na hindi naging madali at mapayapa ang takbo ng kanilang buhay rito. Maliban sa mayabang ang Top 1 at ibang-iba sa nakagawian nilang Master na si Rage, na mas malakas kesa rito.

Masasama ang ibang demonyo rito. Kung paano mo sila kinilala, ganon na ganon sila rito.

Nag hiwahiwalay ang limang alagad at ginawa ang trabaho na inatang sa kanila. Ang mag palakas.

Sa unang araw, ang ibang nakakita sa kanila ay hindi nag dalawang isip na gamitin sila bilang hakbang sa pag papalakas. Nasimut sarap ng limang alagad ang lahat ng kamalasan sa mundong ito.

Sila ay kinakawawa, binubully at inuutos utusan lamang. Sa mundo nilang ganito, ang malakas at matibay lamang ang nananatili sa taas.

Ngunit papayag ba silang mag paalipin sa kagustuhan ng iba? Mas okay nang maparusahan sa mundong ito kesa na matanggap nila ito mismo sa kanilang Master.

Ang madungisan ang pangalan ng kanilang Master ay isang kasalanan sa kanilang lima, kaya kahit tinatanong ng ilang demonyo sa kanila kung saan sila nanggaling at bakit sila may pangalan ay hindi nila ito sinasabi.

May batas sa mundo nila na ang mag pangalan ng demonyo ay isa ka dapat malakas na indibidwal, lalo't na lima. Hindi ganon kalakas ang limang demonyo sa harap nila ngunit walang halong biro ang Darkness Element na hawak-hawak nila. Ito'y isang pure Darkness Element at lahat ng demonyo gusto itong maangkin.

Ngunit mahina pa sila. Hindi nila pwedeng sabihin sa mga demonyong ito na ang Master nila ay si Rage, ang pinakamalakas na Player.

Importante ang Player sa mundo nila, inaabangan na lamang nila ang pagbubukas ng portal para sa mga players... At susundan ang mga player para bigyan sila nang pangalan.

Ngunit ang limang ito ay may pangalan na? Anong klaseng luck ang nakuha nito sa kabilang mundo. Napuno ng inggit ang kanilang mga puso.

"Kapag talaga bumukas ang portal para sa laro at dinumog sila nang mga tao, titingnan natin sinong mas malakas sa atin pag nag kataon." Isip isip ng mga demonyo.

Nang malaman ng Top 1 Devil na meron ang limang iyon na pangalan habang siya at wala ay nagalit siya. Pinahirapan niya ang limang iyon at pilit na ninanakaw ang Darkness Element na bigay sa kanila ng kanilang Master.

"Master Rage, hindi na yata namin kayo makikita. Ilang linggo na ba ang lumipas? Master Rage!!!" Nanlulumo ang puso ni Rebel.

"Dadating si Master Rage para sa atin kagaya nang paano niya tayo niligtas sa mundong iyon." Tanda pa ni Rebellion kung paano sila tumakas sa mundong ito at nag punta sa mas mahinang mundo. Malayo sa mundong ito.

Ang mundong ito ay may batas na kailangan mong umalis kapag wala kang Darkness Element sa katawan. Sa kasamaang palad ipinanganak silang walang ganun ni isang porsyento.

VIRTUAL REALITY: OVERPOWERED CHARACTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon